Sunday, November 25, 2012

Listahan

Memorable date ang November 24 para sa mga pageant followers dahil tatlong pageant ang ginanap sa petsang ito. Heto ang listahan ng mga nagwagi...

Ang kasarapan ni Francisco Javier Escobar Parra ng Colombia ang nangibabaw sa London bilang Mr. World 2012. Second placer naman ang sariling atin na si Andrew Wolff na humihingi ng dispensa sa kanyang narating. Ano ka ba fafah Andrew? You made us so proud kaya wala dapat sorry sorry. Nasa pangatlong pwesto naman si Mr. Ireland Leo Delaney. Pasok naman sa top 10 ang pinakamamahal kong si Gianni Sennesael ng Belgium.

Dito naman sa Thailand, si Mr. Lebanon ang nagwaging Mister International 2012. First runner-up si Ron Teh ng Singapore followed by Marko Sobot ng Slovenia. Fourth and fifth placer naman sina Mr. Brazil Ricardo Magrino at Mr. Slovak Republic Jan Haraslin. Surprisingly, hindi kasama sa semifinalist ang heavy favorite na si James Murphy ng Ireland. Oh well, hindi rin tayo nakapasok sa top 10. Sayang.

Huli sa listahan ang Miss Earth 2012 winners. Siyempre dapat priority ang mga ohms noh!? Ang bagong Miss Earth ay si Tereza Fajksova ng Czech Republic na kahit hindi naintindihan ang final question eh panalo pa rin. Miss Earth-Air si Ms. Philippines Stephany Stefanowitz. Miss Earth-Water ang gorgeousness ni Osmariel Villalobos ng Venezuela at Miss Earth-Fire ang Brazilian beauty ni Camila Brant.

Isang malutong na KUNGRACHULEYSHONS sa kanila!

1 comment:

Anonymous said...

TAMA ako s predictions ko bout kay mr.world-philippines..n hngng 1st runner up lng cia..though kht cia ang mas deserving....as ussual...ayaw tlg ni madam morley s mga pinoy....
...about kay mister philippines-international...yan n nga ba cnsbe ko...well ngyre na.....
....kay miss earth....nung ngyre te ke miss thailand at s.africa?bkt d pasok s top4?prng tong tatlong bansa nlng n to ang ngllabn s title every year(brazil,philippines,venezuela)dapat next year wg ng mgsli ng mdami.clang 3 nlng d b?prng lokohan n ata to te?me pamedal medal tally pa?hmmm...nkkwlang gana.

eniway congrats nlng s lhat ng nanalo!

-tagamasid pampurok-

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...