Hindi ko kinaya sa ang balitang ito. NAKAKALOKA! Pramis! Ibang klase din ang mga bagyo at pag-ulan sa ibang bansa noh. Kung si Ondoy at Pepeng eh nilubog tayo sa baha, sa Guatemala naman ay nakagawa ito ng butas. Butas na halos hindi mo makita ang hangganan dahil sa sobrang lalim. Around 100 feet ayon sa balita. Parang daanan na yata papuntang impyerno. Juice koh!
Ang may sala, si Agatha. Iyan ang pangalan ng tropical storm na bonggang nanalanta hindi lang sa isang bansa kundi nag cross-country pa. Sushal! Aside kasi from Guatemala, sinalanta din niya ang Honduras, El Salvador, Mexico, at Nicaragua. Marami ang namatay at hindi pa nakikita.
Sunud-sunod na ang kalamidad na nararanasan sa buong mundo tulad ng mga paglindol sa Haiti at sa iba pang bansa at ang pagsabog ng bulkan sa Iceland. Galit na yata si Mother Earth sa atin.
Ipagdasal po natin na sana ay hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari. At humingi tayo ng proteksiyon Niya na malagpasan ang bawat pagsubok ng buhay at mundo.
hot pinoy man universe Barry Belda
ReplyDelete