Before Ronna, my officemate, resigned from her position and pursued her dream as an educator, we had this small talk about our history and independence. Oh hanggang diyan na lang ang Ingles ko at baka hindi ko matapos ang vlag na itey. Topic namin kung bakit kalayaan mula sa mga Espanyol ang ipinagdiriwang natin. Eh de vaaah tatlo sila ng mga Amerikano at Hapon na um-invade sa atin? Bakit hindi 'yung kalayaan natin mula sa Hapon ang pinagdiriwang? Dahil ba 'yan sa longevity ng pananakop kaya mga mestizo ang wagi?
Independence Day is now on its 114th year. The biggest celebration of this day was in 1998, the centennial year. I was in Grade 6 and Erap's about to sit as the new president. Inaatake na naman ako ng Ingles sin-drome. CHAR!
Doon sa conversation namin ni Ronna, natanong niya kung talaga bang malaya na tayo o nagpapasakop na naman? Of course in a different way hindi 'yung may dadaong na barko, magkakaroon ng sandugo at magtatagisan ng lakas at armas. Ngayon, tayo naman ang willing na magpasakop by working abroad. Aalis ng bansa para makapagtrabaho at kumita ng mas malaki. 'Di baleng malayo sa pamilya basta matustusan sila. 'Di baleng malupit si amo basta makapagpadala lang ng dolyar at imported goods. 'Di baleng malamig ang klima basta may pambili ng gamot sina inay at itay. 'Di bale... darating din ang independence day nila. Uuwi sa bansa at makakasamang muli ang pamilya.
Tuesday, June 12, 2012
Monday, June 11, 2012
Dagdag
Marami ang shakira whenever wherever sa pagkaluzviminda mirasol ni Manny P. laban kay Timothy Bradley yesterday. 'Di ako masyadong na-sad hindi dahil sa 'nasuntok' niya tayo sa isyu ng kanyang paniniwala kundi dahil sa buhay ng isang tao, darating at darating talaga ang panahon na hindi ikaw palagi ang nasa itaas. Bababa ka rin at may papalit sa'yo. Natalo man siya eh winerva pa rin naman siya sa mata ng mga manonood. Ibang level pa dahil bukod sa local artesta natin, sina Justin Timberlake, Oscar De La Hoya at Khloe Kardashian ang ilan sa sa internashonal stars ang 'di matanggap ang resulta.
Obvious na lamang ang Pambansang Kamao kaya feeling ko eh scripted ang pagka-olats niya para may part 2 ang laban. Dagdag kita kay Bob Arum. Kapag wagi siya diyan, magkakaroon ng part 3 para magkaalaman kung sino talaga ng magaling. More profit, more fun!
Obvious na lamang ang Pambansang Kamao kaya feeling ko eh scripted ang pagka-olats niya para may part 2 ang laban. Dagdag kita kay Bob Arum. Kapag wagi siya diyan, magkakaroon ng part 3 para magkaalaman kung sino talaga ng magaling. More profit, more fun!
Saturday, June 9, 2012
Eto ka
Matagal bago naulit 'yan. Bukod sa mahal ang pamajack papuntang The Fort eh kailangan mong magpaysung ng entrance kung hindi ka GL. Unti-unti na rin akong nagpahinga sa pagpaparty dahil dalawang beses na magkasunod akong na-ospital. Kelangan ipahinga ang bodacious body.
![]() |
| Bb. Melanie, Ali and Daniella |
Fast forward tayo ngayon 2012. Napabalita kahapon na limang transgenders ang hindi pinapasok sa Icon bar located in Makati Citeehhh! Ayon sa article na nabasa ko dito, isa sa patakaran ng bar ang hindi pagpapapasok ng cross-dressers. Dati daw ay pwede pero "felt violated" daw ang mga authentic girls kapag ginagamit ng trans ang CR nila kaya pinagbawal. HUWAW! Balidong excuse ba 'yan?! Parang ambabaw yata. Bigla tuloy nag-flashback sa akin 'yung kinuwento ko sa taas. Nakaka-trauma kasi ang ganyang experience. Todong nakakababa ng morale. You went there to party and be happy yet hindi ka pinayagan dahil sa eto ka... isang tao na nagpapakatotoo.
| Image courtesy of Interaksyon.com |
Nga pala, matapos ang hindi kagandang experience namin eh hindi na kami umulit doon. Sa kahabaan na lang ng Tomas Morato kami rumampa kung saan tanggap at 'di limitado ang aming kasarian.
Friday, June 8, 2012
"Reasons" to watch Aryana
Pagsapit ng ala-singko ng hapon tuwing weekdays, kailangan tapos na ako sa aking gawain at todong nakatunganga na sa TV. Lately eh pinapantasya ko si Edward Mendez ng Hiyas. Okay, baka sabihin niyo tungkol na naman 'to sa kanya. Well, bukod sa kanya eh nadagdagan na naman ang aking prince charming sa fantasy land. Salamat sa seryeng Aryana at sa magandang kwento nito eh may isang pang rason kung bakit kailangan tutukan 'yan ng 'sangkabaklaan... si Dominic Roque AKA Hubert.
Isa siya sa love interests ng bidang sirena. 'Wag magalala mga ateng at 21 years old na siya sa totoong buhay kaya legal na siyang pagpantasyahan. He's taking up Tourism sa College of St. Benilde. Baguhan pa lang sa showbiz at mukhang bini-build up as bonggang star. Nasa dugo naman niya ang pag-aartista bilang tiyahin niya si Beth Tamayo. Ang red red ng leps niya mas lalo na kapag nag-smile. Ahahahaaay... I melt.
Kaloka ang eksena niya kahapon sa pool. Hinubad lang naman niya ang basang t-shirt sabay piga sa ulo ni Aryana. Sharap! Eto oh...
*Images from Pinoyexchange.com
Kaloka ang eksena niya kahapon sa pool. Hinubad lang naman niya ang basang t-shirt sabay piga sa ulo ni Aryana. Sharap! Eto oh...
Tuesday, June 5, 2012
Nasukol
Thanks to Mareng Lee for refreshing me sa isyu ng mga joldaper sa bus. Swerte natin at malas nila dahil mukhang isa isa na silang nalilipol. Huling linggo ng Abril ng mateggie agbayani ng isang parak ang isa sa dalawang holdaper at ito'y naganap sa kahabaan ng EDSA-Makati. Wit knows ng mga joldaper na may kasabay silang pulis sa loob. Habang may I get sila ng mahahalagang gamit ng mga pasahero, nakatiyempo si SPO2 Herbert Baylon at binaril ang isa. Ginawa naman niyang shield ang katawan nito habang niraratrat ang natira ngunit ito'y nakatakas. Proud na proud ang 'sangkapulisan sa kanya. Sana'y mapromote siya at dumami ang tulad niya. PAKAK!
Kabaliktaran naman niyan ang ikalawang insidente na nakunan pa ng video at ipinalabas sa TV. Dalawang pulis patola ang kasabwat ng mga joldaper. Ang siste, matapos holdapin ang bus eh to the rescue sila. Kunwaring tagapaglitas 'yun pala eh karamay sa krimen. Lilituhin ang mga biktima para mas makalayo ang mga joldapers. Siyempre belong sila sa hatian ng kita. Eh nasukol ang modus nila! Ayun, tsugi ang isa matapos mabaril sa dibdib. Hindi na rin pinahirapan nung isa ang imbestigasyon at umamin siya. Wala naman siyang magagawa kasi caught on video ang fes niya. Kahihiyan naman ang dulot niya sa 'sangkapulisan. For sure manure eh kalaboso ang bagsak niya. Sey bye bye na rin sa kanyang propesyon at lisensya. TSEH!
Kabaliktaran naman niyan ang ikalawang insidente na nakunan pa ng video at ipinalabas sa TV. Dalawang pulis patola ang kasabwat ng mga joldaper. Ang siste, matapos holdapin ang bus eh to the rescue sila. Kunwaring tagapaglitas 'yun pala eh karamay sa krimen. Lilituhin ang mga biktima para mas makalayo ang mga joldapers. Siyempre belong sila sa hatian ng kita. Eh nasukol ang modus nila! Ayun, tsugi ang isa matapos mabaril sa dibdib. Hindi na rin pinahirapan nung isa ang imbestigasyon at umamin siya. Wala naman siyang magagawa kasi caught on video ang fes niya. Kahihiyan naman ang dulot niya sa 'sangkapulisan. For sure manure eh kalaboso ang bagsak niya. Sey bye bye na rin sa kanyang propesyon at lisensya. TSEH!
Monday, June 4, 2012
Baon
Mga anak, unang araw ng pasukan ngayon. Gumising na at baka kayo'y mahuli. Nakapagluto na ako ng agahan... sinangag at pancit canton. Pagpasensyahan niyo na't yan lang ang nakayanan ko. Konting tiis muna. Hindi pa kasi nagpapadala ng pera ang tatay niyo. Noong isang taon pa ang huli niyang padala. Hindi na rin siya tumatawag. Sana naman mali ang hinala kong may iba na siyang pamilya. Pag-igihan niyo ang pag-aaral at 'yan lang ang tangi kong maipapamana sa inyo.
Oh sige kain na muna kayo at isasampay ko lang ang tanggap kong labada. Iniwan ko na rin sa may tokador ang masarap niyong baon...
Huwag madamot mga anak. Matutong magbahagi ng grasya. ☺
Oh sige kain na muna kayo at isasampay ko lang ang tanggap kong labada. Iniwan ko na rin sa may tokador ang masarap niyong baon...
![]() |
| Diego Furoni |
Miss USA 2012
Pasok sa top 5 sina Miss Nevada at ang black byutis nina Miss Georgia at Maryland. Nagkatalo talo lang sa Q&A portion kung saan maayos na naitawid ni Olivia ang sagot niya sa katanungan tungkol sa transgenders na bet jumoin sa Miss U.
Abangan natin kung pasok din siya sa Miss Universe sa darating na Disyembre.
Subscribe to:
Posts (Atom)













