Bilang byuti rest ko today, pinili kong manatili muna sa balur at maniwala sa kasabihang "Relax, see a movie". Buti at nakakuha ako ng kopya ng isa sa pinaka-importanteng pelikula noong dekada sitenta na pinagbidahan ni Hilda Koronel...
Courtesy of Video 48 |
Insiang (1976)
Cinemanila Corporation
Directed by Lino Brocka
Screenplay by Mario O'hara and Lamberto Antonio
Starring Hilda Koronel, Ruel Vernal, Rez Cortez and Mona Lisa
Nakatira sa masukal na lugar si Insiang (Koronel) at pagiging labadera ang kanyang hanap-buhay. Kasama niya sa balur ang bungangerang nanay (Lisa) na iniwan ng kanyang tatay. Nakipisan sa kanila ang kamag-anak ng kanyang ama pero mahihiya ang lagare sa talas ng dila nito kaya nagsilayas ang mga 'to. 'Yun pala, ang nais nito ay ibahay ang mataderong si Dado (Vernal). Kahit gurangis na eh walang kiyeme kung kumiri si mader, sa kwarto man o salas. Lakas pang maka-ungol sa gabi at para hindi marinig ng mga shupitbalur eh ipabubukas ang gripo ng tubig. Pero sorry na lang 'to dahil 'di pa uso noon ang cougar at mas bet pa rin ng mga otoks ang sariwa. Pinagsamantalahan ni Dado si Insiang na hindi nailihim kay tanda. Umamin si lalaki pero binaliktad ang pangyayari. Inakit lamang daw siya. Uto-uto at bulag sa pag-ibig ang mashonders kaya ending eh pinagalitan na may malutong na sampal ang anak. Wawa naman.
Ay! 'Di ko pala nabanggit. May jowa 'tong Insiang sa katauhan ni Bebot (Cortez) na lagi ay gustong maka-iskor sa date sila. Matapos magahasa ni Dado eh tuluyan nang pumayag si Insiang sa gusto nito. Matapos makuha ang nais, MIA si lalaki. 'Yun lang pala ang habol nito. TSK!
Dahil sa sunud-sunod na kamalasan, ang dating kimi at walang imik ay naging palaban. Ginamit niya ang makamundong pagnanasa ni Dado upang makaganti kay Bebot. Nakatunog ang nanay niya at todong kinumpronta siya habang namamalantsa. Walang abog na inamin niya ang namamagitan sa kanila ni Dado. Nagdilim ang paningin ni mujay at pinagsasaksak hanggang mamatay ang live-in partner.
"Bakit? Akala mo ba'y pinagsisisihan ko ang ginawa ko? Nagkakamali ka. Kung hindi siya magiging akin, hindi rin siya magiging iyo." |
Rating: 5/5 stars
sa ngayon, wala nang mga ganyang klaseng pelikula, kahit yung mga gawa ngayon nina nora aunor at ate v, waley na waley compared sa mga award winning films noon. fresh kasi ang mga istorya di tulad ngayon may "hango sa pelikulang..." basta may pagkakatulad na sa ibang old pinoy films or worse, sa hollywood. right ateng melanie?
ReplyDeleteTumatak lang ng bonggang film today is Thy Womb ni Ate Guy at OTJ. The rest waley na ang quality ng istorya.
ReplyDeletesadly, today's pinoy films are blah. tarush ng ingles! wrong grammar! wala na masyadong high quality films ngayon, mostly mga rom-com na lang or worst, mga walang kwentang comedy o mga copycat na horror films tapos ang gumagawa lang ng mga pelikula, star cinema. yung ibang film outfits nakiki-merge na lang sa star cinema, they are more on money making films kesa sa critically acclaimed films.
ReplyDeletewala na ngang ganyang de kalibreng pelikula ngayon, pati sa aktingan. HALOS lahat ng artista ngayon mga bano umarte.
ReplyDeleteMeron bang orig nora aunor "Bona" na ma panood online ung full movie like sa youtube?? Help nmn mga sis =)
ReplyDeletesa tingin mo marami naman ngayong magagandang pelikulang pilipino. sasadyain mo nga lang sila sa mga festival at special screening. although it can't be denied that the young filmmakers have been heavily influenced by the west with the way they tell stories. but then again even bernal and brocka were influenced by french and italian cinema.
ReplyDeletei, too, was blown away when i saw insiang. such intensity. i love how brocka choreographed the scenes. it's melodrama but a damn good melodrama. plus siyempre ginawa ito sa panahon ni marcos so may political resonance rin.
-Teh Anonymous 1, isang malaking TSEK ka diyan!
ReplyDelete-Teh Anonymous 2, ay talaga? Sige papanoorin ko 'yan!
-Teh Anonymous 3, I think iba na kasi ang movie goers noong compare ngayon. Tsaka sandamakmak ang movie producers. Hindi lang iilan.
-Teh Anonymous 4, malaking factor din kasi ang face at market value ngayon. Secondary na lang ang galing sa aktingan.
-Teh Anonymous 5, parang wala yata ateng. Bili ka na lang ng VCD worth 199 peysos.
-Teh Anonymous 6, bet ko naman ang chika mo about the influences of Brocka and Bernal. Bonggels!
i love insiang! napaka-raw ng dating. galing dito ni ms hilda at ni madam mona. it captured the essence of Manila.
ReplyDeleteas for todays movies, madami din naman magaganda kaso puro indies. buti yun iba sa mga'to at least, napapalabas pa sa mga malls. ayun