Ano bang nangyayari sa
SM at mukhang bagong target ito ng krimen. Noong isang linggo lang binaril ng isang misis ang kanyang mister sa loob ng
SM North EDSA. Nadamay pa sa insidente ang isang sekyu. Kahapon naman ay dalawang beki ang patay sa loob ng
SM Pampanga. Ang todong nakakaloka, trese at disi-sais anyos lang sila!
Ayon sa balita, si beki 13 at 16 daw ay magkarelasyon. May pinagselosan si beki 13 at dahil dito, napagpasyahan niyang barilin sa ulo si beki 16 na ginawa rin niya sa kanyang sarili. Agad silang dinala sa hospital ngunit parehong dineklarang brain dead na.
Pumunta ako last week sa SM North matapos ang barilan incident at walang pinagbago ang kanilang security system. Bago pumasok eh tsetsekin ni koyang sekyu ang bag mo pero hindi mag e-exert ng effort na kalkalin ito. Hindi na rin kinakapkapan ang katawan ng mga nagsisipagpasok. Hindi kataka-takang madaling naipasok ng mga suspek ang kanilang armas.
At ang mga bagets ngayon, ke aaga makipagrelasyones lansones. 13 years old?
NAKAKALOKA! Siyempre nakakaramdam na ng crushes at paghanga 'yan sa ibang tao pero sa ganyang edad, dapat pag-aaral ang kanilang prioridad.
 |
| Bb. Melanie with high school classmates |
Sa mga kabataan ngayon, 'wag naman sana ninyong minamadali ang pagtanda at pakikipagrelasyon. Ilang taon lang naman kayong magiging adolescent kaya dapat i-enjoy ang youthfulness at glow. Saka na isipin ang blow, you know?