Nakakainis ang mga taong di makatingin sa iyo para sabihin ang gusto nila. Pinaparating ba sa ibang tao. Kaya tayo nag-aral ng matagal ay para matutunan natin kung paano makiharap sa iba't ibang klase ng tao. Kung malakas man ang personalidad nila o mahiyain, alam dapat natin ang tamang paraan kung paano sila kakausapin bilang isang edukadong tao. Sa ginawa mo, hindi ka lang napahiya sa akin kundi sa sarili mo. Paano pa kaya yung ibang tao na hindi mo kilala at pinapakiramdaman mo lang. Hindi kaya ang natutunan mo ay ang pagiging mapagpanggap sa halip na maging totoo. Mahirap mabuhay sa ganyang sitwasyon. Hindi mo lang pinapaliit ang mundong ginagalawan mo kundi pati na rin ang mga taong nakakasalamuha mo. Kung may problema ang isang tao, sabihin mo. Hindi ka nilagay sa posisyon na iyan para lang sa pangalang ikakabit sa iyo kundi naniwala sila na may kakayahan kang magpagalaw ng tao.
Magpagalaw hindi magpaikot. Magkaibang bagay iyon.
Hindi ka ba nanliliit kapag nakikita mo ang mga taong sa tingin mo ay naniniwala sa iyo pero ang nasa isip pala nila ay wala ka rin palang magagawa. Maraming paraan para ang isang punla na iniatas sa iyo ay umusbong na parang pananim. Ika nga nila "Kung anong itinanim, siya ding aanihin". Kung ang itatanim mo ay kabutihan, ang aanihin mo ay ikauunlad ng sangkatauhan. Hindi kailangang gayahin ang nakagawiang alam naman natin na hindi epektibo at maraming umaalma. Lumapit ka sa amin. Kausapin kami. Hingin mo ang opinyon namin sa mga bagay bagay na magpapaunlad ng mundong ginagalawan natin. Isama mo ang maliliit na tao sa paligid mo nang sa gayon ay maging matatag ang isang desisyon na magagawa mo.
Hindi ako perpekto at alam kong maaring sabihin nang iba na wala akong karapatan para sabihin ang mga bagay na ito. Pero kung makikinig ang isang tulad mo sa maliliit na boses na tulad ko, malaking bagay ang magagawa nito hindi lang para sa iyo kung para sa mundo.
Iba kami dito sa Makati... Chos!
Dito na ako nagwo-work matapos akong sipain ng Eastwoood City. Hehehe... Nakakapanibago kasi mahigit tatlong taon akong nagtrabaho sa Eastwood and now kami ay nagre-locate. Dito sa business center ng Pilipinas. Bongga di ba! Everything is new to me. The transportation. The location. The food stalls. The people. The buildings. Whoa!
It was my dream before to work here after I graduated in PUP. Feel kong rumampa ng todo sa Ayala Avenue with my formal style and business look. But sa iba ako pinadpad ng paa ko. Anyways, ngayong andito na aketch, ito-todo ko na ang life here. Todo sa init dahil El Nino at ang shift ko eh 3pm to 12midnight so expect na around 2pm eh bonggang lakad ako papunta sa office.
Infairness naman, may mga hot and delicious boylets pa rin here. Madaming foreigners na cutie din. Hahayaan ko silang ma-mesmerize sa angkin kong kagandahan at kariktan. Bongga di ba!?!
Nasa adjusting period pa lang ako so hindi ko pa masasabi kung masaya ako o hindi sa bagong lugar na aking napadparan. Nawa'y hindi ako mahirapan at sana'y todo ako sa saya pagdating ng sahod namin.

"Fall For You" is my all time Über favorite song. I find the lyrics pure and you really can feel the love on it. Shanice is the original artist but I first heard it with Nina's Live album. I automatically fell in love with it. Grabe!
I used to play it numerous times a day back in college while studying and doing some projects. I was so young then that I used this as a background music while playing the picture slide show of my former crush, Antonio DJ. on my PC's screen saver. Hehehe...
Sarah Geronimo's version is so refreshing that it reminds me of him. Chos! Landi ko... I luv her version but I think Nina's rendition is the best. Here's the lyrics:
There's a right or wrong to know for everything
And the truth is somewhere written in between
But there's always something missing in the dark
There you'll find the true condition of the heart
Well I can visualize the pieces of a dream
And it's not as far away as it may seem
But if truth be told, It's you that holds the key
To the question that defines my destiny
Chorus:
I've been in love, a time or two
I've seen the world, but not with you
I wanna fly, and spread my wings
Don't wanna cry, I wanna sing
I wanna live, and take a chance
I'm not afraid, to love again
I wanna fall, fall for you
And I want you to fall for me too
Me too, me too
I've had plenty conversations with my heart
Cause I want this thing to work not fall apart
So I ask my heart how it can be so sure
And it answers me because your heart is pure
I have every expectation that it's true
Cause my heart won't lie to me much less to you
But if truth be told its you that holds the key
To the future that becomes our destiny, whoa no, no, no
Repeat Chorus
To the mountain snow that melts into the stream
My heart flows like the river to the sea
To the heavens up above
I pray to God our destiny is love
Repeat Chorus
And I want you to fall for me too
Me too, me too, me too, fall for me too
Ang ating kapatid ay out na sa bahay ni Kuya. Gusto kong magpasalamat kay Binibining Rica Paras sa pagiging isang mabuting housemate. Ni-represent niya tayo ng bongga at todong binago ang pagtingin ng ibang tao sa lahi natin na hindi lang tayo magaling sa pisikal na lakas kundi sa isip din. Isa siya sa matatalinong magdesisyon at may tunay na kakayahan pagdating sa mga task ni Kuya.
Nagawa niyang makapasok sa bahay ni kuya ng walang pagkukunwari. Totoong tao na walang halong kaplastikan at isang tunay na kaibigan sa lahat lalo na kay Melai.
Muli, MARAMING SALAMAT Bb. RICA PARAS!
Huwag mong hahayaan na maapektuhan ang mga kaibigan ng mga problemang kinakaharap mo. Maari mong ikewnto ito sa kanila at humingi nang payo. Huwag mo din silang gagawing kakampi dahil ang problema ay hindi isang away na may nananalo at may natatalo. Ito ay binibigyan ng solusyon na ikaw lang ang makapagbibigay.
Ito ang kauna-unahang proyekto ko sa taong 2010. Ang magkaroon ng sariling blog site. Napili ko ang Blogger dahil simple lang siya, madaling ma-access at kaya ng jurrasic kong computer. Hehehe! Excited ako at sa wakas ay meron nang outlet ang creative side ko. Pwede na akong magsulat nang magsulat at maibahagi ito sa inyo. Nawa'y magustuhan niyo ang mga ilalagay ko dito na karamihan ay mga opinyon ko. Feel free to post your comments because all of them are welcome to this blog site.
MANIGONG BAGONG TAON MGA KA-BLOGGER!!! ;)