Para sa ika-tatlumpung anibersaryo ng Society of Filipino Archivists for Film o SOFIA, isang pelikula ni Ishmael Bernal ang kanilang itinanghal sa Cinematheque, Manila kagabi, 18 September, ang Gamitin Mo Ako. First time kong malaman ang pelikulang 'yan nang i-post ng grupo sa FB ang kanilang announcement. At sa tuwing may film showing sila, lagi akong dumadalo. Gustong-gusto ko kasi ang talk pagkatapos ng palabas. Ang dami mong matututunan sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Nais ni Josie na makatapos ng kolehiyo pero ayaw ng kanyang ina. Matapos ang kanilang pag-aaway na may kasamang lubluban sa kaning baboy, pinabalik din siya sa pag-aaral. Ending, naglandian sila ni Ador (Martinez) na tauhan nila sa babuyan. Nabuntis, nagalit ang ina at sapilitang pinalaglag ang bata.
'Di pahuhuli si Toyang kung kalandian ang pag-uusapan dahil boytoy niya si Sammy (Tantay). To be fair, mahal talaga siya ni Sammy at hindi mahindian. Ito pa ang nagbibigay ng pera sa kanya. SANAOL! Ginawa nilang puta si Josie at nagsama-sama sa iisang bubong.
Kung sanay tayo na laging mahirap ang role ni Daria Ramirez, p'wes iba dito dahil madatung at senswal ang lola niyo. Kalandian siya ni Sammy at ginawang manager sa casino si Toyang.
Nagpakasal si Josie sa isang mayamang lalaki at nagpunta ng ibang bansa. Matapos ang ilang taon, pest control at pagbebenta ng LPG ang naging negosyo nina Toyang at Sammy. Infairness, going strong ang dalawa kahit naghirap matapos iwan ni Ingrid (Ramirez). Memorable ang eksenang sawa na sa galunggong si Sammy at naglitanya ng iba't ibang klase ng isda na pwede din lutuin. Camp kung camp!
Umuwi ng Pilipinas si Josie para maghiganti sa dalawa. Pinatuloy niya sa kanyang mansyon ang dalawa at ginawang tsimay. Pinakulong si Sammy samantalang inatake sa puso si mudang. Sa sobrang paghihirap ng kalooban, nagbigti ang kanyang ina samantalang sa ilalim ng tulay pinulot si Sammy. Hindi na rin niya tinanggap ang pag-ibig ni Ador dahil hindi na siya ang Josie na minahal nito.
Stella Suarez Jr. (center) with SOFIA officials |
Panned by critics ang pelikula noon. I can understand why kasi gulo-gulo ng emosyon ng mga karakter. One scene, maaawa ka kay Toyang, another scene mabwi-bwisit ka. Ang dami din inconsistencies. Lovelife lang nina Sammy at Toyang ang consistent! Hindi rin makatotohanan ang ibang linyahan pero aliw talaga. Para siyang Insiang na makalat version ahahaha!
Rating: 3/5 stars
No comments:
Post a Comment