Wednesday, June 18, 2014

Angkat

Courtesy of Abante-Tonite
Aatakihin yata ako sa presyo ng bigas ngayon. Namalengke ako nung 'sang araw at kulang ang two hams ko sa limang kilo. Kung dati ay nasa 30's lang eh maputi at masarap na ang kanin sa hapag, ngayon kulang ang kwarenta pesos mo. May mga tag-60 mahigit pa. NAKAKALOKA! Gustuhin mo mang bumili ng NFA rice, 'di mo naman matiis ang amoy at lasa. Ginawa yatang alak. Binuro muna bago ibenta.

Itinuturong dahilan nito ang kakapusan ng supply sanhi ng El NiƱo. Kesyo daw hindi panahon ng anihan, kulang ang irigasyon at mano-mano pa rin ang pagsasaka. Napag-iwanan na tayo ng mga kapit-bansa natin. Kung tutuusin nga, bongga ang kaalaman natin dati at dito ang kanilang training ground. Ngayon kinakailangan pa nating mag-angkat mula sa kanilang ani. Kapos ba sa budget ang Department of Agriculture para mapaunlad ang kagamitan?

Sa ibang bansa, itinuturing na isa sa mayayaman ang mga magsasaka. Dito sa atin eh isa sila sa pinakamahirap. Nakikitanim sa lupa nang may lupa, nakikiporsiyento sa bentahan at umuutang pambili ng punla. Kapag minamalas, napepeste o binabagyo ang pananim at nauuwi sa todong pagkalugi.

No choice ang mga mamimili kundi pagkasyahin ang budget. Kung 'sing bilis sana ng pagtaas ng presyo ang pagtaas ng sahod baka kayanin pa pero hindi eh. Kaya ang ulam at kanin dati, pancit canton ang humalili. Madaling lutuin, malasa at abot-kaya. Buti't may iba't ibang flavor kasi nakakaumay. Kung sawa ka na, mag-noodles ka. May sabaw pang mahihigop.

5 comments:

  1. Nakakalungkot dahil kung sino pa ang may mabigat na trabaho eh sila pa ang mahirap at kakaunti ang sweldo.
    Kakaunti raw ang supply ng bigas ay nakakalungkot diyan eh alam natin na sandamakmak na sako na bigas ang napapabayaan lang sa mga bodega at tuluyang nabubulok.

    -AnonymousBeki

    ReplyDelete
  2. huh? paano tayo nagkukulang ng bigas eh every 6 months may mga new palay na naharvest. gosh waley ako alam dyan sa kinakapos tayo ng bigas kasi dito sa amin sa pangasinan, hindi problema ang bigas, ang problema lang eh anf uulamin hehehehe

    ReplyDelete
  3. Kakaloka talaga sa Pinas acheng! Farming country tayo pero napakamahal ng bigas, gulay atbp. Talong talo na tayo sa mga ibang Asian nations.

    ReplyDelete
  4. sa totoo lang... gusto ko na umuwi sa Pinas... kaso tuwing makakabalita ako ng mga ganito eh napapaatras ako...

    hahaha...

    wake up wake up Government!!!

    ReplyDelete
  5. concerned bi-citizenJune 20, 2014 at 12:54 PM

    Kapos ba sa budget ang Department of Agriculture para mapaunlad ang kagamitan? -----> basta anything na kulang or kakapusan na related sa BUDGET... check lang ng check sa bulsa ng mga bwakanang inang government officials...

    ReplyDelete