Wednesday, April 30, 2014

Bembang

Nakauwi na si pareng Barack Obama mula sa Asian tour niya. Pinasyalan niya ang South Korea, Japan, Malaysia at Pilipinas. 'Di nagpahuli sa eksena ang mga raliyista at todo bembang sa kalsada pero 'wa sa iterinary ni US president ang i-meet sila. Sayang at pinaghirapan pa man din nila ang effigy niya. Malay niyo sa next visit eh maka-kiskisang siko niyo na siya sa isang magarbong lafangan sa kahabaan ng Mendiola.

Bukas ay Labor Day at marami ang mananatili lang sa kanilang mga kama. Tatamaring bumangon bilang bakasyon opisyal. Kung may jowa ay baka sakaling gumawa ng kababalaghan. Ingat nga lang at baka after 9 months eh bonggang labor day ulit. Wit tayez maka-relate diyan unless may matris ka sa gilagid. CHARAUGHT!!! 

May ipakikilala ako sa inyo. Siyempre masarap 'to pwede ba namang hinde. Nakita ko sa pahina ng Chalk Magazine at isa sa Boys of Summer 2014. Kung available pa sa suking tindahan eh grab na kayo. Comment nga ni Ateh Paul eh tinalbugan daw ang Cosmo Men sa pagka-HOT at pareho kaming nainitan kay...

Daniel Velasco
Courtesy of pourhommeofficial.tumblr.com
Ayon sa kanyang profile sa nasabing magazine, father niya ang veteran sportscaster na si Bill Velasco (hi daddy!). He's been modeling since 2010 and a graduate of Interdisciplinary Studies in Ateneo de Manila University. Marunong siyang sumayaw, kumanta at mag-gitara. Oh my! Kailangan ko nang maghanda kung sakaling ako'y kanyang haranahin hihihihi! ♥♥♥

Friday, April 25, 2014

Kutis (part 1)

Pasko ng pagkabuhay nang gumora akiz sa Let's Face It Trinoma branch para bonggang magpa-back cleaning. Bet ko kasing maging bacne-free tulad ni Marian Rivera at 'yun na lang ang kulang para maging ka-level ko siya. Pinapasok ako sa cubicle at pinaghubad ng t-shirt. Dumapa sa wit ko knows kung anong tawag pero mukhang kama na may nakapatong na tuwalya. Makitid at bitin. Anlaki ko naman kasi. Eto na si ateh at binuksan ang ilaw para simulan ang session.

"Kelan po ang last time cleaning niyo?"

"First time ko po."

"Ay sir! May allergies po kayo?" in nakakawindang na tone.

"Huh! Saan?"

"Dito po..." sabay turo sa upper at middle portion ng likod ko. Na-sight ko naman sa salamin. Reddish na parang mantsa. 'Di ba pwedeng i-Breeze ActivBleach na lang? CHARUZZZ!!!

"Pa-check up po muna kayo sa derma kasi mainit po 'yung cleaning session. Baka lumala 'yung allergies."

Naloka ako sa statement ni ateng. Nabahala tuloy me. "Ah ganun ba. Sige salamat." 

"Try niyo po sa branch namin sa SM North. May derma po kami 'dun blah blah blah..."

'Di ko na inintindi pinagsasabi niya. Nag-alala ang byuti ko. 'Di pwedeng masira ang kutis ko. This can't be. I will never allow this to happen. OMG! Arte.

Itutuloy...

Wednesday, April 23, 2014

Veintinueve

Espesyal ang araw na ito para sa akin kaya dapat lang na festive ang mood nating lahat. Huling taon na ni #2 sa unahan at papalitan na siya ni #3 next year. Gets niyo ba? Anyways, mag-virtual party tayo mga ateng. Paki-suot ang mga little black dress niyo sequined with glitters and Swarovski crystals. Kunwari napapaligiran tayo ng mga otoko sa dance floor at pinatutugtog ang napaka-wholesome na kanta ng Vengaboys...

♫ Boom boom boom boom
I want you in my room
Let's spend the night together
From now until forever
Boom boom boom boom
I wanna double boom
Let's spend the night together
Together in my room ♪

BOOM!

Monday, April 21, 2014

Tiyempo

Lunes pagkatapos ng Semana Santa, dagsa ang tao sa lansangan dahil unang araw ng pasok sa trabaho. Karamihan ay puyat pa dahil sa mahabang biyahe samantalang ang ilan dumerecho na sa opisina mula sa pinagbakasyunan. Trapik na ulit sa EDSA. Gitgitan muli sa LRT at MRT. Bukod sa init at bagal ng mga sasakyan, isa pang makaka-engkwentro mo ang mga magnanakaw sa daan.

Kanina lang ay nadale ang aking kasamahan. Pauwi na kami at paakyat sa MRT Ayala. Siksikan ang tao dahil sa kitid ng hagdan. Perpektong lokasyon sa mga snatcher. Mag-uunahan at tila nagmamadali 'yun pala ay gustong maka-pwesto sa likuran ng mabibiktima. Kukuha ng tiyempo para buksan ang dalang bag saka susungkitin ang mapakikinabangan. Bagong-bagong cellphone ang naharbat nila. Sayang. Materyal na bagay man at madaling palitan pero 'yung pakiramdam na naisahan ka, masakit sa kalooban.

'Di bale mahuhuli din sila. Sa ngayon todong ingat ang kailangan. Umaga man o gabi, andiyan sila. Nagmamasid at nag-aabang ng muling mananakawan.

The Epic Shop Online

Mga ateng ini-invite ko kayo lahat to like and share the FB page of my dear friend Lance. He's trying to venture in selling assorted items online like mono pods, sauna belt, tablet stand, smoothie maker pati na seamless bra. Ay! Kailangan ko 'yan! PAKAK! Hindi pa masyadong madami but your likes and shares will definitely help to make it popular. Click niyo lang ang picture sa taas. Maraming thank you! ☺

Sunday, April 20, 2014

Malay mo

Froglita, a friend of mine gave me a copy of Parang Kayo Pero Hindi written by Noringai. Manipis lang ito (100 pages) at nasa page 20 pa lang ako pero grabe, tagos sa kalamnan ang bawat pangungusap. Truliling nangyayari sa buhay at for sure makakarelate ang mga kakilala ko na nagkakasya lang sa patsi-patsing aliw. Jerjer lang, walang commitment, no I love you's, no restrictions, just pure pleasure. Though choice nila 'yun at matanda na sila para hindi malaman ang pagkakaiba ng mali sa tama, I think kailangan pa rin ng wake-up call. Kung 'di kayang sabihin, daanin sa libro.

Malay mo magbago ang pananaw nila.

Malay mo hindi rin pala.

Bago ko isipin 'yan eh tatapusin ko muna 'tong basahin. ☺

Saturday, April 19, 2014

Tutok

Last year nang mabasa ko ang nobelang Mga Uod at Rosas ni Edgardo Reyes. May nag-tip sa atin na available sa YouTube ang movie version nito. Sakto namang mabilis ang konek sa internet kapag madaling araw kaya take advantage akez at dinownload ito.

Courtesy of Video 48
Mga Uod at Rosas (1982)
Ian Films
Directed by Romy Suzara
Story and Screenplay by Edgardo M. Reyes
Starring Johnny Delgado, Lorna Tolentino and Nora Aunor

Isang struggling artist si Ding (Delgado) at ilang buwan nang 'di nakakabayad sa kanyang tinutuluyan. Wala kasing nabebenta sa paintings niya. Secret love siya ni Socorro (Aunor), isang librarian at anak ng landlady niya. Bago mapalayas eh pinautang siya nito. Hindi naman siya maghihikahos kung yayakap siya sa komersyalisasyon ng kanyang talento. Inalok siyang mag-trabaho sa isang ad agency ngunit tumanggi siya. 'Mabababoy' daw ang pagiging artist niya. ANLALIM HA! Mga tunay na artist lang ang todong makakaintindi niyan.

Sabi nga sa kasabihan, good things come to those who wait at nabigyang kinang ang kanyang mga obra. Nagkaroon siya ng bonggang one-man show at nakilala sa piniling industriya. Kasabay nito ang pagkakabuntis ni Socorro. 'Di naman niya ito pinabayaan at nag-live-in sila. 'Yun nga lang at may catch... hindi ito ang mahal niya kundi ang ambisyosa at materyales fuertes na si Nina (Tolentino). Kung kani-kanino kumakabit para mapunan ang luho sa katawan. Tinanggap lahat iyon ni Ding sapagkat matagal na niya itong tinatangi.

"Ambisyosa rin ako. Gusto ko ring makagawa ng isang bagay na ikararangal ko sa sarili ko.
Pero wala akong special talent na kagaya mo... kaya nakikisakay ako sa talent mo."
Masalimuot ang istorya dahil may kanya-kanyang problema ang tatlong bida. Hindi ko keri ang pagkamartir ni Socorro kesehodang siya ang gumasta at bumahay kay lalake noong una. Nagpagamit pa siya ng ilang beses sa pag-asang magkakaroon siya ng pitak sa puso nito. 'Di naman tumanggi sa grasya si Ding or else baka kung saan siya pulutin. Nagmalasakit man siya pero 'di ito sapat dahil nakay Nina ang buong puso't atensyon niya.

Parang supporting lang ang eksena dito nina La Aunor at LT dahil ang tutok ay nasa karater ni Johnny Delgado. Ganun man ay 'di naman nagkulang sa atake ang dalawa. Highlight dito ang away mag-ina nina Ate Guy at Luz Valdez. Itinulak si madir sa may pinto sa todong pagmamahal kay lalaki. KALOKA!

Eto ang tipo ng pelikula na 'di kailangan ng sandamukal na cast para maitawid sa manonood ang istorya. Naging loyal din ang pelikula sa libro. Walang binago. Kung meron man ay wit ko napansin.

Rating: 3.5/5 stars