Friday, August 16, 2013

'Sanglibo (part 1)

I miss those days na halos everyday eh nakakapag-share ako sa inyo ng mga kuda ko whether may kinalaman sa pulitika, showbiz, buhay bakla o masasarap na lalake. Ngayon medyo dumalang na akong makapagsulat dahil limited na ang internet access sa bagong opisina kung saan ako namamasukan. Longkatuts ang peg ng trabaho kaya pagjuwelay ko, drained na drained ang utak kiz. I wanna take this opportunity to say thank you mga 'teh dahil andiyan pa rin kayo at patuloy na bumibisita sa aking kaharian (sabay pahid ng luha sa kaliwang pisngi). CHAR!

By the way highway, this will serve as my 1000th blog post. Though pag binilang niyo ang numbers of posted entries eh wit siya magma-match. Itinago ko kasi 'yung iba dahil puro kaartihan ko lang ang mababasa 'dun (parang lahat naman yata).

Since pang-isang libo ko na ito, I wanna make it special. At first, ang idea ko is to collect all the guys I featured and create a collage about them pero naiba ang ihip ng hangin nitong nakaraang linggo. I was feverish for more than a week. Napaka-unusual sa akin dahil 2-3 days lang akong nilalagnat. After 5 days of working, I decided to look for professional help.

Hello again my friend...
August 10 nang gumora ako sa JP Sioson General Hospital sa Bago Bantay, QC. Tsinek ang BP, temperature at kinuhanan ako ng dugo for CBC. Waley nakita. Niresetahan na lang ako ng antibiotic. Kinabukasan, sumakit ang leeg ko at inatake ako ng matinding sakit ng ulo. Inuubo na rin ako. Hindi na keri ng dyosa powers ko kaya I opted for second opinion. Salamat sa HMO card ng opisina at nakapag-hospital shopping ako. Eto lang ang shopping na wit nakaka-enjoy. AMP! Go ako sa aking suking pulmonologist sa The Medical City Ortigas. Okay ulit ang BP. Breathe in, breathe out sabi ni dok habang pinakikinggan niya ang lungs ko using stethoscope. Wala naman siyang narinig na kakaiba. He recommended for me to have an x-ray. Walang problema. Ginagawa ko kayang iPad ang x-ray machine.

Itutuloy...

Saturday, August 10, 2013

Bigote

Bago pa siya maging tatay ng kung sinu-sino sa mga teleserye, action at sexy star muna si Jestoni Alarcon. Karamihan sa mga pelikula niya eh produced ng Seiko Films. Sumubok sa larangan ng pulitika at 'di naman nabigo sa mga botante ng Antipolo at Rizal. Kahit na magsi-cincuenta aƱos na , mukhang masarap pa rin. Lalo na siguro noong kabataan niya at may bigote pa. Lalaking lalaki at astig ang dating.

May nakita akong lumang promo pic nila ni Osang. Wit ko knows kung para saang pelikula pero makabasag perlas ang kasarapan ng kuha kahit black and white...

Oh de vaaahhh?! Parang nakakakiliti sa isip ang mga munting balahibo sa dibdib at tiyan ni fafah. Malaman pero 'di mala-bato ang maskels sa katawan. And that tight white bikini... nakaka-Elya V. SARAP!

Wednesday, August 7, 2013

Kapos

Vogue na vogue as in PASAVOGUE na karangalan ang ginibsung ng Cinemalaya Film Festival 2013 sa isa nating sisteret. Itinanghal na Best Actor (New Breed) ang transgender na si Mimi Juareza para sa kanyang bonggang pagganap sa pelikulang Quick Change. Sayang at witey kong napanood 'yan. Marami pa namang nagsasabi na PAK na PAK ang pagkakagawa.

Ginampanan niya ang karakter ni Dorina na illegal na nag-o-opera ng mga bading na kapos sa anda pampa-Belo. Marami ngang ganyan sa totoong buhay. Sa ngalan ng murang pagpapaganda, talagang pinapatulan ng ilan nating mga kalahi. Nakakashokot lang at baka maging beauty or the beast ang resulta. KALOKA!

KONGRACHULEYSONS ateng! More projects for you. Perhaps a teleserye in primetime with Coco Martin or Alden Richards as your leading man. CHAROT!

Eto 'yung trailer nung pelikula...

Tuesday, August 6, 2013

Dapa

Kung ganito ako sasalubungin ni Prince Harry sa kaharian niya...


...magdadapa-dapaan ako para masubsob kunwari sa gitna sabay singhot nang malaman ko kung gaano kasarap ang royal aroma. At 'yung mga katabi niya, sa inyo na mga 'teh. Pili na kayo!

Monday, August 5, 2013

Unqueenly

Nakakasama ng loob ang ginawa ng Kapamilya Network sa idol kong si Juday. Agad-agad nilang tinapos ang Huwag Ka Lang Mawawala kahit consistent na mataas ang ratings nationwide at bongga sa dami ng ads. Sayang kasi napakaganda at kakaiba ang istorya nito. Una, nilagay nila ito sa timeslot after Juan Dela Cruz. Inurong nila nang matapos ang Apoy sa Dagat para pagbigyan ang pinagpalit-na-anak concept ng Muling Buksan Ang Puso.

Huwag Ka Lang Mawawala cast
Ayon sa chika, 'di pa daw dapat matatapos 'to pero dahil balak isingit ang Got To Believe ng KathNiel loveteam, iuurong na naman bilang pinakahuling Pinoy serye sa Primetime Bida. 'Di pumayag ang reyna at sinabing tapusin na lang kesa malipat na naman ng oras.

HANUBAYAN! Magbibigay sila ng Queen of Pinoy Soap Opera title pero napaka unqueenly ng treatment. Where is the justice there? Bali-balita tuloy na lilipat siya ng istasyon dahil sa pangyayaring ito. How sad pero kung doon siya liligaya, todong suportado siya ng kanyang mga tagahanga.

Sunday, August 4, 2013

Lotus

Sinulat ko ang vlag entry na itey sa isang yellow pad. Mashugal na rin akong 'di nakakapagsulat sa papel. Nakakadalawang pangungusap pa nga lang akez pero ang dami ko ng bura. Anyways, kasalukuyan kong pinakikinggan ang Lotus album ni Christina Aguilera.

November last year pa ito binebenta at ngayon ang ako nakakuha ng kopya. Waley daw deliver kay suking tindahan sa Recto kaya sa competitior niya muna ako bumayla. Medyo mahalya fuentes pero muriah carey pa rin kumpara sa mall.

Saturday, August 3, 2013

Pantalon

Naglabas ang MEGAstyle.ph ng 17 Hottest Male Models in the Philippines suot ang kanilang mga nagseseksihang pantalon. Bongga sana kung wala pero siyempre 'di pwede 'yun. Wit naman porniks ang website na 'yun kaya magkasya na lang tayo sa makikita natin sapagkat masarap at kapanta-pantasya pa rin. May konting interview portion kung paano sila nagsimula sa industriya ng pagmomodelo at bakit bet nila mag-pantalon.

Pumili ako ng lima na todong bubusog sa ating Sabado tapos click niyo na lang ang link sa baba kung gutom pa kayo.

Sagana ang palayan. Madaming sasabit sa ipen ko. CHOS!
Bagong menu... mukhang masarap
Forever MASARAP!
Try natin ang blonde 'pag may time
Antigas siguro ng... maskels niya
Nandito ang kumpletong listahan ---> MEGAstyle.ph