Saturday, June 2, 2012

Limpak

"Hindi po ako pwedeng magsalita ng Republic Act dahil hindi maniniwala ang tao sa 'kin. Hindi po ako nagmamarunong dito. Ang ginagamit ko lang po ay konsensya. Representate ako ng masa na hindi nakapag-aral, hindi marunong mag-ingles, walang alam sa batas." --- Sen. Lito Lapid

At nawalis na nga ni PNoy ang isang "kalat" sa kanyang tuwid na daan. Marami sa atin ang natuwa at may ilan din naman ang hindi sang-ayon. Pahapyaw ko lang napanood ang speech ng ilang senador. Pinili ko lang 'yung ilan na alam kong hindi nambobola ng manonood. Bukod kay Leon Guerrero, nagustuhan ko ang mga kuda ni titah Loren, koyah Alan (kahit mahaba), loloh Enrile at ni ma'am Miriam. Napakinggan ko pero 'di ko pinaniwalaan ang mga pinagsasabi nitong isang senador. Halatang nagpapogi lang. Oopppsss hanggang diyan na lang 'yan.

Mabigat man sa loob eh tinanggap ni CJ Corona ang hatol ng senado. May I labas agad ng statement kahit nasa ospital pa at nagpapagaling. Pinagdududahan man ng ilan ang kanyang karamdaman eh hindi naman biro ang malagay sa ganung sitwasyon. Magkakasakit kahit na sino. Wala na rin daw siyang balak umapela sa Supreme Court na binalak sanang gawin ng ilang miyembro ng kanyang depensa.

Matapos nga ang hatol, kinabukasan ay balik normal ang sesyon sa senado. Papalipas na rin ang init ng isyu ni Corona. Mukhang ibabalik ang kulo ng atensyon kay Ate Glo. Hindi ko rin maintindihan itong si ateng kung bakit sa Makati Med pa nagpa-check up samantalang naka-hospital arrest na sa Veterans. Na-cheapan ba siya sa facilities doon kaya minabuti niya sa mamahaling ospital? Sabagay, kahit sino namang may limpak limpak na salapi eh mas gugustuhin sa mamahaling ospital magpatingin.

No comments:

Post a Comment