Saturday, June 2, 2012

Limpak

"Hindi po ako pwedeng magsalita ng Republic Act dahil hindi maniniwala ang tao sa 'kin. Hindi po ako nagmamarunong dito. Ang ginagamit ko lang po ay konsensya. Representate ako ng masa na hindi nakapag-aral, hindi marunong mag-ingles, walang alam sa batas." --- Sen. Lito Lapid

At nawalis na nga ni PNoy ang isang "kalat" sa kanyang tuwid na daan. Marami sa atin ang natuwa at may ilan din naman ang hindi sang-ayon. Pahapyaw ko lang napanood ang speech ng ilang senador. Pinili ko lang 'yung ilan na alam kong hindi nambobola ng manonood. Bukod kay Leon Guerrero, nagustuhan ko ang mga kuda ni titah Loren, koyah Alan (kahit mahaba), loloh Enrile at ni ma'am Miriam. Napakinggan ko pero 'di ko pinaniwalaan ang mga pinagsasabi nitong isang senador. Halatang nagpapogi lang. Oopppsss hanggang diyan na lang 'yan.

Mabigat man sa loob eh tinanggap ni CJ Corona ang hatol ng senado. May I labas agad ng statement kahit nasa ospital pa at nagpapagaling. Pinagdududahan man ng ilan ang kanyang karamdaman eh hindi naman biro ang malagay sa ganung sitwasyon. Magkakasakit kahit na sino. Wala na rin daw siyang balak umapela sa Supreme Court na binalak sanang gawin ng ilang miyembro ng kanyang depensa.

Matapos nga ang hatol, kinabukasan ay balik normal ang sesyon sa senado. Papalipas na rin ang init ng isyu ni Corona. Mukhang ibabalik ang kulo ng atensyon kay Ate Glo. Hindi ko rin maintindihan itong si ateng kung bakit sa Makati Med pa nagpa-check up samantalang naka-hospital arrest na sa Veterans. Na-cheapan ba siya sa facilities doon kaya minabuti niya sa mamahaling ospital? Sabagay, kahit sino namang may limpak limpak na salapi eh mas gugustuhin sa mamahaling ospital magpatingin.

Friday, June 1, 2012

Aparisyon

Ang lakas ng ulan kahapon ng hapon, buti na lang at pahinga ko sa trabaho. Balita ko eh bumaha daw sa Makati. Magpapa-facial sana ako kasama si super friend Charie kaya lang hindi umabot sa cut-off ng clinic kaya bonggang rumampa na lang kami sa SM at TriNoMa. May nakakita pa yata sa pakalat-kalat kong byuti. Ateng, kung naka-gray na t-shirt 'yung nakita mo, ako nga 'yun!

Nauna akong dumating sa tagpuan namin so habang waiting galore, more scan ako ng books and magazines sa National Bookstore at Booksale. Interesante ang mga cover boys and girls ngayong buwan. Nauna ko nang binanggit si Kaye Abad kaya eto pa ang ilan sa mga eye-catching issues...

As usual, as ever, as always eh 'sing tamis ng mga bulaklak sa damit niya si Kim Chiu sa Cosmopolitan. I wonder kung kung nakakarelate si Kimmy sa articles sa loob ☺ Sina Anne Curtis, Liz Uy, Georgina Wilson, Isabelle Daza at Solenn Heussaff naman ang feature sa 17th anniversary issue ng Preview. Kulang yata? Bakit wala si ateng? Kilala niyo ba ang tinutukoy ko? Wa na clue at baka ma-Nadia M. part 2 akiz kaya i-zipper na ang ngangabash.

Punta naman tayo sa mga boys. Nyam nyam si Joseph Marco sa back-to-school issue ng Garage. Kapamilya network, more exposure pa sa kanya. As in todong i-expose niyo na! Braso de ulam naman si Zac Efron sa Chalk. Ang wholesome naman masyado nilang dalawa. Kakaumay. Next na nga!

Papa John Lloyd Cruz for Esquire (wholesome pa rin). Never pa akong nakakabasa ng magazine na 'yan. Pang-sosyal much yata. Ay eto, wet and bakatchi si Anton Del Rosario for Men's Health. KJ lang ang white tee! Dapat shinunggal na para delight. 

Are you ready for the last one? As in ready? Oh hinga muna ng malalim at baka atakihin kayo sa masasight niyo. Eto na. 1...2...3...

TSARAAANNN!!!

NAKAKALOKA! Topless si ateng sa Playboy magazine. Well mas nakakaloka kung naka baro't saya siya de vaaahhh?! Ultimate pasabog naman 'to para sa solid fans niya (kasama ako dun). Hindi lang siguro ako sanay na nakajubad siya pero lagi naman maiksi ang damit niya sa ASAP so hindi na rin kataka-taka na magagawa niya ang ganitong fearless pictorial. I wonder kung kasama ito sa 5 year contract na pinirmahan niya sa Viva. Aparisyon ba ito ng Viva Hot Babes? 

Thursday, May 31, 2012

Umaariba

Wow! As in WOW na WOW naman si Kaye Abad on June 2012 issue ng FHM. I've always been a silent fan of Kaye kaya I'm so happy na todong umaariba na naman ang career niya sa showbiz. Sunud-sunod ang teleseryes niya at ngayon ay in the process ang book 2 ng Angelito: Batang Ama kung saan isa siya sa mga bida. Sweet and wholesome lagi ang image niya kaya nang bonggang mag-pose siya sa Maxim a few years ago, madaming kalalakihan ang naglaway. Perfect timing ito dahil sa July na lalabas ang listahan ng 100 Sexiest Women in the World. Siguradong pasok sa banga ang kaseksihan niya.

Tuesday, May 29, 2012

I know I know I know...

...na kaka-blog ko lang tungkol kay Edward Mendez pero hindi ko talaga mapigilan ang mahayok sa kanya. Jumuwelay watashi kahapon ng maaga sa balur para maabutan ang pilot episode ng Hiyas. Sulit ang pagmamadali ko dahil ang more more exposure siya. May topless scenes pa na talagang nagpawet sa aking hiyas. Kinulang ang tatlong patong ng pantiliner ko! Hindi ko na nga masyadong nagets ang istorya sa sobrang kilig. Salamat sa seryeng 'to at piyesta na naman ang 'sangkabaklaan!

Monday, May 28, 2012

Sabong

Aside from Miss Venezuela at Binibining Pilipinas, Miss USA ang isa sa pinaka-exciting na local pageant para sa 'kin. 'Sing gara ng Miss Universe ang production dahil pagmamay-ari din 'to ni dadi Donald Trump. Sa June 3 na malalaman kung sino sa limampu't isang kandidata ang kokoronahan ni Alyssa Campanella, the reigning queen of USA. At hindi ako mawawalan ng bet sa pagandahang ito. Kumbaga sa sabong, sa tatlong merlat na 'to ako tataya. Tek a luk...

Miss Ohio
Audrey Bolte
23 years old, 5'10"
Gandara parks ng rehistro sa camera. Ang seksi lang niya at powerful ng hair. 

Miss Texas
Brittany Booker
21 years old, 5'11"
Certified emotera. Winner na winner ang poses ni ateng.

Miss Virginia
Catherine Muldoon
26 years old, 5'7"
Oh sige, siya na ang maganda. SIYA NA!

Diskriminasyon

Bilang miyembro ng lahing fenk, hindi maiiwasan na may mga pangyayari sa 'ting buhay na nadidiscriminate tayo. Lahat yata tayo ay walang takas diyan. Isa sa hindi ko malilimutan ay nangyari noong 2006. Bagong graduate akiz at naghahagilap ng mapapasukan. Sinubukan kong mag-apply sa isang kilalang botika na maraming branch all over the Pinas. Sa lahat ng aplikanteng pumasa sa exam at ininterview, ako lang ang pinauwi. Mukhang hindi nagustuhan ng interviewer ang sagot kong "Yes, I am" sa tanong niyang "Are you gay?". Blessing in disguise na rin siguro 'yon dahil matapos lang ng ilang araw eh pumirma ako ng kontrata sa isang mas magandang kumpanya na mas maganda ang posisyon. Doggie style kumabaga. CHOS!

Sa mga ateng ko na nabiktima rin ng diskriminasyon, madapa man kayo diyan eh 'wag niyong hayaan malublob pa kayo. Ipakita niyo sa kanila kung paano magtrabaho ang tulad natin. 'Wag sila masyadong intindihin kung hindi rin lang naman sila ang nagpapasahod sa inyo at kung sila man, maghanap ka na lang ng iba na tatanggap sa'yo ng buong buo. 'Yung hindi ka bababuyin sa paraang gusto nila.

Saturday, May 26, 2012

Tsabi-tsabi

Images courtesy of PEP and Starmometer
Habang watch ako ng news noong isang araw, napansin ko 'tong si Jeff Canoy. Tsabi-tsabi pero kyuti pie. Tapos parang may kafes na ta-ar-tits pero 'di ko maapuhap kung sinetch. Tinitigan ko siya ng maigi habang nakikipagtalastasan siya kay Kabayan at 'YUN NGA, si ateng Raymond G. pala ang kamukha niya. Kureksyonal, dating kafes dahil fayatola na si ateng ngayon. Aliw-iw de vaaahhh?!