Sa tuwing sinusundo ko ang aking pamangkin sa eskwelahan, lagi kong nakikita 'yang tarpualin na 'yan na nakasabit sa gate. Obviously, umento sa sahod ng mga guro ang nais ipahiwatig sa makakabasa. Pero ano nga ba ang Salary Grade 15?
Ang Salary Grade 15 (HB 2142) ay isang panukalang batas na nilikha ni Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers partylist para sa mga guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Sa kasalukuyan kasi, sila ay tumatanggap ng Salary Grade 11 o P15,649 kada buwan. Kung maaaprubahan ito, aakyat sa P24,887 ang sasahurin nila. Amperfek di vaaahhh!?!
Sa ganang akin, matagal ng deserve ng mga guro ang ganyan klaseng sahod. Maliit pa nga 'yan kumpara sa responsibilidad na akay nila. Aba, 'di biro ang magturo maghapon sa mahigit-kumulang singkwentang mag-aaral. Minsan umaabot pa 'yan ng lagpas animnapu. Hindi mo rin masusukat ang pasensyang inilalaan nila sa makukulit na bata para matuto ang mga ito. Idagdag mo pa ang sakit sa ulong botohan kada tatlong taon.
"Being a teacher is a thankless job" narinig ko minsan sa TV. Isang malaking TSEK! Kaya naman senado, kongreso, aming pangulo... kailan ang kanilang umento?

No comments:
Post a Comment