Sa trulilit lang, parang nagiging The Buzz na ang Senate of the Philippines. Lahat ng bagong isyu eh kanilang iniimbestigahan. May nareresolba ba?
Ako lang ba o may iba pa sa inyo mga 'teh na medyo nagugunggongan (medyo lang ah) sa (ibang) senador natin dahil sa pakikialam nila sa kung anu-anong isyu? Wala bang ibang sangay ang gobyerno na maaaring humawak sa kontrobersyal na sining ni Mang Mideo?
Kung senador siguro ako, uunahin kong busisiin ang landslide na nangyari sa Zambales na lumimas sa mga bahay ng halos isang barangay at sumira sa likas na yaman dahil sa kagagawan ng isang realty developer. Di ba't mas nakababahala naman 'yon?
Agree 100 percent Ms melanie. Kung anu anong walang kwentang issue pinaguusapan sa senado. anu ba ito nakakalungkot isipin na may mas maraming issue na dapat pagtuonan ng pansin. Marahil dahil ito sa dahilang nalalapit na din naman ang eleksiyon and each senator is doing everything para makapag grand standing lang at mapansin. o pambawi ito sa kagagahan nila sa pajero issue na ipinukol sa simbahang katoliko cause clearly this is a catholic issue. kaloka
ReplyDeletebravo! bravo!
ReplyDeleteThat's what you get for voting them to office.
ReplyDelete