Dalawang Brillante Mendoza films na ang napapanood ko bago itong Tirador. Una ang Masahista sumunod ang Serbis. Impressed ako sa dalawang nauna dahil hindi natakot si direk na sumubok ng mga bagong atake when it comes to film making. Mapangahas, agresibo, napapanahon at walang kiyeme. Totoong buhay ang nilalarawan ng mga ito. At dito sa Tirador, mas lalo akong na-impress sa kanya.
Umpisa pa lang ng pelikula, alam mong seryoso ang tema. Ramdam mo ang bawat hinagpis at paghihirap ng mga karakter. Madaming tauhan sa pelikula na nagsimula sa kriminal, anak, tatay, nanay, asawa, kabit, magnanakaw, pusher, user, mag-jowa, estudyante atbp. Bawat galaw ng kamera, yung mga lugar kung saan kinunan ang mga eksena at pagtakbo ng istorya ay kukurot sa iyo.
Saludo din ako kay direk sa pagpili ng mga artista na gaganap sa bawat karakter. Hindi sikat pero ang gagaling sa pag-arte. Paborito ko yung bungal na nahulog ang pustiso sa lababo.
Tunay na brilyante ng bansang ito si Brillante Mendoza. Sana madami pa siyang magawang de-kalidad na pelikulang Pilipino na maipagmamalaki sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment