Tuesday, September 19, 2023

Babuyan

Para sa ika-tatlumpung anibersaryo ng Society of Filipino Archivists for Film o SOFIA, isang pelikula ni Ishmael Bernal ang kanilang itinanghal sa Cinematheque, Manila kagabi, 18 September, ang Gamitin Mo Ako. First time kong malaman ang pelikulang 'yan nang i-post ng grupo sa FB ang kanilang announcement. At sa tuwing may film showing sila, lagi akong dumadalo. Gustong-gusto ko kasi ang talk pagkatapos ng palabas. Ang dami mong matututunan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Gamitin Mo Ako (1985)
VH Films
Directed by Ishmael Bernal
Written by Rolando Tinio
Starring Miss Rita Gomez, Al Tantay, William Martinez, and Stella Suarez Jr.

Nagsimula ang pelikula sa pagkatay ng baboy na negosyo ni Toyang (Gomez). Bukod sa babuyan, meron din siyang karinderya. Napakahigpit niya sa kaisa-isa anak na si Josie (Suarez) at lagi itong pinagbibintangang malandi.

Nais ni Josie na makatapos ng kolehiyo pero ayaw ng kanyang ina. Matapos ang kanilang pag-aaway na may kasamang lubluban sa kaning baboy, pinabalik din siya sa pag-aaral. Ending, naglandian sila ni Ador (Martinez) na tauhan nila sa babuyan. Nabuntis, nagalit ang ina at sapilitang pinalaglag ang bata.

'Di pahuhuli si Toyang kung kalandian ang pag-uusapan dahil boytoy niya si Sammy (Tantay). To be fair, mahal talaga siya ni Sammy at hindi mahindian. Ito pa ang nagbibigay ng pera sa kanya. SANAOL! Ginawa nilang puta si Josie at nagsama-sama sa iisang bubong.

Kung sanay tayo na laging mahirap ang role ni Daria Ramirez, p'wes iba dito dahil madatung at senswal ang lola niyo. Kalandian siya ni Sammy at ginawang manager sa casino si Toyang.

Nagpakasal si Josie sa isang mayamang lalaki at nagpunta ng ibang bansa. Matapos ang ilang taon, pest control at pagbebenta ng LPG ang naging negosyo nina Toyang at Sammy. Infairness, going strong ang dalawa kahit naghirap matapos iwan ni Ingrid (Ramirez). Memorable ang eksenang sawa na sa galunggong si Sammy at naglitanya ng iba't ibang klase ng isda na pwede din lutuin. Camp kung camp!

Umuwi ng Pilipinas si Josie para maghiganti sa dalawa. Pinatuloy niya sa kanyang mansyon ang dalawa at ginawang tsimay. Pinakulong si Sammy samantalang inatake sa puso si mudang. Sa sobrang paghihirap ng kalooban, nagbigti ang kanyang ina samantalang sa ilalim ng tulay pinulot si Sammy. Hindi na rin niya tinanggap ang pag-ibig ni Ador dahil hindi na siya ang Josie na minahal nito.

Stella Suarez Jr. (center) with SOFIA officials
Halos dalawang oras ang pelikula sa dami ng eksena. Uso talaga ang poverty porn noon at paborito ko 'yan kaya na-enjoy ko. Ang hot ni Al Tantay na binusog ang mga manonood sa dami ng bripang scenes. May breastfeeding scene pa sila ni Miss Rita Gomez na hindi nakasama sa final cut. According to Stella Suarez Jr. na nasa event din, madaming eksena ang na-cut tulad ng sex scene nila ni William Martinez, may orgy at rape scene pa daw.

Panned by critics ang pelikula noon. I can understand why kasi gulo-gulo ng emosyon ng mga karakter. One scene, maaawa ka kay Toyang, another scene mabwi-bwisit ka. Ang dami din inconsistencies. Lovelife lang nina Sammy at Toyang ang consistent! Hindi rin makatotohanan ang ibang linyahan pero aliw talaga. Para siyang Insiang na makalat version ahahaha!

Rating: 3/5 stars

Monday, September 18, 2023

Mister International 2023

Simula nang magsulputan ang iba't ibang beauty pageants for mujer and otoks ay medyo nawalan ako ng gana manood nito. I think the last pageant I truly enjoyed was Miss Universe 2018 nang manalo si Catriona. Even itong Mister International na paborito ko eh natabangan ako for the past few years. Para kasing naging wholesome, nabawasan ang sexiness. Speaking of MI, dalawang version pala ang mayroon niyan this year dahil sa sigalot ng mga top executives. Meron Thailand version at Philippines version. The former was recently concluded at napakatsalap ng winner na isang British-Thai actor, si Kim Tithisan Goodburn.

Kim Thitisan Goodburn
Mister International 2023

Pasabog ang swimsuit shots dahil hindi sila nagdamot sa mga fans. Talagang pinaglawa nila ang feykfeyk ko sa mga pasantolan ng contestants. Kaya bet ko din sa Thailand ginaganap ang male pageants kasi wiz sila pa-boxer shorts sa swimsuit. They know what their target audience wants. PAK!

Spain and Peru

Venezuela and India

Top 5 ko sina Thailand, Spain, India, Peru at Venezuela at swaksi naman ang tatlo diyan sa finals night. Si Venezuela talaga ang bet ko manalo pero aarti pa ba kay Kim? WIZ! Pareho silang masarap, kung gusto nila, sabay silang pumasok sa Cubao Ilalim ko, kasyang-kasya, may space pa! CHAR!

Here are the rest of my favourites...

Lebanon and Switzerland

Cuba and Philippines

France and North Cyprus

Czech Republic and Singapore
Swimsuit photos courtesy of Missosology

Nagliligpit

Last minute na nang maisipan kong rumampa sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa may MOA. Mga 20 minutes bago magsara ako nakarating. Nagliligpit na nga 'yung ibang booth, buti na lang at naabutan kong bukas ang mga booth ng Precious Pages. May bago kasi silang release na libro ni Rose Tan under Manila Pop, ang Lunna Misteryosa. Uuwi na sana ako pagkabili nang maisipan kong tumingin-tingin pa sa ibang booth. Sana nga hindi ko na ginawa dahil more budol pa ang nangyari. Nakita ko ang dalawang nobela ng National Artist for Visual Arts na si Francisco Coching, ang El Indio at Ang Barbaro na published by Vibal Foundation. Meron akong kopya ng Lapu-Lapu novel niya at dahil nakakamiss ang komiks, napa-swipe tayo nang wala sa oras. CHAR!


Napadaan din ako sa Fully Booked section pero stop right now, thank you very much muna tayo sa English books dahil may ilan pa akong nabili dati na hindi pa nababasa. Ikot-ikot lang, ikot, ikot nang makita ko ang booth ng Komiket. Naglilipit na rin sila pero karamihan ay naka-display pa. Naghahanap kasi ako ng unang issue ng DI-13 pero wala daw. May nakita akong niyan sa Filbars Megamall pero lasug-lasog na ang itsu. Hindi pasado sa kaartehan ko. Anyways, sa aking pagtitingin eh nakita ko ang mga kopya ng Sampan Lady, nobela ni Vic J. Poblete at guhit ni Steve Gan. Meron nito dati sa NBS Cubao pero 'di ko muna kinuha. Nang balikan ko, ubos na ang kopya. Kaya naman kahit na parang iiyacc na ako sa gastos, binili ko na. Pagkatapos niyan, agad-agad na akong lumabas ng venue at baka sa kangkungan na talaga ako pulutin. CHOS!