Sunday, June 8, 2014

Double

Late 90's to early 2000's nang mauso ang mga OPM songs na double meaning o sa madaling sabi eh may halong kapilyuhan depende sa kung ano ang maiisip ng makakarinig. Swaksi palagi sa countdown ng iba't ibang radio stations ang mga kanta nina Mystica, Alyna at Mae Rivera. Kabi-kabila ang guestings nila sa TV. Uma-award pa ng gold at platinum record ang mga albums nila. Patunay na bumenta nang husto ang ganitong awitin noon. Hanggang ngayon nga eh naririnig ko pang kinakanta 'yan sa videoke ng mga sunog baga. Kaya this Sunday afternoon, ating balikan ang 5 most memorable naughty OPM hits plus their lyrics...

5. Sisirin Mo - Diwata
(tahong ba ang hanap mo?)
Sisirin mo mahal
Sisirin mo ang mga perlas sa dagat
Tulad mo mahalaga

4. Nilunok Ko'ng Lahat - Selina Sevilla
(ang dagta na ating pinakaaasam)
Nilunok ko'ng lahat ang mga sinabi ko
Na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok ko'ng lahat ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo

3. Kahit Gaano Kalaki - Alynna 
(size does matter)
Kahit gaano kalaki
Ang aking pagmamahal
Ayoko na yata, suko na ako
Kahit gaano kalaki
Ang pag-ibig ko sa'yo

2. Aray- Mae Rivera
(virgin ang peg)
Aray! Aray nako oohhh
Kay sakit naman ng ginawa mo
Arayyy
Oh kay hapdi nitong puso ko

1. Simple Lang - Mystica
(choosy si ateh)
Ang gusto ko sa lalaki 
Ay di masyadong malaki ang katawan
Kahit na siya'y maliit
Basta't mahaba lang ang kanyang pasensya

5 comments:

  1. yes. may sundot talaga sa imahinasyon ang music nila non at wala yatang simbahan na tumutol busy siguro sa political issues..
    classic ang ARAY ni Mae ..

    ReplyDelete
  2. tama yang top 5 mo ateng melanie hahaha akala ko nga number 1 yang aray pero mas mahalay pa pala yung kay mystica. Hahaha lurve it! sayang ngayon wala nang double meaning songs, ang uso naman ngayon mga artista turned singer kahit di naman singer (hello majarot salvador, kim chui, xian lim, aljur abrenica etc.)

    ReplyDelete
  3. Sisirin was actually a Tagalized plus remake of the song

    SINCERELY by the 50's band Moonglows then The Maguire Sisters

    hephep i was born in the 80's but i grew up with grandma so i am familiar with that song and the like..

    ReplyDelete
  4. Ate M, sa lahat ng songs na yan Im sure na yung Top 5 ang di ka maka-relate. nyahaha!
    Btw, meron pa din namang double meaning songs ngayon, pinaka-latest diyan ay yung song ni Maja na may lyrics na gan'to:

    "DAHAN-DAHAN LANG,
    OH, DAHAN LANG, DAHAN-DAHAN LANG
    MASAKIT mang aminin, DI MAALIS sa
    isipan
    Ang HALIK na galing LANGIT, sa labi
    mong pinagmulan.."

    Dapat ito yung theme song ni Nicole kay Adrian sa The Legal Wife. hehehe
    -AnonymousBeki

    ReplyDelete
  5. hahaha epic ung Aray.. so darn funny and tumatatak talaga sa utak ko hahaha... ^^

    ReplyDelete