Lunes pagkatapos ng Semana Santa, dagsa ang tao sa lansangan dahil unang araw ng pasok sa trabaho. Karamihan ay puyat pa dahil sa mahabang biyahe samantalang ang ilan dumerecho na sa opisina mula sa pinagbakasyunan. Trapik na ulit sa EDSA. Gitgitan muli sa LRT at MRT. Bukod sa init at bagal ng mga sasakyan, isa pang makaka-engkwentro mo ang mga magnanakaw sa daan.
Kanina lang ay nadale ang aking kasamahan. Pauwi na kami at paakyat sa MRT Ayala. Siksikan ang tao dahil sa kitid ng hagdan. Perpektong lokasyon sa mga snatcher. Mag-uunahan at tila nagmamadali 'yun pala ay gustong maka-pwesto sa likuran ng mabibiktima. Kukuha ng tiyempo para buksan ang dalang bag saka susungkitin ang mapakikinabangan. Bagong-bagong cellphone ang naharbat nila. Sayang. Materyal na bagay man at madaling palitan pero 'yung pakiramdam na naisahan ka, masakit sa kalooban.
'Di bale mahuhuli din sila. Sa ngayon todong ingat ang kailangan. Umaga man o gabi, andiyan sila. Nagmamasid at nag-aabang ng muling mananakawan.
Akala ko ateng melanie may naispatan ka na namang pogi hihihihi
ReplyDeletenakaka relate poh ako.. :-(
ReplyDelete