Sa paglipat namin sa bagong kastilyo eh kinailangan din namin na ilipat ng eskwelahan ang aking pamangkin. Maganda naman ang kanyang nalipatan dahil bukod sa mas malaki ang lugar eh mas marami ang aklat na pinahiram sa kanya.
Para 'di madaling masira, binalutan ko ng plastic cover ang mga ito.
Sa walong libro na pinahiram sa kanya, dalawa ang naiba. Ang mga ito ang naiba dahil sila lamang ang may pagkakapareho. Take a look...
Kita niyo ba? Parang pareho sila ng taktika nitong isa pa. Tingnan natin...
Kuha niyo ba ang mensahe ni konsehala at ni tita? May fecture frame pa sa itaas.
Eto pa. Mas malala...
Nakatiwangwang sa gitna ng kalsada, hindi natapos ang proyekto at 'di mapakinabangan ng taong bayan pero may tatak. HANUBAYAN! Mga pulpulitiko nga naman. TSK! TSK! TSK!
ha ha love this melanie , it shows that you are politically aware and mature he he .... nice one ...
ReplyDeleteok lng yan sana basta walang palya at malinis ang serbisyo nla sa bayan...
ReplyDelete