Ditse maiba ako, pashare lang kasi wala akong mapagkwentuhan eh. I’m 45 pero alaga ko physical body ko kaya malayo sa 45 ang chura ko. Hindi gwapo lalong never na ngetpa. Sabi ni ermat kamukha ko si Edu Manzano. Tama na ang intro, at 45 eh virgin pa ako sa sex. Straight ako tingnan, chickboy ako at alam ng mga tropa ko. Tama na ang kweto basta bi ako. Sa tagal ng panahon mula pagkabata, itinago ko ang feelings ko. Hindi ko naranasang magmahal. Nagkaroon ako ng mga GFs pero front lang sila para sa aking identity.
Until last week lang may naka-chat ako na tulisan. Sabi niya for hire daw siya at inisip kong subukan kasi tumatanda na ang lolo mo. Baka hindi na gumana si junjun. Nagkita kami. Natatakot talaga ako kasi baka may makakita at hindi ko alam ang gagawin. Along the way ay ipinagtapat ko sa kanya na wala pa akong alam. Ni hindi ko alam paano mag check in sa motel. Natawa si mokong at sinabing siya na ang bahala sa akin. At nangyari ang lahat pero never ko pinagkaloob ang puri ko sa kanya. Hindi ko talaga kaya.
Pagkatapos ng pagtatagpong iyon, buong magdamag, hanggang sa gabi, pati sa trabaho ay siya ang nasa isip ko. Napapangiti ako mag-isa kapag naiisip ko siya. Nag-text ako sa kanya ng “kamusta ka” at “ok lang” ang maikling sagot niya pero parang nobela na ito sa akin. Ang saya-saya ko! Namimiss ko siya. Gusto ko siyang makausap palagi, gusto ko siyang makita palagi. Hindi siya maalis sa puso ko. Pag-ibig na ba ito? Hindi ko alam, tulungan mo ako parang mababaliw na ako kakaisip sa kanya.
***
Hi teh maygan2000!
Maraming salamat sa iyong suporta. Matagal-tagal ka na ring nagtiyatyaga sa mga putahe ko kaya naman imbes na sa comment section ko lang ito i-post eh ginawan ko na ng solo entry.
Well at your age I'm glad na sinubukan mong gawin ang isang bagay na I guess ikinatakot mo... ang gay sex. I don't know kung anong pumigil sa'yo sa loob ng ilang dekada pero welcome to the club!
Hindi ako si Dra. Margie Holmes na eksperto sa ganyang paksa pero I'll tell you my opinion. Sa aking palagay, hindi pag-ibig 'yang nararamdaman mo kundi aftershock ng namagitan sa inyo ni ohms. Siya ang unang nagpatikim sa'yo ng paraiso ni adan kaya ispesyal kung ituring mo 'yon. Infatuated ka sa nangyari at hindi mismo sa kanya. Bago kasi sa'yo ang experience kaya punong puno ka pa ng emosyon.
Hayaan mo rin ang iba pa nating mga shupatembas na magkomento at isiwalat ang kanilang opinyon sa iyong sitwasyon.
Nagmamasarap,
Bb. Melanie









