Noong una kong mabasa sa Facebook ang status message na 'yan, feeling ko napaka-unfair ng gumawa. At ilang oras lang ang lumipas, kumalat at kung sinu-sino na ang nag-repost. ABA! Parang hindi naman yata tama ang pagkukumpara na 'yan!.
Azkals gave pride to our country last year ng matalo nila ang bansang Vietnam na defending champion sa Suzuki Cup. Simula noon, nagtuloy-tuloy na ang biglang pagsikat nila. Kabi-kabila ang suportang natanggap nila mula sa mga simpleng fans hanggang sa big-time sponsors. At dahil sa angking kafogian (at kasarapan), karamihan sa kanila ay endorser na ng kung anu-anong produkto. Kahit na olats sa Suzuki Cup at hindi nakapasok sa qualifiers game para sa World Cup, madami pa rin ang todong umaabang sa susunod nilang laban.
Kahit kulang sa pondo at suporta mula sa gobyerno, tumulak pa rin ang Philippine Dragon Boat Team papuntang Florida, USA para lumaban sa 10th International Dragon Boat Federation World Championship. Hindi naman nila binigo ang mga Pinoy at nakapag-uwi sila ng limang ginto at dalawang pilak na medalya. Bago pa 'yan, ilang beses na rin silang nanalo mula sa iba't ibang kumpetisyon sa labas ng bansa.
Kung tutuusin, pareho silang nakapagbigay karangalan sa Pilipinas. Hindi kailangang pagkumparahin ang lakas at kahinaan ng dalawang koponan. Hindi kasalanan ng Azkals na bongga ang sumusuporta sa kanila samantalang iilan ang sa Dragon Boat. Choice naman kasi ng tao kung sino ang susuportahan.
Ang sa ganang akin, hindi lang sagwan at bola ang dapat suportahan. Ang buong larangan ng isports ang dapat pagtuunan at bigyan pansin dahil dito tayo umaalagwa. Itanong mo pa kay Mami Dionesia.
I agree. Let us not pit one against the other. Let's look at the bigger picture and support ALL of our athletes. Maraming maituturing na world class kaya lang kulang sa support at publicity.
ReplyDeletehindi sa minamaliit ko ang Dragon Boat Team. pero di ba sponsor nila ang Cobra at PAL? totoo nga kayang KKB sila sa pamasahe? at imposibleng wala silang sagwan. malamang may ibang dahilan kaya nanghiram. sa totoo lang, napaka-iresponsible ng nag-post na yan. isama mo na rin yung nag-repost.
ReplyDeletenaku teh, may tama ka! the more, the manyer! let's support everyone! :) in fairness sa blog mo, may social relevance na, chos! pero sana more boys please!!!
ReplyDeleteTeh,,,oo nga naman,me tamah teh sa post mong to.Di dapat silang pagcompare.Dahil pareho silang nagbigay karangalan sa tin bansa.Pero di ba after manalo ng PHI DRAGON BOAT TEAM napansin na rin naman sila ngayon.Kaya nga pinaparebisa at pinapaimbestghan na ni Pang.Noy ang hidwaan sa pagitang POC at PSC ba yun..so TO be fair.Tama na bgyang pansin din ng ating govt. ang ating mga atleta.un lang..:)
ReplyDelete-Tagamasid Pampurok-