Saturday, September 1, 2012

Motion

Ber months na! Malapit nang lumamig ang simoy ng hangin. Excited na 'ko sa early Christmas decors sa daan. Sisimulan ko ang buwan na 'to sa isang masarap na handa... si Mike Concepcion (na naman?!). This time eh 'di ko na kakantahan ang piktyuraka niya sapagkat tuwing Linggo ay makikita ko na siya in motion thanks ETC HQ, the newest show of ETC channel.

Weekly capsule ito (wit 'yung iniinom) na magfi-feature ng kung anong trend ngayon. Wish ko lang maka-relate ang tulad ko ipapakita nila. May pagka-shaley yata 'yan pero sige, uunawain kong pilit alang-alang sa aking damdaming nauukol at bumubukol sa kanya. Naks! Ang nagagawa nga naman ng fag-ivig

Kasama niya din dito sina Patti Grandidge at Julia Sniegowski. Bongga naman ng apelyido nila. Patatalo ba naman watashi? Dapat ako rin (inggiterrra!). Samahan niyo 'kong mag-brain storming ng ipantatapat sa kanila. Maganda ba ang Bb. Melanie Vuratolo? Eh Bb. Melanie Otenski? Ay! Parang mas maganda ang Bb. Melanie Luboton. OHA! Tunog mamahalin! Pwedeng basagin. CHARUUZ PEMPENGCO! 


Catch ETC HQ starting September 16, Sunday, 8:45 PM only on ETC.

1 comment:

Anonymous said...

Ang gwapo niya ate! may I know his name?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...