Tuesday, August 30, 2011

'Di tulad

Sa pagbabalik ng Superstar sa bansa, pinatunayan niyang makinang pa rin ang kanyang bituin. Dagsa ang solid Noranians sa airport upang siya'y salubungin noong madaling araw ng August 2. Kahit pagod mula sa mahabang biyahe, malugod niyang niyakap at kinausap ang mga ito. Dito ko nakita kung paano siya umappreciate sa kanyang fans. Siya lang yata ang nakita kong artista na ganoon ka-warm sa taga-hanga. 

Since fresh siya from the US of A, isisingit ko ang isa sa pinakamahalagang pelikula niya noong 80's, ang 'Merika.

Ito ang ikalawang pelikula na aking napanood na gumanap siya bilang nurse (una sa Minsa'y May Isang Gamu-Gamo). Kahit na matagumpay sa kanyang larangan at kumikita sa dalawang trabaho, ramdam mo na may kulang at kalungkutang nararamdaman si Milagros Cruz (Nora Aunor). Madalas siyang makipag-ugnayan sa kaibigan na piniling manatili sa Pilipinas kesa ang kumayod sa Amerika. 

Tulad ng kahit sinong OFW, prioridad niya ang kanyang pamilya.

Sa isang party niya nakilala si Mon (Bembol Roco) at sila'y nagkagustuhan. Ngunit sa bandang huli ay nalaman niyang hindi siya talaga ang mahal nito.

Makailang beses pinag-isipan ni Mila ang umuwi ng Pilipinas ngunit dahil sa kalagayan ng ekonomiya at mababang pasahod, laging nagbabago ang kanyang isip. Sa huli, mas pinili niya ang tunay na makapagpapaligaya sa kanya.... ang umuwi sa lupang sinilangan.

Hindi ako sanay na nakikitang palaban at matapang ang karakter ni Ate Guy. Madalas kasing api-apihan ang byuti niya. Kaya naman lubos ang aking paghanga sa kanyang atake sa pelikulang ito. Tipong hindi mo maaalala ang bakas ng kanyang performance sa nagdaang pelikula. May iba kasing artista na pare-pareho ang akting. Walang karakter kumbaga.

Ngunit 'di tulad ni Mila, nais ni Ate Guy na bumalik sa Amerika pagkatapos ang kanyang trabaho dito. Tiyak na maraming fans ang malulungkot pero hangga't nandito pa siya, let's just celebrate and support her.

2 comments:

Anonymous said...

uy noranian na si Miss M. dami n niyang napanood n movie ni Te Guy. Enjoy, madami pa yan.


tidyong

Anonymous said...

Nag-iisa talaga ang Superstar, di ba Ate M.?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...