Currently re-reading my first-ever book about gay life...
...at malapit ko nang matapos basahin. ☹
Nasaan na kaya siya?
Monday, January 30, 2012
Sunday, January 29, 2012
Dakdakan
Dalawang linggo nang dinidinig sa senado ang impeachment case in Chief Justice Renato Corona. Hindi ko sinubaybayan ang unang linggo dahil ang boring ng bangayan nina Tupas at Cuevas. Nagkaroon lang ng kulay nang magbalik si Sen. Miriam Defensor-Santiago at dakdakan ang dalawang panig.
Ang kupad naman kasi ng usad ng trial. Magsasalita ang prosekusyon, magpe-presinta ng ebidensya, aalmahan ng depensa at dadaanin sa technicality. Sa totoo lang, chill lang ang defense team samantalang parang atat to the highest level ang prosecution. Nakakaubos ng energy ang ginagawa ni Atty. Arthur Lim sa kaka-"please your honor, let me achoo choo choo ekla boo".
Sa tuwing matatapos ang araw sa senado, laging tinatanong ng mga reporters kung sino ang nakalamang sa prosekusyon at depensa. Siyempre, kanya kanyang claim 'yan pero kung ako ang tatanungin, lamang yata ang depensa. 'Yan ay base lang naman sa aking obserbasyon at baka ma-technical din ako dito. Hehehe...
Mahaba pa ang lalakbayin ng trial na itech at habang tayo ay naiinip sa kung ano ang kahihinatnan nito, let's look at the brighter side. Kilig keps ako sa tuwing nakikita ko siyang iniinterview sa TV...
Kahit medyo may edad na eh mukhang masarap pa rin de vaaahhh?!
*Images courtesy of sunstar.com.ph and miroquimbo.com

![]() |
| Rep. Miro Quimbo |
*Images courtesy of sunstar.com.ph and miroquimbo.com
Saturday, January 28, 2012
Giling
Tatlong gay bar pa lang ang napapasok ko sa tanang beki life ko. Knowsline niyo naman, hindi na masyadong tinatangkilik ang lugar na 'yan nowadays ngunit subalit datapwat kulang ang kulay ng bahaghari kung hindi ka pa nakakakita ng mga macho in tight puki shorts and bonggang boots.
Dalawa sa napuntahan ko ay nasa kahabaan ng Sta. Cruz at Recto. Walking distance lang mula sa Isetann 'yung isa kung saan may im-tu-im on stage. Nakakawala ng ulirat! Winnie da poo din 'yung nasa Sta. Cruz dahil B-Y (sabay tapik sa baba) ang mga ohms nila. Sad to say eh ilang linggo o buwan lang sila nagtagal. Na-raid pa 'yung isa.
Sa Makisig na-divirginize ang aking mga mata. Twice na ako nakapasok dito at siyempre, may kasamang friends. Shyness naman kung solo flight akiz. Epek na epek ang mga dancers ditey. Todo giling sa mellow music nina Gary V. at Celine Dion. Ewan ko lang ngayon kung updated na ang playlist nila.
Matagal tagal na simula nang ako ay huling mapadpad dito ngunit hanggang ngayon eh makisig pa rin ang kanilang establisyemento na nasa kahabaan ng Timog Avenue. Hindi pa naman ito nire-raid ng Imbestigador kahit nasa iisang street lang sila ng GMA-7 kaya safe siguro ang pumunta sa lugar na itechiwara. Walang entrance fee pero bahala na kayong dumiscover kung swak sa bulsa ninyo ang drinks nila.

Thursday, January 26, 2012
Pagtanda
Mga 'teh, naisip na ba ninyo ang mangyayari pagtanda ninyo? Isa ba kayo sa mga baklang gustong magka-pamilya para magka-anak na pwedeng mag-alaga sa inyo kapag kayo'y uugud-ugod na? Paano kung hindi niyo bet makipag-lampungan sa babae? May iba pa ba kayong choice?
Minsan, narinig ko sa TV, ang alam ko si John Lapuz ang nagsabi, na maglalagay daw siya ng kama sa Golden Gays dahil doon siya titira kapag siya'y tumanda. Naging biro ko na rin 'yun minsan kapag tinatanong ako kung paano ako pagtanda ko. Ngayong mas may isip na ako, hindi ko alam kung mananatiling biro 'yun o hindi malayong maging katotohanan.
Bakla ako. Tipikal na bakla na hindi kayang makipag leps to leps sa babae. Mas lalo hindi ko kaya ang lamasin ang kanilang suso at dilaan ang kanilang tahong. Kahit hindi ko pa sinusubukan eh maisip ko pa lang, nakakasulasok na. So malabo akong magkaanak. Magkaroon man, hindi ko konsepto na alagaan nila ako at suportahan sa aking pagtanda. Hindi nila ako responsibilidad dahil may sarili silang buhay na dapat asikasuhin. Para lang naman 'yan sa akin.

Wednesday, January 25, 2012
Parody
Ang dami kong tawa sa parody version ng music video ng We Found Love ni Rihanna made in Bangkok, Thailand. Kuhang kuha ang video concept pati na 'yung ilang eksena. Mismong 'yung original singer eh baka mahiya sa bonggang emote ni atih habang kumakanta sa pader. Tiyak na maaaliw din kayo kaya eto panoorin niyo...
Tuesday, January 24, 2012
Komiks
Lumaki ako na isa ang komiks sa pinaghuhugutan ng aliw ni mader dear. Tandang tanda ko pa na bawat linggo eh bumibili siya ng Horoscope kung saan mga artistang Pinoy ang cover sa bawat edisyon. Bukod sa kanyang horoscope na Pisces ay sinubaybayan din niya ang kwento ni Nimfa sa nobelang Sa Isang Sulok ng mga Pangarap na kalaunan ay ginawang pelikula nina Alice Dixon at Ariel Rivera.
Karay ako palagi ni mama kapag pupunta ng Muñoz para mamalengke at dahil bata, lahat ng magustuhan ko ay tinuturo ko at pinapabili. Nagkataon naman na sa komiks din ako nahilig kaya keri lang kay mama ang maaga kong bisyo.
Pinoy Klasiks ng GASI Publication ang paborito ko noon. Samu't saring kwento ng kababalaghan, drama, action at fantasy ang mababasa dito. Merong nobela na itutuloy at meron naman wakasan.
Kahit isang digit pa lang ang edad ko noon at hindi pa masyadong nakakaintindi ng drama sa buhay eh talagang sinubaybayan ko ang nobelang Lalaban Ako ni Elena Patron na iginuhit ni Rico Rival. Ako na yata noon ang pinakabatang fan nila.
Sayang lang at wala akong natirang kopya ng seryeng 'yan. Nasunog kasi ang unang batch ng koleksyon ko. Buti na lang at nagsama silang muli sa isa pang nobela. Ito ay ang Sino Ang Babaing Iyon? na lumabas sa pahina ng Pinoy Klasiks noong mid-90's.
Narito naman ang dalawa sa mga iginuhit na pabalat ni Sir Rico Rival...
As we all know, wala na sa sirkulasyon ang komiks. Unti-unti itong namatay noong early 2000's. Sayang at hindi natin napagyaman ang industriyang ito na nagbigay aliw at saya sa mga Pinoy sa loob ng ilang dekada.

Sunday, January 22, 2012
Akma
Ratsada ang byuti ko sa mga events ngayong buwan. Matapos ang meet and greet session with Ricky Lee noong Viernes ay gora naman ako kagabi sa premiere screening ng indie film na Bola. Siyempre saan pa ba 'yan gaganapin kundi sa UP Film Theater.
Swak ang arrival ko dahil hindi pa nagsisimula ang movie kahit bonggang one hour delayed ang flight ko. Agad din namang nagsimula ang palabas matapos mag-opening spiel ni direk Lem Lorca.
![]() |
| Kenneth Salva and Director Lem Lorca |
Subscribe to:
Posts (Atom)