Sunday, February 6, 2011

Sabay

Last year, habang nagka-canvass ako ng presyo ng mga ketay sa Cubao, may lalaking tumabi at sumabay sa aking paglalakad. May dala siyang payong. Yung mahaba ang tangkay. Tag-ulan kasi 'nun. Nasa second floor kami ng Alimall. Tinanong niya ako kung saan daw ang papuntang MRT.

"Doon" sabay turo ng daan.

Nagtanong siya ulit.

"Saan ka pupunta?"

"Diyan lang" mataray kong sagot sabay lakad ng malalaking hakbang. May tinanong pa siya ulit pero hindi ko na matandaan hanggang sa hindi na niya ako sinundan.

Kanina, habang naglalakad ako sa tulay-tao ng MRT, nakasabay ko na naman siya.

"Dito ba 'yung MRT?"

Tinuro ko yung daan. Hindi niya siguro ako matandaan.

"Dadaan ba yan ng Shaw boulevard?" Aba! May bagong script ang lolo niyo.

"Oo" sagot ko.

"Saan ka pupunta?"

"Pa-pa-pasok sa t-trabaho" pautal-utal kong sagot. Nag-flashback kasi 'yung una naming pagkikita. Na-excite din ako pero konti lang. CHOS!

Nagmadali ulit ako sa paglalakad. Nilampasan ko yung dalawang tao sa harapan ko. Sinundan niya ako hanggang sa may hagdan pero hindi na siya umakyat. 

Alam ko namang wala siyang balak sumakay ng tren. Naghahanap yata siya ng booking eh.

5 comments:

astrodeus said...

ay... na-experience ko na rin yan... pero nagtanong siya kung nasaan ang bus terminal... binigay ko ang direksiyon pero sinundan ako... natakot ako kasi virgin pa ako sa pa-booking (birhen pa raw, oh) na mga ganyan... lumapit ako sa isang guard at saka lamang siya huminto sa may di kalayuan... nang hindi ako kumikilos ay siya na ang tumalikod at naglakad papalayo...

Anonymous said...

ay ganon pala yun.. booking ang hanap kapag may tinanong ka kung saan ang mrt.. akala ko magnanakaw sila.

Melanie said...

Ateh Anonymous February 7, 2011 4:59 AM, I'm not totally saying na booking talaga ang hanap niya. Maaring may masama rin siyang balak sa akin. Mas mabuting layuan ang "tukso" kesa magsisi sa bandang huli. Ingat tayo sa mga ganyang tipo ng tao.

Anonymous said...

anong itsura? pogi ba? curious lang.

Melanie said...

Witchells siyang pogi teh Anonymous February 7, 2011 11:01 PM.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...