Wednesday, June 30, 2010

Positibo

Ngayon na ang huling araw ng Hunyo at bukas ay umpisa na ng bagong buwan. Todo sa bilis ang panahon noh! Anim na buwan na agad ang lumipas sa taong ito. Pero may magandang simula naman para sa ating mga Pilipino sa ikalawang hati ng taon. Ito ay dahil sa bago nating pangulo. Halos lahat yata ay maganda ang mood at positive ang outlook sa future dahil sa bagong mamumuno ng bansa. Maganda ang inaugural speech ni P-Noy kanina infairness. Madaling maunawaan at hindi malayo sa posibilidad nang katuparan kung tayo ay bonggang makikiisa sa kanya. Hindi puro pangako na halatadong mapapako.

Huwag na tayong lumingon sa mga bagay na nangyari na sa nakalipas. Atin na itong ibaon sa limot at nawa'y natuto tayo ng leksiyon sa bawat pagsubok. Ating lasapin ang bawat araw na dumaraan at nawa'y sa dulo nito, tagumpay ang ating makakamtan.

Mike Concepcion

He is Mike Concepcion. Yun lang. Wala kasi ako masyadong alam tungkol sa kanya eh. Ang alam ko lang, mahal ko na siya. Charuzzz Pempengco!!! Madalas ko siyang makita sa mga magazine na pangshala like Preview at Lifestyle Asia. Tapos, nag-aaral yata siya sa De La Salle University.

Masarap siyang pangarapin noh. Tall, moreno and super handsome. Epitome of a perfect Filipino hunk.

Eclipse NOW SHOWING

Expect massive attack of people on movies houses since today is the first day of Eclipse. I prefer to watch it aftershock but there's a consequence to that. A LOT of spoilers posted on net especially on Facebook. Yikes! So I opted not to open my FB account 'til Monday... but I cannot promise that. I'll just try not to read the comments and open the news feed.

Happy watching Twilight fanatics!

Tuesday, June 29, 2010

Mr. Globe Philippines 2010

Gino Quintana and Franco Ramos

Isa na namang kapana-panabik na male contest ang magaganap. Ang Mr. Globe Philippines 2010. Dalawangpu't limang kandidato ang todong maglalaban laban para sa nasabing titulo. Ito ay gaganapin sa The Pearl Manila Hotel (shala!) sa ika-3 ng Hulyo, Sabado sa ganap na ala-7 ng gabi.

Para sa mga bonggang detalye, maaring tawagan si Jimi Escala sa mga numerong 0927-400-1031 at 0921-920-5536.


Sina Gino Quintana at Franco Ramos ang mga early bet ko for this competition.Pero ang mahal ko ay si Gino
.

*Photos courtesy of Dan Santos Photography.

FHM Philippines July 2010

The long wait is over mga shupatemba. Ang pinakabagong listahan ng FHM 100 Sexiest Women of the World ay tapos na at makikita ito nang todo sa FHM's July 2010 issue with Sam Pinto on the cover.

Sad to say pero wala ang favorite kong si Erich Gonzales sa top 10 kahit consistent siya sa partial unofficial tally. Bakit kaya? Anyways, pasok naman sa top 5 ang isa ko pang paborito na si Angelica Panganiban so keri pa rin. Here are the official Top 10 finest and sexiest in the country:
  1. Angel Locsin
  2. Cristine Reyes
  3. Marian Rivera
  4. Iwa Moto
  5. Angelica Panganiban
  6. Katrina Halili
  7. Regine Velasquez
  8. Valerie "Bangs" Garcia
  9. Ehra Madrigal
  10. Jackie Rice
Jackie Rice, Regine Velasquez and Ehra Madrigal??? Isang malaking BAKET?!?

Anyways, the bonggang latest ish of FHM is out now so don't forget to buy a copy.

Monday, June 28, 2010

Huwag palalagpasin ang Lagpas


Lagpas had a successful premiere night last June 26 sa Robinson's Galleria Cinema 5 at inyong lingkod ay hindi pinalagpas ang pagkakataong ito. Kasama ang mga beki kong friends, went kami sa premiere kahit galing sa trabaho at wala pang pahinga. Infairness, madaming verdeng dugo ang umattend ng event. Ang fofogi pa nila. Iba na talaga mga beki ngayon. Ako lang yata ang naiba sa kanila that night dahil bukod sa long hair na, kulot pa.

Nagkaroon muna ng mini-presscon ang cast ng pelikula bago ang premiere showing. Infairness sa kanila, mababait sila at walang inurungan sa mga tanong lalo na ang lead role na si Dennis Torres.

Verdict: May istorya naman yung pelikula medyo kinulang lang sa creative execution yung mga eksena. Naging comedy tuloy yung ibang supposed-to-be-serious scenes. Pero bumawi naman sa frontal nudity dahil apat sa lead cast ay nagbahagi ng kanilang kayamanan para sa manonood.

Pwede ring "Ligo" ang pamagat ng indie film na ito. Watch na lang kayo para malaman niyo kung bakit. Regular showing is on June 30.

Saturday, June 26, 2010

Love Love Love


CONGRACHULEYSHONS to my super friend Juliebeth Flores because today, she'll tie the knot with her BF Cheesy. Hiling ko'y maligayang pagsasama habang buhay at malinis na pagmamahalan sa isa't isa. Alagaan niyo ang pag-ibig na umusbong sa puso niyo at bonggang palaguin pa ito. Love you friend. Tsup!

Friday, June 25, 2010

Why don't you love me

Ang paborito kong linya sa kantang Forget About Me:

♪♫ Why don't you love me
The way I love you
It feels so crazy... ♫♪

Hindi naman ako nakakarelate dun sa buong kanta. Diyan lang sa mga linyang yan. Dedicated para sa mga boys na minamahal ko...





The single Forget About Me is by Little Bit.


Thursday, June 24, 2010

Meatier Christian Bautista

Christian Bautista for Bench Uncut

Todo ang transfromation ng lolo Christian Bautista natin ah. From lampayatot to a seksi man. Una ko siyang nasight sa Star in a Million sa ASAP. Infairness sa kanya, wafu na siya that time. Slim nga lang. Pero look at him now. Ang sarap sarap ng bortabels niya. Mas BY pa siya ngayon kumpara dati (thanks to Tiya Vicky Belo). Nakakadagdag sex appeal din ang facial and body hair niya (though mas bet ko ang body hair). Sising sisi siguro si lola Rachelle Ann Go at kung bakit pinakawalan pa niya ito.


Christian Bautista for Gold's Gym

Sa tingin ko, mas masarap siya sa agahan dahil sa mga pandesal niya sa tiyan. Saktong luto lang di ba? Hindi masyadong malaki, hindi rin naman maliit. Pero kung ako lang, kahit hindi almusal, kakainin ko ang pandesal niya.

Sarap sarap! Pahingi ngang kape!

Hindi na lalagpas ang Lagpas

Rob Da Silva for Lagpas

Tuloy na tuloy na ang bonggang premiere night ng newest gay indie film na Lagpas. Ito ay sa Sabado, June 26 sa Robinson's Galleria Cinema 5 at magsisimula ng 8 PM.

200 peysos lang ang tiket at available sa mismong premiere kaya go na tayo mga shupatid at suportahan natin ito.


Visit Lagpas official Multiply site
here.

Wednesday, June 23, 2010

Agua Bendita Boys

Isa pa yang si Andi Eigenmann sa maseswerteng artista ngayon. Bukod kasi sa bonggang career because of Agua Bendita, dala-dalawa pa ang lalaking nahuhumaling sa kanya sa teleserye. Sina Matteo Guidicelli at Jason Abalos. Todo sa kakisigan at appeal ang dalawang ito. Mas bet ko nga lang si Matteo over Jason. Mas meaty at juicy kasi siya (parang hotdog lang).

Lumalangoy kaya si Agua habang pini-picture-an sila dalawa??? Hhhmmm...

Tuesday, June 22, 2010

Alejandro

Can I Just Say:

As a gay person, I felt violated, humiliated and abused by Lady GaGa on her latest music video.
Alam ko naman na karamihan sa mga kabaklaan (kabilang na ako dun) ay fans niya. Pero sa Alejandro video, feeling ko masyado naman niyang inabuso yung pagiging bakla natin. Ikinabit pa tayo sa blasphemous act niya to Catholicism. Para tuloy kademo-demonyo ang pagiging miyembro ng third sex.

Ikaw, ano sa tingin mo?

2nd teaser of Muli (The Affair)

Sid Lucero as Jun

Click here to view the newest teaser of Adolfo Alix Jr.'s new indie.

I'm looking forward to watch this movie since I've had enough of senseless gay indie films.

Sunday, June 20, 2010

A Letter of a Gay Son to his Father

Dear Papa,

Thank you so much for everything. Mula sa pagbuo niyo sa akin ni Mama hanggang sa pagsuporta sa aking paglaki. Malinaw pa sa aking alaala ang pag-aalagang ginawa mo sa akin mula sa pagpapaligo, pagpapakain sa hapag kainan, sa aking bonggang birthday celebration, at pagpapa-aral sa eskwelahan. Natatandaan ko pa din ang pag-aantay mo sa akin sa labas ng bahay dahil ginabi ako sa paglalaro ng computer games malapit sa plaza.

Sa tuwing uuwi ka mula sa ibang bansa, hindi mo nakakalimutang dalhan ako ng tsokolate. Kaya kapag bumibili ako nito at naaamoy ang lasa, ikaw ang naaalala ko. Madalas ka mang wala sa piling namin, pinupunan mo naman iyon sa tuwing ikaw ay dumarating.

Isa na yata ako sa pinakamaswerteng bakla sa mundo dahil ang isang tulad mo ay hindi ako pinagbawalang maging totoo sa sarili. Hindi mo ako kailanman kinahiya bagkus ay naramdamn kong paborito mo ako at pinagmamalaki sa ibang tao.

Hindi ka man perpektong tatay, hindi hadlang iyon para mahalin kita nang lubusan. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako'y matatag at matapang na tao.

Ngayong araw mo Pa, hangad ko na ika'y ligtas, malusog at higit sa lahat, masaya. Hindi ko man alam kung nasaan ka ngayon, dito sa puso ko, lagi kang may lugar.

Maraming salamat Pa at Happy Father's Day.

JTC

Saturday, June 19, 2010

Lagpas Update

Mga kapanalig ko sa gay indie films, ang Lagpas ng Cody Entertainment Production na may premiere dapat sa June 21 ay lalagpas sa petsang iyan. Sa June 26 (Saturday) na ang premiere at June 30 ang regular showing. Still, the premiere will be at Robinson's Galleria Cinema 5 at 8:00 PM.

Visit Lagpas official Multiply site
here.

Para sa landlady ko (lady nga ba???)

Para sa landlady kong adik sa ipinagbabawal na gamot, pwede ba itigil mo na ang pagtira sa bato. Hindi ka lang tumataba, lumiliit pa ulo mo. Hindi na tuloy proportioned sa katawan mo. Pati bata pinapatulan mo at sinasabihan ng bobo. Eh ikaw ba sa tingin mo, pinapatalino ka ng Shabu. Nakakaloka din kapag tumatawa at nagsasalita ka. Nakakalimutan mong tomboy ka. Daig mo pa yung ka-live in partner mong babae sa pagtili at hagikhik. Nood ka lang ng nood ng DVD magdamag kung hindi ka nagbabaraha. Mabait ka pa sa aso, pusa at kuneho kesa sa mga nangungupahan sa iyo. Mabait ka lang sa amin kapag humihingi ka ng advance sa renta ng bahay para ipambili ng bato. Tunay nga namang walang nagagawang mabuti ang ipinagbabawal na gamot. Hindi ko sasabihing sayang ang buhay mo dahil ang tingin mo naman sa sarili mo ay swerte. Bahala na sa iyo ang kapalaran at Diyos na maykapangyarihan.

Friday, June 18, 2010

Kulay Rosas ang Pintig ng Puso

Dahil laganap na ang mga librong tungkol sa ating lahi, mag-review tayo nang isa. Ang libro ay pinamagatang Kulay Rosas ang Pintig ng Puso at isinulat ni Gerardo Z. Torres.

Una ko itong nasight sa National Bookstore sa Recto pero that time eh andaless ang lola niyo. So noong nagka-kwarta o kahon, super go ako sa Cubao to buy this book. Witchy cola akong makitang copy. Kung meron man eh lasug-lasog na at walang extrang stock. Went ako sa TriNoMa at naka-grab din ako ng kopya. Pumunta pa ako ng Cubao eh kapitbahay ko lang naman 'tong si TriNoMa. Todo pagoda cold wave watashi. Manipis lang siya at murriah carey sa halagang 128 peysos. Pangbeki kasi siya kaya nagka-interes akong basahin.

Sa totoo lang mga shupatemba, hindi ako nagandahan sa mga maiikling kuwento ng awtor. Nakadagdag pang witchells ako maka-relate dahil makabagong bakla na kasi ang bida sa mga istorya. Hindi tulad ko na maka-70's masyado ang pagka-juding. Meaning to say, bailamos ang bida. Pamhinta. Keri lang naman yung bida kaya lang ineexpect ko kasi na bawat kwento, iba-ibang katangian ng karakter ang mababasa ko. Hindi kasi eh. Parang iisa lang lahat sila na panay gym fit ang bortabels, epek ang fes, richie rich, matalino atbp. Pa ul-ul (ulit-ulit) na binabanggit sa bawat istorya yang mga adjectives na yan. Naiba lang sa mga pangalan ng tauhan
. Mas nabigyan ng emphasis yung pisikal na atraksiyon kesa sa pagmamahalang pinagsaluhan. Pare-pareho din ang takbo ng istorya mula sa panandaliang init ng katawan, how to move on sa long term relationship na nasira hanggang sa kung paano maghanap ang isang bonggang ambisyosang beki nang isa pang ambisyosang beki. Pa ul-ul lang siya. Hindi naman halatang na disappoint ako noh.

Out of 5 stars (5 as the highest), Debbie Gibson ko siya ng dalawang bituin sa langit as my rating.

Wednesday, June 16, 2010

Basahang Impostor

Hook na hook ako sa mga panghapong serye ng Kapamilya at Kapuso. Exciting ang mga istorya at todo sa kakisigan ang mga lalaking bida. Kapag patalastas sa Impostor, bonggang pindot ako ng remote control para ilipat sa Basahang Ginto.
Ang sasarap nina Sam Milby at Geoff Eigenmann. Ang swerti swerti nina Maja Salvador at Carla Abellana. Inggit me... GGGRRRRR!!! ☺

Tuesday, June 15, 2010

Muli (The Affair)

Bonggang balita mga shupatid. May bagong gay indie film sina Papa Sid Lucero and the-long-lost-but-now-found Cogie Domingo. Ang title ay Muli (The Affair) which is based on the Jerry Gracio's Palanca-winning screenplay. Directed by Adolfo Alix Jr. (Daybreak & Imoral) produced by MJM Productions.

Tease yourself with the movie teaser
here.

Saturday, June 12, 2010

Tirador

Dalawang Brillante Mendoza films na ang napapanood ko bago itong Tirador. Una ang Masahista sumunod ang Serbis. Impressed ako sa dalawang nauna dahil hindi natakot si direk na sumubok ng mga bagong atake when it comes to film making. Mapangahas, agresibo, napapanahon at walang kiyeme. Totoong buhay ang nilalarawan ng mga ito. At dito sa Tirador, mas lalo akong na-impress sa kanya.

Umpisa pa lang ng pelikula, alam mong seryoso ang tema. Ramdam mo ang bawat hinagpis at paghihirap ng mga karakter. Madaming tauhan sa pelikula na nagsimula sa kriminal, anak, tatay, nanay, asawa, kabit, magnanakaw, pusher, user, mag-jowa, estudyante atbp. Bawat galaw ng kamera, yung mga lugar kung saan kinunan ang mga eksena at pagtakbo ng istorya ay kukurot sa iyo.
Saludo din ako kay direk sa pagpili ng mga artista na gaganap sa bawat karakter. Hindi sikat pero ang gagaling sa pag-arte. Paborito ko yung bungal na nahulog ang pustiso sa lababo.

Tunay na brilyante ng bansang ito si Brillante Mendoza. Sana madami pa siyang magawang de-kalidad na pelikulang Pilipino na maipagmamalaki sa buong mundo.

Babe, I Love You

Dahil matagal na akong hindi nanonood ng Tagalog movies, naisipan kong humiram muna ng legal sa Video City. At isa sa mga nahiram ko ay ang Babe, I Love You.
Todong nag-enjoy ako sa movie na ito. May chemistry talaga ang tandem nina Anne Curtis at Sam Milby. Sabagay, mag ex-jowa sila kaya may spark sila. Medyo hindi lang bagay kay Anne yung character ni Sasa na nakatira sa shabby area kasi sushal pa rin siyang tingnan. Anyways, nabigyang justice naman niya yung role. At si Papa Sam, Juice koh! Tumulo talaga ang laway ko. Ang sarap sarap niya nung naghubad siya ng damit at pantalon though di pinakita na naka-undies siya. Nagalingan ako sa kanya sa And I Love You So, pero mas na-appreciate ko ang acting niya dito. Fave scene ko yung drama moment niya with his mom. Kakaiba din yung twist at the latter part of the movie so if hindi niyo pa sina napapanood, better watch it na.

Friday, June 11, 2010

Iniibig Kita

Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang paborito kong linya sa kantang Iniibig Kita.

♫♪ Iniibig kita, ikaw at ikaw lang
Maging sino ka man minamahal kita
Ano man ang iyong kahapon, ano man ang iyong bukas
Basta’t iniibig kita ♪♫

Ang sarap pakinggan kung kakantahin ng iyong mahal. Tanggap niya maging bakla ka man. Ang mahalaga... Iniibig ka niya ☺


From Jed Madela's Only Human album under Universal Records.

Porselanang Labanos

Mga shupatid, medyo nakakahiya man (para sa akin) na aminin pero isa ako sa milyon milyong Pilipino na nauuto (yes present tense) ng mga sabong pampaputi. Hindi naman hangad ng inyong lingkod na maging kutis labanos bagkus eh maging pantay lang ang skin tone. Since 2006 eh kung anu-ano nang bonggang whitening soap ang nasubukan ko. From CY Gabriel (the legend) to Biolink to Maxi-Peel to Kojie San pinatulan ko ma-achieve ko lang ang kutis na nais. Pero sad to say mga shupatemba, parang hindi yata epektibo sa akin ang mga ito. Hindi naman ako desperadong magkutis porselana pero 2010 na noh. So kung bibilang eh todong apat na taon na akong nagpapaputi pero walang bisa. Sinamahan ko na nga ng whitening lotion at deodorant yan pero wa epek pa rin.
Kahapon, napansin kong paputi nang paputi ang friend ko. Partida pa yan kasi nag-beach pa sila last May sa Potipot. Sabi niya, he takes Glutathione every other day together with Vitamin C.
Aba, ang lola niyo parang napag-isip isip na mag-try ng pampaputing nilulunok. Nung tinanong ko kung magkano ang isang kapsula... YAY! 45 pesos siya. Juice koh! Kapresyo na niya ang isang whitening soap good for 15 days.

Pero...

Ano eh...

Like ko mag-try...

Worth it kaya...

Hhhmmm...

Wednesday, June 9, 2010

Ejay Falcon for Bench Uncut

Sexy + Fresh + Delicious = Ejay Falcon

He is one good reason to watch Bench Uncut this July 2. Gosh! Todo crush ko talaga siya since lumabas siya sa Katorse. Bongga sa sex appeal at ang ganda ng built ng katawan. Kahit sinasabi nang iba na hindi siya kagalingang umarte, keber ko. Ang importante, masarap siyang panoorin sa TV. Takaw pansin din ang kanyang humongous billboard along EDSA Magallanes.

Juice koh! Kung sa kanya lang, willing akong magkasala over and over again.

Bionic is out!

Matapos ang malagim na balita tungkol sa pagkaka-proklama kay Jejemar, ito ang isang magandang balita mga shupatemba. Out na ngayon ang Bionic, ang bonggang bagong album ni Christina Aguilera.
Don't forget to buy an original copy ah. Huwag suportahan ang pirata. Kung sushal kayo, buy na lang sa iTunes. Pero ako, mas preferred ko yung physical copy para madagdagan ang collection ko.

Jejemar Binay... Hay...

Ayan, naproklama na ang kauna-unahang jejemon na pangalawang pangulo. Masayang masaya siguro siya at ang angkan niya. Hindi lang kasi sa Makati pwede siya todong mangurakot kundi buong Pilipinas na.

Umuulan nga pala ng bongga ngayon. Ang lakas pa ng kulog. Kahit kalikasan siguro hindi sang ayon sa pagkapanalo niya. Hay...

Tuesday, June 8, 2010

"Reasons" to watch Agua Bendita

Kaya naman pala patok na patok sa masa (at mga beki) ang Agua Bendita, bukod kasi sa bongga ang istorya, masarap sa paningin ang mga tauhan dito. Tulad na lang nina Jason Abalos at Mateo Guidicelli. Balita ko'y extended hanggang August ang teleseryeng ito. Aba, itodo na nila ang extension kung laging ganito ang masisilayan namin.

More of Bench Uncut

I went to TriNoMa last Sunday to buy a book at ako'y napadaan sa shop ng Bench. Talagang takaw pansin ang latest store billboards nila for their upcoming event this July 2. Katakam-takam si Jake Cuenca na naka Bench underwear lang. Ano kaya ang sasabihin ng mga chikiting sa kanilang mga magulang kapag nakita ang napaka-mapangahas na litrato niya? Susme wag na nating problemahin yan. Ang maganda, meron tayong magagandang tanawin dito sa Metro Manila. Marami pa sila kaya todo enjoy lang tayo mga kapatid.

Rafael Rosell

Jon Avila

Benjamin Tang

Sunday, June 6, 2010

Chace Crawford caught with marijuana

Nahuli si Chace Crawford better known as Nate in Gossip Girl na may marijuana. OMG! Bakit ikaw pa aking mahal. Biktima ka rin ba ng sobrang kasikatan kaya pati bawal na gamot eh tinira mo. Pwede naman ako. Chos!

Pero sa totoo lang, bonggang dumadami na ang mga artista (local and international) na nagiging iresponsable sa kanilang status. Hindi ba nila alam na ang kanilang popularidad ay maaring umimpluwensiya sa mga kabataan na tinitingala sila. Todong responsibilidad ang kasama nang pagiging sikat.

Hay... Nakakalungkot naman na nalulunod sila sa kaunting pagkakataon na binibigay sa kanila. Sana hindi na sila madagdagan pa.

Thursday, June 3, 2010

Delubyo na ba ito?

Hindi ko kinaya sa ang balitang ito. NAKAKALOKA! Pramis! Ibang klase din ang mga bagyo at pag-ulan sa ibang bansa noh. Kung si Ondoy at Pepeng eh nilubog tayo sa baha, sa Guatemala naman ay nakagawa ito ng butas. Butas na halos hindi mo makita ang hangganan dahil sa sobrang lalim. Around 100 feet ayon sa balita. Parang daanan na yata papuntang impyerno. Juice koh!

Ang may sala, si Agatha. Iyan ang pangalan ng tropical storm na bonggang nanalanta hindi lang sa isang bansa kundi nag cross-country pa. Sushal! Aside kasi from Guatemala, sinalanta din niya ang Honduras, El Salvador, Mexico, at Nicaragua. Marami ang namatay at hindi pa nakikita.

Sunud-sunod na ang kalamidad na nararanasan sa buong mundo tulad ng mga paglindol sa Haiti at sa iba pang bansa at ang pagsabog ng bulkan sa Iceland. Galit na yata si Mother Earth sa atin.

Ipagdasal po natin na sana ay hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari. At humingi tayo ng proteksiyon Niya na malagpasan ang bawat pagsubok ng buhay at mundo.