Saturday, April 19, 2014

Tutok

Last year nang mabasa ko ang nobelang Mga Uod at Rosas ni Edgardo Reyes. May nag-tip sa atin na available sa YouTube ang movie version nito. Sakto namang mabilis ang konek sa internet kapag madaling araw kaya take advantage akez at dinownload ito.

Courtesy of Video 48
Mga Uod at Rosas (1982)
Ian Films
Directed by Romy Suzara
Story and Screenplay by Edgardo M. Reyes
Starring Johnny Delgado, Lorna Tolentino and Nora Aunor

Isang struggling artist si Ding (Delgado) at ilang buwan nang 'di nakakabayad sa kanyang tinutuluyan. Wala kasing nabebenta sa paintings niya. Secret love siya ni Socorro (Aunor), isang librarian at anak ng landlady niya. Bago mapalayas eh pinautang siya nito. Hindi naman siya maghihikahos kung yayakap siya sa komersyalisasyon ng kanyang talento. Inalok siyang mag-trabaho sa isang ad agency ngunit tumanggi siya. 'Mabababoy' daw ang pagiging artist niya. ANLALIM HA! Mga tunay na artist lang ang todong makakaintindi niyan.

Sabi nga sa kasabihan, good things come to those who wait at nabigyang kinang ang kanyang mga obra. Nagkaroon siya ng bonggang one-man show at nakilala sa piniling industriya. Kasabay nito ang pagkakabuntis ni Socorro. 'Di naman niya ito pinabayaan at nag-live-in sila. 'Yun nga lang at may catch... hindi ito ang mahal niya kundi ang ambisyosa at materyales fuertes na si Nina (Tolentino). Kung kani-kanino kumakabit para mapunan ang luho sa katawan. Tinanggap lahat iyon ni Ding sapagkat matagal na niya itong tinatangi.

"Ambisyosa rin ako. Gusto ko ring makagawa ng isang bagay na ikararangal ko sa sarili ko.
Pero wala akong special talent na kagaya mo... kaya nakikisakay ako sa talent mo."
Masalimuot ang istorya dahil may kanya-kanyang problema ang tatlong bida. Hindi ko keri ang pagkamartir ni Socorro kesehodang siya ang gumasta at bumahay kay lalake noong una. Nagpagamit pa siya ng ilang beses sa pag-asang magkakaroon siya ng pitak sa puso nito. 'Di naman tumanggi sa grasya si Ding or else baka kung saan siya pulutin. Nagmalasakit man siya pero 'di ito sapat dahil nakay Nina ang buong puso't atensyon niya.

Parang supporting lang ang eksena dito nina La Aunor at LT dahil ang tutok ay nasa karater ni Johnny Delgado. Ganun man ay 'di naman nagkulang sa atake ang dalawa. Highlight dito ang away mag-ina nina Ate Guy at Luz Valdez. Itinulak si madir sa may pinto sa todong pagmamahal kay lalaki. KALOKA!

Eto ang tipo ng pelikula na 'di kailangan ng sandamukal na cast para maitawid sa manonood ang istorya. Naging loyal din ang pelikula sa libro. Walang binago. Kung meron man ay wit ko napansin.

Rating: 3.5/5 stars

1 comment: