Sunday, March 10, 2013

Grace at Sonny

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling  CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Grace Poe and Sonny Angara
Mga anak ng kilalang tao...

First time tatakbo sa senado.

Si Sonny naupo na sa kongreso...

Si Grace, sa MTRCB napwesto.

Sapat na kaya ang karanasan para tumaas ang ranggo?

5 comments:

  1. For me YES, new face at mga bata (to change ang mga uugod-ugod na nating mga lolo-pulitiko at mga trapo)... Antonia from KSA

    ReplyDelete
  2. Pwede sila...hindi pa corrupt, hindi pa trapo.

    ReplyDelete
  3. I like them both! Coming from a good family. Sen. Angara (the Father) has an excellent track record. and Off couse we know the Father of Grace Poe "The King" who also happens to be matulungin.




    Gelo.

    ReplyDelete
  4. si grace parang shunga shunga, parang pagpapacute ang alam so for me, NO for her. si sonny, i give him a chance so YES for him.

    ReplyDelete