Monday, August 30, 2021
Mitsa
Sunday, August 29, 2021
Hiringgílya
![]() |
| Read more FAQs on DOH.gov.ph |
Saturday, August 28, 2021
Preso
Friday, August 27, 2021
Status
![]() |
| Image courtesy of ARcare.net |
Thursday, August 26, 2021
Ulan 2.0
"Huwag kang magpapa-ulan. Magpabasa ka lang."
Sigaw ng isang binatilyo sa kanyang nanay na nasa aking likuran. Natawa ako sa joke. Sweet.
Biglang kinurot ang puso ko. Na-miss ko si mama. ☹
Wednesday, August 25, 2021
Kakarampot
Tatakbo daw na VP si Tatay Digz sa susunod na taon. Sakripisyo daw niya dahil sa kagustuhan ng mga tao. WOW! Gaano karami kaya ang tinutukoy niya? CHAR! Bali-balitang ang pambansang alalay ang ka-tandem niya at tatakbo sila under PDP-Laban. May confirmed din na limang senatoriables ang partido. Wit ko na babanggitin at baka uminit lang ang ulo niyo. Hindi nila daserb masulat sa ating kaharian.
Araw-araw tayong nanonood ng balita at araw-araw din tayong nababahala sa dami ng bagong kaso ng COVID-19. Noong isang araw lang ay lumagpas tayo sa 18 kwit kahit nagdalawang linggong ECQ ang NCR at ilang piling lugar. As usual, kakarampot na ayuda ang nakuha ng mga tao samantalang bilyong piso ang hindi nagagamit at nilulustay ng ibang sangay ng gobyerno. Salamat sa COA at nalalaman natin kung paano ginagasta ang pera ng taumbayan. Underpaid pa rin ang healthcare workers samantalang sa hardware bumili ng napkin ang OWWA. Moldex yata ang brand. CHAR!
Saturday, July 17, 2021
Hagip
I was watching Visions: Cinema - Film In The Philippines documentary last week at hindi ko maiwasang hindi mabilib sa artikulasyon nina Ishmael Bernal, Marilou Diaz-Abaya, at Lino Brocka. Ramdam mo sa mga salita nila ang passion in film making. They were describing the situation and challenges they faced during the time the documentary was made. May paninindigan, matapang sa mga isyu, frustrated sa censorship pero hindi sumusuko sa paggawa ng makabuluhang pelikula.
Isang eksena na tumatak sa akin ay noong ine-explain ni Ishmael Bernal kung bakit gustong-gusto niya ang gabi. Kaya naman nagawa niya ang isa sa kanyang mga obra, ang City After Dark. Imagine making a film without an actual script on hand. What a genius! Need to watch that film ASAP.
Tulad niya, gusto ko rin ang siyudad kapag gabi na particularly 'yung mga spontaneaous na lakad kasama ang mga kaibigan. Magkikita kami sa Coffee Belle sa West Ave. at magkukwentuhan magdamag. Kapag inabot ng gutom, tatawid lang sa kabilang kalsada para bumili ng siopao at siomai sa Kowloon West. Nakakamiss din ang night jog sa UP Oval. Bukas na ba sila sa publiko ngayon?
![]() |
| UP Diliman |
![]() |
| Luneta |
Kapag tapos na ang show, maglalakad muli hanggang sa istasyon ng LRT. Babalik sa dating gawi at maghahanda para sa darating na laban sa susunod na araw.












