Sunday, October 31, 2010

Huwag

Isang magandang aral sa pagtatapos ng Oktubre:

Ms. Melanie with friends
Huwag ipilit ang ayaw, huwag maghanap ng wala.

Happy Halloween!

Hunk's Touch in Kamias Road

I had a horrible experience last night sa Hunk's Touch massage clinic along Kamias Road near EDSA. Gosh, walang kwenta ang mga massuers nila at ang pangakong 1 hour massage ay 15 minutes lang. Heto pa, hindi pa nangangalahati ng pagpipindot-pindot sa katawan mo, tatanungin ka na agad sa ES. Kapag tumanggi ka, pipilitin ka hanggang sa kahuli-hulihang pagpisil. Dagdagan mo pang sila pa itong parang galit kapag hindi ka pumayag. Akala naman nila, matatakutin ang 5'11" kong byuti. P'wes nagkakamali sila ng bonggang bongga!

Basta mga sisterets, wag na wag kayong kukuha ng serbisyo mula sa massage parlor na itech at todong madidismaya lang kayo.

Thursday, October 28, 2010

Ang insekta ay...

...isang taong ampalaya na, inggetera pa. Gagawin ang lahat masira lang ang maganda at masaya mong mood. Parang lamok na sisipsip sa GV mo. Halimbawa...

Biktima: Ang saya saya ko! Nakita ko yung crush ko, tumingin sa akin.

Insekta: Nako, may girlfriend na 'yun. Live-in nga sila eh. Medyo hindi sila masyadong nagkikita these past few days dahil magkasaliwa ang schedule nila sa trabaho. Kaya naman yung crush mo, pumili ng bagong schedule na kapareho ng mahal niya. More more jerjer siguro sila pag nagkataon. Ang sweet niya noh?

Biktima: Pu+@#$ !n@ &*! Mamatay ka na! H@y^& k@! G*go!

Wednesday, October 27, 2010

Puti

October 24, 2010.

Alas-dies ng gabi sa opisina at dalawang oras na lang, out ko na. Tumawag si Papa sa aking ketai.

Papa: Antayin mo ako diyan sa office. Susunduin kita paglabas mo.

Melanie: Sige po.

Dumating ang alas-dose at nagmadali akong bumaba ng building. Nag-aantay na si Pudra sa sasakyan. Mega kwento ako tungkol sa nangyari sa buong araw ko kasi like niya yun.

Pagdating sa bahay, inilabas niya ang sorpresa sa amin ng kapatid kong lalake (yes! as in lalakeng lalake ang bunso kong kapatid). Dalawang bagong ketai, parehong model, isang Silver at isang White.

Papa: Anong gusto mong kulay?

Since White yung kulay ng luma ko...

Melanie: (excited) Yung Silver na lang Pa.

Papa: Yan na lang Puti. Pambakla yang kulay niyan.

Hihihihi... Love you Pa!

Michael Elhag wins Fashionissimo 2010

Si Michael Elhag ang nakasungkit ng titulo bilang ultimate male model ng Fashionissimo 2010. Twenty eight pala silang naglaban laban para sa nasabing kompetisyon. Todong first runner-up naman ang bet ko na si Mark Masigan.

Nakuha din ni Michael ang award for Best in Swim Wear. Kasama sa pagiging major major winner ang mga bonggang prizes like 100 kiaw pukels with trip to Macau and Hong Kong . Sushal devah!?! Mapapa-WOW ulam ka naman kasi sa taglay niyang kakisigan kaya no wonder at siya ang nanalo. Ngiti pa lang, water-water ka na.

Pero sa ibang bagay ako napa-WOW eh...

Basta...

Ang bushy bushy kasi eh...

Tuesday, October 26, 2010

Bata

'Sing init ng iniinom kong Choco Filipino ang isyung John Lloyd-Shaina-Ruffa. Nakakalerki at sumawsaw pa ang ultimate cougar na si Vicki Belo at pinagtanggol si Ms. World 1993 second princess.

Sabagay...

Pareho kasi silang nagpapabata...

Pareho pa silang mahilig sa bata.

Bench Holiday 2010 & Bench Body 2011

Bet na bet ko ang bagong campaign ng Bench for this season. Pogi pogi ni Paul Jake Castillo samantalang ang sarap ng ngiti ni Rocco Nacino. Hindi nga lang ako sanay na makita silang nakadamit. Echos!

Siyempre, ang Prinsesa ng Masa ay hindi padadaig. Angat na angat ang Pinay byuti ni Melai Cantiveros para sa Bench Pinoy Lab.

At eto na talaga, ang pinaka hinihintay ng 'sangkabaklaan, ang magpapainit sa ating malalamig na gabi... ang Bench Body 2011 collections.

Halatang inspired nga lang kay Lady Gaga at Alexander McQueen 'noh?

Monday, October 25, 2010

Laruang Lalake

This Wednesday na, October 27 ang bonggang showing ng ating pinaka aantay na gay indie film from Lex Bonife and Joselito Altajeros, ang Laruang Lalake.

Bukod sa steamy scenes, excited na 'kong makitang muli sa big screen si fafa Marco Morales. Mahal ko pa din kasi siya eh. Chos! Kasama niya sa pelikula ang pagkasarap sarap na si Arjay Carreon (Campus Crush). Idagdag mo pa diyan ang mga batikang aktor na sina Richard Quan, Mon Confiado at tiyang Dexter Doria. First time mag-produce ni Lexie ng movie kaya itodo natin ang pagsuporta mga shupatid.

Ito ay ipapalabas sa:
  • Robinson's Galleria - Ortigas
  • Remar Cinema - Cubao
  • Roben - Manila
  • Eden - Cebu

Sunday, October 24, 2010

Bawas

Kalunos-lunos ang nangyari kina teacher Lorna Pulalon at Dionie Torres ng Zamboanga City nitong Biernes lang. Namatay ang una samantalang nakaligtas naman ang huli sa pananaksak upang protektahan ang kanilang mga estudyante laban sa lalaking nag-amok sa loob ng paaralan. Todong nakakalungkot sapagkat kulang na nga tayo sa mga titser, nabawasan na naman.

Bago pa ang insidenteng 'yan, may nagtangka daw suhulan si teacher Lorna para sa nalalapit na barangay election. Tinaggihan niya ito at sinabing hindi siya masusuhulan dahil isa siyang guro. Nakakaiyak talaga ang pagkawala niya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na sana, yung mga corrupt at walang 'wentang officials na lang ng gobyerno ang nawala imbes na sila. Sila pa na tapat sa tungkulin ang napahamak.

Bukas na ang eleksyon at parte na nito ang lantarang pandaraya at pagdanak ng dugo. Wish ko lang na bonggahan ng pamahalaan ang proteksyon para mga botante lalong lalo na sa mga guro. Nasa hukay ang isa nilang paa sa pagbibilang ng mga boto at pagbibitbit ng ballot boxes. Dagdagan na rin natin ng dasal na sana'y maitawid natin ang halalang ito ng mapayapa at walang nasasaktan.

Ulan

"Ano ka ba naman Kevin, alagaan mo nga yang sarili mo. Huwag ka namang nagpapa-ulan at baka magkasakit ka. Kita mo yan, ang dumi dumi mo pa. Saan ka ba galing? Halika nga dito at pupunasan kita. Nilalamig ka na oh! Teka't ipagtitimpla kita ng Kopiko Brown nang mainitan ang katawan mo. Sasamahan ko na rin ng Lucky Me pancit canton. Diyan ka lang ah..."

-Bb. Melanie habang kinakausap ang pektyur.

Palaban

Nagsisimula nang uminit ng todo ang labanan ng iba't ibang kandidata para makuha ang titulong Miss International 2010. At hindi papatalo ang pambato natin diyan na si Krista Kleiner na ginulat hindi lamang ang mga Tsino kundi tayo na ring mga Pinoy sa kanyang national costume.

Bongga di ba? Sa lahat ng national costumes na sinuot ng mga kandidata natin sa iba't ibang beauty pageants, eto na yata ang pinaka kapansin-pansin. Pamaypay sa isang kamay, nunchucks naman ang hawak ng isa. I think Krista wants to project the modern Filipina, konserbatibo ngunit palaban. Nung una, hindi ko masyadong bet ang design pero kering-keri niya dahil na rin sa nag-uumapaw niyang confidence. Competetive pa ang aura niya.

Go and get the 5th Miss International crown for the Philippines Krista!

Friday, October 22, 2010

Lilay Update

Hindi tuloy ang premiere screening ng Lilay mamaya sa Robinson's Galleria. Ayon kay Sam (contact person for the tickets), nareschedule for another review ang pelikula sa MTRCB. Sobrang sexy daw kasi. Sayang at willing pa naman akong suungin ang julanis morisette at windy kurleto makita lang si Julian Roxas. Chos!

Update na lang daw tayo kung kailan ang bagong schedule.

Thursday, October 21, 2010

Shoo-Bee-Doo

Early 2000's nang bumongga ang career ni ateh Nina. Hindi ko siya like nung una pero heto akekels ngayon at kumpleto ang kanyang album. Karamihan ng mga songs niya ay revival pero mas bet ko ang original songs niya na may R&B beat. Isa sa mga paborito kong rendition niya ang Shoo-Bee-Doo na original ni titah Madonna. Nung college yata ako, yan lang ang kantang todong pinakikinggan ko buong magdamag. Ginawa ko pang theme song namin ni Marco Grazzini sa aming pantaserye (exclusive na pinalabas sa isipan ko ☺).

♫♪ When I look in your eyes
Baby here's what I see
I see so much confusion
And it's killing me

Well I can't take it anymore, baby
Why don't you dry your eyes, try and realize
Love can open any door, and maybe
If you trust in me, I can make you see

Shoo bee doo bee doo
Ooh la la, come to me baby
Shoo bee doo bee doo
Ooh la la, don't say maybe
Shoo bee doo bee doo
Ooh la la, come to me baby
Shoo bee doo bee doo ooh la la

I can see you've been hurt before
But don't compare them to me
'Cause I can give so much more
You know you're all I see

Well I can make it on my own, baby
But I'd rather share all the love that's there
I don't want to be alone, and maybe
You will see the light, baby spend the night... ♪♫

Nina's rendition is available on her Smile album while Madonna's original version is on her Like a Virgin EP.

Wednesday, October 20, 2010

Fashionissimo 2010

Muli tayong mababasa pagkatapos ng bagyong Juan sapagkat dalawampu't anim na kalalakihan ang rarampage bukas, ika-21 ng Oktubre para sa Fashionissimo 2010 Philippines’ Search for Male Super Model. Ito ay magaganap sa Music Museum sa ganap na alas-otso ng gabi. Todong babaha ng prizes para sa mananalo at sa mga runners-up. Bet kong manalo si Mark Masigan o si Joseph Boustani kasi masarap sila tulad ko. CHOS!

Infernezzz, may budget ang mga producers dahil bongga ang mga hosts na sina Cheska Garcia, KC Montero at Carla Abellana. 'Di rin papakabog ang mga special guests na sina Guji Lorenzana, Velasco Brothers, ang masarap na si Marrki Stroem at marami pang iba.

Ang Fashionissimo 2010 ay produced by CHU Production.

Sige nga?

Can I Just Say:

Imbyerna watashi kina Mayor Alfredo Lim, VM Isko Moreno at sa ibang konsehal ng Maynila. Aba, kung ikukulong daw ang mahal nilang meyor dahil sa madugong kidnapping noong August 23, sasamahan daw nila ito sa loob. Maghanda daw ng malaki-laking kulungan.

Aber, sige nga? Tingnan ko lang kung tototohanin niyo yang pinagsasabi niyo. Hindi pa nga yata nakararating sa hukuman ang kaso, dakdak na kayo ng dakdak sa kahahantungan. Pinangungunahan niyo masyado eh. Kung walang kasalanan, walang dapat ikatakot. Juice ko 'day! Mga polpolitiko nga naman oh!

Tsaka yung ibang kriminal nga, nagsisiksikan sa masikip na kulungan tapos kayo, gusto niyo malaki? HALLER!!! Mga ambisyosa kayo!!!

Tuesday, October 19, 2010

Panalangin

Aming mahal na Ama,

Sa pag-alis ni bagyong Juan, marami sa aming buhay ang nasira at nawala. Nilipad ng hangin ang aming tirahan, nasira ng bagyo ang aming kabuhayan. Higit sa ano pa man, nagpapasalamat kami at hindi Mo kami pinabayaan.

Alam naming nandiyan lamang Kayo upang aming makapitan sa oras ng kagipitan. Bawat bagyo na dumaan sa aming buhay ay nagpapatibay sa aming pagkatao. Higit kami nitong pinapatapang. Kapag nalagpasan namin ang isang malaking unos, ang mga susunod na pagsubok ay higit naming kakakayanin.

Ang Inyong gabay at pagmamahal ay mas lalo naming nararamdaman sa mga ganitong pagkakataon. Sa pag-alis ng isang bagyo, agad itong may kasunod. Ngunit alam naming darating ang panahong sisilay din ang bagong araw hatid ay bagong simula para sa aming lahat.

Itinataas po namin sa Inyo ang lahat ng ito, sa ngalan ng Ama,

Amen.

Monday, October 18, 2010

Julian Roxas

Lunes na naman mga shupatid at kahit binabayo ni bagyong Juan ang ating bansa, hindi nito mapipigilan ang isang magandang araw para sa ating lahat. Pasasaan ba't aalis din ang bagyong 'yan.

At ano pa nga ba ang dapat nating gawin sa ganitong malamig na panahon kundi ang magpa-init. Hayaan niyong gawin sa atin yan ni... Julian Roxas.

ANG SARAP SARAP!!! ANG SARAP SARAP!!! ANG SARAP SARAP!!! ANG SARAP SARAP!!! ANG SARAP SARAP!!! ANG SARAP SARAP!!!

Kaya kung bitin pa kayo sa kanyang taglay na kainitan, panoorin niyo ang gay indie film na Lilay dahil isa siya sa mga casts.

*special thanks to Vince Lopez Photography, Ian Felix Alquiros pati na sa Google para sa mga larawan.

Sunday, October 17, 2010

Senti

Nasa bansa na si bagyong Juan at 'sing lakas daw ito ni Ondoy. Ramdam na sa ibang lugar ang hagupit ng bagyong itechiwara at nawa'y protektahan tayo ng Diyos Maykapal upang malagpasan natin ang pagsubok na ito.

Halikayo mga 'teh at samahan niyo 'kong mag-emote habang kay lamig ng panahon. Isuot natin ang puting nighties at magsalin ng Tanduay sa kopita. Lumapit tayo sa bintana habang minamasdan ang pagpatak ng tubig ulan mula sa langit pababa sa lupa. Ang ilaw sa poste na nagsisilbing gabay sa mga taong nakapayong papunta sa kanilang paroroonan. Magsenti-sentihan tayo...

Original post date: Wednesday, April 21, 2010 at 7:18pm
Where: Facebook
Title: My Own Jayson

Let me share to you a part of my history. A beautiful history if I may say.

Jayson Castillo.

Uso pa nun ang chat. Minsan, after ng school, super chat kami nina Delma and JB sa computer shop ni Ate Aya. Hanggang gabi ang chat, Friendster etc. Ang nick ko sa mIRC at YM chat room ay "kim_gay". Kaya ganyan ang nick ko ay para alam na kaagad ng mga ka-chat ko na isa akong juding at hindi nagpapanggap na mujer. Nakakapagod kaya na lagi kang tinatanong ng "ASL". At kapag sinabi mong gay ang sexual preference mo, wala ka nang reply na mahihita sa nag-PM sa iyo. So para less rejection, mag-PM ang gustong makipag-chat sa bading.

One boring afternoon of August 2004, ako'y lulong sa chat ng mIRC. Lahat ng rooms pinasukan ko from schools to places. I met someone on Mapua room. The usual ASL came first then we exchanged Friendster profile and all. I was surprised to see his pic. Wow! Siya ba talaga ang ka-chat ko. Ang guwapo! We chatted for a while. I was about to log-out na kasi paubos na ang load ng dial up ko. Nagpaalam na ako. He gave me his number but I didn't gave him mine. Siyempre, hindi na naman ako mag-eexpect na ite-text niya ako since nung mga panahon na yun eh hindi pa fully developed ang confidence ko. May inferiority complex pa. I saved his number on my phone.

Ilang araw ang lumipas bago ko naalala yung na-save ko na number niya dahil busy busihan ang lola niyo sa school. I was browsing my phonebook and saw his number. Luckily, may load ako nun so I texted him. After a while, may reply akong nakuha from him and dun na nag-start ang pagiging constant textmate namin. Well, to be honest, he was intelligent and hindi boring kausap. May times nga lang na matampuhin especially kapag hindi ka kaagad mag rereply sa kanya. But I explained to him na estudyante ako at maraming projects at limited lang ang budget sa E-load ng Smart. Wala pa kasing unlimited text nun. Piso per text to all networks.

Kinuwento ko siya sa mga school friends ko and they were really happy for me. Pinakita ko pa sa kanila ang Friendster profile niya and they appreciated his looks. Well, he deserve it naman kasi talagang gwapo siya.

I cannot say na officially naging kami but I told him that he was very special to me. He was even willing to meet me sa school. PE ko nun and he texted me na nasa labas siya ng PUP and he wants us to see each other. Siyempre, naloka ang lola mo. Hindi alam ang gagawin pero dahil sa mahiyain ako that time, sinabi ko sa kanya na hindi pa ako ready makita siya. Madalas siyang mag-text na gusto niya na kaming magkita at puro ako excuses sa kanya like busy sa school, may project na ginagawa etc. I remember he texted me, sabi niya willing siyang gawin yung project ko sa Ad Arts. Sabi ko, ako na lang para lang makaiwas na magkita kami. Favorite song niya nun yung "Burn" ni Usher. So everytime na naririnig ko yun, naaalala ko siya. Nagagalit din siya everytime na ang text ko sa kanya eh puro shortcut para magkasya sa 160 characters. Alam niyo naman, pag lumagpas na dun, counted as 2 texts na yun. Tipid ang lola niyo. Nagkakaroon din kami ng mga misunderstandings but we were able to fix it.

We were texting one day while I'm doing my project with Ad Arts. Nasa mood yata siyang makipag-text nun. I was so focused on my project because it was really difficult. Shadings of different shapes using one pencil yun. Nag-text siya and hindi ako nakareply agad. Pag-check ko ng phone ko, ang dami na niyang text na galit siya at huwag na daw kaming mag-text. Hindi ko daw siya binibigyan ng time and importance. Something like that. So ako naman, nabanas sa text niya. Sinabi ko na wag na kaming mag-text.

Ending, naputol na ang texting namin. Less than a month lang yung pagiging "special" namin sa isa't isa. It was a very memorable and special time of my life. Someone like him made me special and beautiful in his own way. Back to 2010. Last month, I was browsing my old messages on Friendster and found his letters to me. Nung nakita at nabasa ko yung mga letters, hindi ko alam kung manghihinayang ba ako at hindi pa kami nagkita at nagkakilala nang husto. Siguro, kung may face and guts lang talaga ako that time at nakipagkita sa kanya, things could have been different.

Let me share to you all of the messages that I've retrieved. Check the subject of the message. Mga reply niya yan sa messages ko sa kanya. So it means, ako yung gumawa nung title. Nakakatawa! Sayang nga lang at wala akong copy nung mga letters ko para sa kanya. Just click photos below:



Wherever Jayson Castillo is, I hope he is in bliss.... and Thank You.

Wanna know what happened to him after we parted ways? Click here.