Saturday, March 12, 2011

Si Pacita, Yolly at Laura

At dahil certified Noranian na ako, nag-movie marathon ako ng kanyang mga pelikula noong rest day ko.

Una diyan Ang Totoong Buhay ni Pacita M (1991).

Early 90's nang gawin ni Ate Guy ang pelikulang ito kasama ang real-life daughter niya na si Lotlot de Leon. Tinalakay sa pelikula kung gaano kahirap gumawa ng isang desisyon ang isang ina para sa ikabubuti ng kanyang anak. Nakakatawa ang unang eksena ni Ate Guy as a stand-up comedienne. Versatile actress talaga. Atribidang lola ang role ni Armida Siguion-Reyna at talaga namang nakakairita ang pakikialam niya sa buhay ng mag-ina. Nanalo si Ate Guy dito ng Best Actress sa MMFF noong 1991.

May isang nag-suggest na panoorin ko ang Condemned (1984) dahil siguradong magugustuhan ko daw ito kaya naman ito ang aking pangalawang isinalang.

Kung may Rosalinda ang Mexico, meron namang Yolly sa Pilipinas. Iyan ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Ate Guy na isang tindera ng rosas sa Ermita. May halong kaba at takot akong naramdaman habang pinapanood ko ang pelikulang ito. Kakaiba ang istorya kumpara sa ibang nagawa niya. May chasing scenes, krimen at halong aksyon. Siyempre, hindi mawawala ang drama. Kumpletos rekados kumbaga. Kasama pa ang mga de-kalibreng artista tulad nina Dan Alvaro, Gina Alajar at Ms. Gloria Romero. Bonggang bongga lang ang hairdo at outfit ni Madam Gloria. Donyang donya ang arrive. Gagayahin ko ang look niya pagmashonda na aketch. PAK!

Isa sa matatapang na eksena ang bakbakan ni Ate Guy at Gloria Romero. Gabi ang setting at nasa loob sila ng bahay. Madilim ang lugar at parang mga ilaw lang sa labas ng bintana ang ginamit. First time kong makita si Ate Guy na may hawak na baril kaya naman naaliw ako sa eksenang ito. Kalunos-lunos naman ang pagkamatay ni Gloria Romero sa pelikula. Panoorin niyo na lang para malaman niyo.

At ang huli sa aking listahan, Kastilyong Buhangin (1980).

Sa tatlo, ito ang pinakanagustuhan ko. Pinaghalong love story at action ang pelikulang pinagsamahan ni Ate Guy at Lito Lapid. I never thought na delicious hunk pala si senator nung kabataan niya. Maganda ang tikas ng katawan at moreno pa. Eto pa, ang daming eksena na sumasayaw siya.  Tapos, lagi pa siyang nakapekpek shorts. Kanasa-nasa pala siya noon. CHOS!

Kapag singer ang role ni Ate Guy sa pelikula, madalas na mag-isa lang siyang kumakanta. Pero dito, kabilang siya sa isang grupo na mang-aawit. Ang ganda ng blending ng boses nila. Pamilyar sa aking yung isang lalaking member na matangkad at may bigote pero di ko matandaan name niya.

Simple ang istorya pero makatotohanan. Todo enjoy ako sa mga action scenes ni Lito Lapid lalo na dun sa tagaan nila ng tatay ng nadisgrasya niya. Nakakatakot talaga! Pero pinabilib niya ako sa bugbugan at saksakan portion sa loob ng kulungan. Halatang pinagpraktisan muna nila ang eksena bago i-shoot. Ang linis kasi ng pagkakagawa. Ang galing din nung slow motion nung masaksak siya ng ilang beses. Parang ikaw mismo, mararamdaman mo yung sakit.

After ng movie marathon ko, isa lang ang narealize ko. 

Magkakapareho ang ending ng pelikula.

Tragic lahat.

*Special thanks to Video 48 for the vintage movie posters.

9 comments:

  1. hello teh! re: lito lapid, papable talaga nung araw! napanood ko rin sa cable yung movie naman nya with ate vi, role nya extra sa movie tapos nabigyan ng break sumikat bilang action star, daming eksena sa beach teh, panalo! haha! agaw eksena rin chichay!

    ReplyDelete
  2. Ate M., welcome to the club. Ang mga fans talaga ni Ate Guy, alam kung ano ang ibig sabihin ng tunay na "sining". 'Teh, subukan mong panoorin ang "Mga Uod at Rosas". Kasama niya dito sina Johnny Delgado at Lorna Tolentino.

    ReplyDelete
  3. Super ganda ng Kastilyong Buhangin!

    ReplyDelete
  4. Buhay pa pala itong si Nora?

    Kawawa naman kayo, natitiyaga sa mga substandards na katulad niya hahahaha!

    We love you Ate Vi!

    ReplyDelete
  5. Hoy, anonymous March 13, 2011 2:10PM. Baka si Velma ang sub-standard, or, mas tamang term siguro...below standard. If I know, 'yung idolo ninyo, bumibili ng award. Tanungin mo pa si Alfie Lorenzo, na kakutsaba niya dati. - Ferdie

    ReplyDelete
  6. kaloka itong Vilmanian na ito. Sub-standard ba ang magkaroon ng apat na international acting awards? Sub-standard ba ang mapasali sa Berlin Film Festival? Sub-standard ba ang ma-feature sa CNN? Sub-standard bang maituturing yung matagal nang wala sa Pilipinas pero hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin ang contribution sa sining ng pelikula, musika, telebisyon, etablado, at pati sa radyo. Si NORA LANG KASI TALAGA ANG TUNAY NA MULTI-MEDIA ARTIST. Si Vilma mo kaya?

    ReplyDelete
  7. hahaha, kawawa talaga kayong mga Noranians dahil hanggang ngayon patuloy na nagbu bulag-bulagan sa katotohanan.

    Your Idol's fate is substandard, that's guaranteed! Bakit, saan na ba ang idol nyo ngayon? Caregiver na lang po sa Amerika ang Nora nyo habang ang Vilma namin ay Gobernadora at pinag aagawan pa ng mga producers hanggang ngayon!

    HAHAHAHA! Mabuhay ka Ate Vi! the genuine queen of Philippine cinema!

    - DARNA

    ReplyDelete
  8. Para sabihin ko sa yo Anonymous March 12, 2011 9:56 AM... ang idol mong si vilma eh parang si gloria arroyo na napaka-corrupt. Tauhan nya mismo na taga-roon sa amin ang nagsasabi na tumatanggap yan ng lagay pati na ang asawa nyang si ralph. Meron yang kwarto sa bahay nya sa batangas na puro pera lang ang laman. Hindi maideposito sa banko dahil mahahalata na galing sa nakaw ang pera. Hindi naman kataka-taka na hanggang ngayon ang lakas pa rin ng droga sa batangas at laganap pa rin ang hueteng. hindi na nga magaling na artista dahil puro hiyaw lang naman ang alam eh magnanakaw pa sa kaban ng bayan. kadiri namang talaga. tsk tsk

    ReplyDelete
  9. Si Velma ang tagal tagal na sa Pilipinas nang wala si Nora Aunor, hindi pa din naibangon ang lugmok na standard ng pelikulang Pilipino. Sino ngayon ang substandard? e diba yung ordinaryong artistang katulad ni Velma na kailangan pang i-guide ng magaling na direktor para maka-arte? Napaghahalata tuloy sino ang bopol sa pag-arte? Diba Tito Alfie? Magkano..hihihi

    ReplyDelete