Mga shupatid, medyo nakakahiya man (para sa akin) na aminin pero isa ako sa milyon milyong Pilipino na nauuto (yes present tense) ng mga sabong pampaputi. Hindi naman hangad ng inyong lingkod na maging kutis labanos bagkus eh maging pantay lang ang skin tone. Since 2006 eh kung anu-ano nang bonggang whitening soap ang nasubukan ko. From CY Gabriel (the legend) to Biolink to Maxi-Peel to Kojie San pinatulan ko ma-achieve ko lang ang kutis na nais. Pero sad to say mga shupatemba, parang hindi yata epektibo sa akin ang mga ito. Hindi naman ako desperadong magkutis porselana pero 2010 na noh. So kung bibilang eh todong apat na taon na akong nagpapaputi pero walang bisa. Sinamahan ko na nga ng whitening lotion at deodorant yan pero wa epek pa rin.
Kahapon, napansin kong paputi nang paputi ang friend ko. Partida pa yan kasi nag-beach pa sila last May sa Potipot. Sabi niya, he takes Glutathione every other day together with Vitamin C.
Aba, ang lola niyo parang napag-isip isip na mag-try ng pampaputing nilulunok. Nung tinanong ko kung magkano ang isang kapsula... YAY! 45 pesos siya. Juice koh! Kapresyo na niya ang isang whitening soap good for 15 days.
Pero...
Ano eh...
Like ko mag-try...
Worth it kaya...
Hhhmmm...
yep. effective ang glutathione sakin. may kamahalan nga pero super worth it naman. i take it twice a day para sa effective.
ReplyDeletenagkaproblema lang ako noon dahil napansin ko na madali akong magasgas at magkasugat. (ewan baka ako lang)
try mosbeaux placenta white. yung ineendorse ni angel locsin. effective din siya pero mas may kamahalan.
anyway...it's the price to pay for beauty. :)
naku sige ateh at pag iipunan ko ang isang bote ng gluta o ng Mosbeau na yan... kung hindi baka sa 13th month pay ko pa yan mabili =)
ReplyDeleteAng downside naman ng mga tathione-chuchu na yan eh...as soon as you stop taking it, balik Iba-Zambales ang beauty nten!
ReplyDeleteAy ganun... Negrita ulit kung hindi forever ang intake. Todo pala sa gastos yang glutathione... Tuturuan ko na lang na mahalin ang sarili kong skin. Tamuuhhh???
ReplyDeleteAteng Melanie balak ko na gumamit nyan... Nauuso na ngayon yung COSMO SKIN GLUTHATHIONE na mabibili sa Watson. 1005php lng xa per 30 pcs. O diba can afford na ng mga mhihirap na tulad ko?? hahahah
ReplyDeletesaki ok din yung glutathione ginagamit ko yung saluta glutathione yung iniinjec!
ReplyDeleteeffective din sa akin yan. nawala stretch marks ko...hehe pero bumalik din eventually nung itinigil ko nung hindi na kinaya ng budget ko. :P
ReplyDelete