Saturday, December 31, 2022
Kinamit
Saturday, December 24, 2022
Kumukutikutitap
Kulang anim na oras na lang at Pasko na, mga ateng. Part of my not-so-daily routine ang ma-achib ang 6k steps at pansin na pansin talaga na malamlam ang kinang this year. Mabibilang sa kamay ang mga kabahayan na kumukutikutitap. Pati mga palengke ay iilan lang ang nagbenta ng parol. Anyare diz year? Miss ko na tuloy nung elementary ako't lahat kami ng mga kaklase ko eh pinagdala ni ma'am ng parol. Sinabit sa bintana, pintuan at 'yung pinakabongga ay sa kisame ng classroom ilalagay.
It may not be the grandest and most memorable year for us but let me greet all of you a VERY MERRY CHRISTMAS! Let's hope that next year will be better and brighter. Sa ngayon, pagsaluhan natin kung ano man ang nakahanda. Batiin ang mga kamag-anak at kaibigan, at kung religious, 'wag kalimutang magsimba at magpasalamat. Kung hindi man, let's enjoy the time off from work and celebrate this occasion. Basahin din natin ang buhay ni Shiela at kung paano niya ipinagdiwang ang Kapaskuhan 26 years ago...
Art by Joven Gapuz
Friday, December 23, 2022
Restoration Project #14: Hindi Magiging Malungkot Ang Pasko
Tuesday, December 20, 2022
Magara
Nitong nakaraang Miyerkules ay pumunta ako sa SM para mamili ng damit na susuotin sa year-end party ng departamentong kinabibilangan ko sa opisina. Bet ko sana sa H&M o Uniqlo pero juice ko po, pati dito ay ang haba ng pila. Kahit ang daming kahera, abot sa gitna ng tindahan ang linya. Ending, sa department store na lang ako bumili. Pagkabayad ay rektang uwi. Mahirap abutan ng rush hour sa daan.
Last Saturday naman ay dumaan ako sa PolyEast Records kiosk sa Fishermall para bumili ng CD. Kating-kati ang tainga ko na pakinggan ang kantang Kumukutikutitap ni Joey Albert. Ang festive sa feeling kapag naririnig ko 'yan kahit saan kaya naman bumili na ako ng kopya para idagdag sa aking koleksyon.
Excited na ba kayo sa noche buena at sa mga regalong matatanggap? Simple man o magara, may aguinaldo o wala, ang mahalaga ay ipagdiwang natin ang araw na ito para sa Kanya. Huwag kalimutang magpasalamat at magpakabundat!
Sunday, December 18, 2022
Selebrasyon
Noong December 10 ay rumampa ako sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay para puntahan ang exhibit ng Komiks: Sining Biswal, Isang Siglo ng Sining ng Komiks. Ito ay binuo ni Randy Valiente para sa ika-isangdaang taon selebrasyon ng komiks sa bansa.
Ako lang ang tao noon dahil pasado alas-cuatro ng hapon na ako pumunta. Nakapaskil sa pader ang kasaysayan ng komiks mula sa kapanganakan nito noong 1922, impluwensiya ng mga Amerikano, golden age era, ang pamamayagpag noong dekada '80, hanggang sa unti-unti itong mapalitan ng makabagong henerasyon. Early '90s ko namulatan ang pagbabasa ng komiks at sa exhibit ko nalaman na sa dekadang ito unti-unting pumusyaw ang minsang makulay na industriya. Umusbong na rin kasi ang mga makabagong uri ng entertainment tulad ng VHS, internet, at cable channels. Tulad nang naikwento ko dito, isa ang komiks kung bakit mabilis akong nakabasa noong ako'y dalaginding pa. Laging may bitbit si La Mudra ng Horoscope Komiks kapag galing sa palengke dahil bukod sa horoscope, sinubaybayan niya ang nobelang Sa Isang Sulok ng mga Pangarap.Mabalik tayo sa exhibit. Bukod sa mga komiks na naka-display, meron din isang TV screen nagpapalabas ng mga videos at isa dito ang The Story of the Filipino ng CNN kung saan kasama sa mga ininterview si Rico Rival.Bilang Christmas gift for myself, dinayo ko ang opisina ng Manila Bulletin sa Intramuros noong Viernes para bilhin at current at back issues. May bonus pang 2023 planner. Love it!
Mabibili ang Liwayway Magazine sa National Bookstore at sa ilang piling newsstand. They badly need our support para patuloy silang makapag-imprenta ng mga makabuluhang kwento mula sa mga dati at bagong manunulat. Nawa'y mabuhay muli ang interes ng mga Pilipino sa ganitong babasahin dahil nakakahinayang naman kung magiging parte na lamang ng nakaraan.