Good morneng mga 'teh! Maaga na ulit ako magpo-post simula ngayon dahil pang-umaga na ang byuti ko sa trabaho. Fresh air pa ang malalanghap ko sa kahabaan ng EDSA at Ayala Avenue. CHAREEENGGG!!!
Alam niyo naman na fan ako ni ateh Christina Aguilera. Medyo sablay nga lang siya nitong mga nakaraang araw. Matapos ang kanyang flop album at failed marriage, sumemplang siya sa pagkanta ng national anthem ng US of A, at nalaglag pa sa stage after her Grammy performance. Tapos tumaba pa siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot. Anyways, lab lab lab ko pa rin siya no matter what.
Hindi ako nagkaroon ng chance mapanood sa sinehan ang Burlesque dahil sa todong kabusyhan sa work. Wala rin akong mahatak para makasamang manood. Kaya bago ako mashorlogs kagabi, winatch ko muna ito.
Ang kwento ay nagsimula kay Ali Rose (Christina Aguilera) na pumunta ng LA para makipagsapalaran. Sa kakalakad para maghanap ng trabaho, napadpad siya sa bankrupt na burlesque bar ni Tess (Cher). Dito siya nagtrabaho bilang waitress at kinalaunan, star ng bar.
First time umakting ni Christina sa pelikula in a bonggang bonggang role pero convincing kaagad ang acting power niya. Halatang pinaghandaan niya ng maigi. Wala naman akong masabi sa prehistoric byuti ni lolah Cher. Total performance siya sa pagkanta at pag-arte pero mas napapansin ko ang fes niya. Tataas siguro ang sales ng mga anti-ageing creams kung siya ang magiging modelo. CHARUZZZ!!!
Highlight ng pelikula ang stage performances ng main characters. Welcome to Burlesque at Show Me How You Burlesque ang mga paborito ko.
Pero may isa pa akong paboritong eksena kung saan muntik ko ng malunok ang dila ko. Eksena ng leading man na si Cam Gigandet. Luwa talaga ang eyes ko sa sarap ng nasightsina ko. Kaya kung hindi niyo pa napapanood, panoorin niyo na ng maknowsline niyo ang tinutukoy ko.
Monday, February 28, 2011
Sunday, February 27, 2011
Pinto
Shakira ako kagabi ng mapanood ko sa Imbestigador ang The Boys of Bora Spa. Sikat kasi ang "therapeutic" massage parlor na ito sa ilan nating mga shupatemba. Ayon sa friend kong si James na parokyano sa lugar na ito, todo sulit daw ang masahe ng mga masahista. Disappear ang stress at lamig sa wankata. Bukod diyan, morayta avenue lang daw ang "serbisyong totoo". Sayang at hindi ko man lang na-try bago ipasara ng mga kinauukulan.
Habang nire-raid ng mga pulis ang spa, huli sa akto ang isa nating kafatid na nasa isang mainit na tagpo habang hinahaplos ng masahista. Iyan ang isa sa pinaka kinatatakutan natin di vaaahhh!?! Ang mapahiya on TV at ma-broadcast over the entire archipelago. Buti na lang at blurred ang fes ni ateh or else, bonggang kahihiyan ang aabutin niya.
Personally, naawa ako dun sa mga masahistang hinuli. Wala naman talaga silang kasalanan. Though alam naman natin na bawal gumawa ng sexual acts sa loob ng kahit anong establisyimento, I feel for them. Nasa kanila ang simpatiya ko sapagkat sila ang nagpaparanas sa ating lahi ng kapirasong langit sa ibabaw ng lupa.
Sa pagsasara ng The Boys of Bora Spa, parang isinara na rin ang isang pintuan ng kaligayahan para sa mga bakla. Ngunit hindi dito natatapos ang lahat. Hahanap tayo ng panibagong pinto kung saan tayo'y muling papapasukin at paliligayahin.

Friday, February 25, 2011
Mananatili
Isa sa pinakapopular na karakter sa TV, pelikula at sa totoong buhay man ang mga kabit. Sino nga ba sa atin ang walang kilalang kabit? Minsan sila'y ating kamag-anak, kaibigan o simpleng kaopisina. Itinuturing itong imoral na gawain at kasalanan ngunit bakit tila hindi sila mawala? May mga tao nga bang nasa-satisfy sa kakarampot na oras at atensyon ng kanilang karelasyon? Dahil hindi ko alam ang sagot sa mga 'yan, pinanood ko na lang ang pinakasikat na pelikulang Pilipino tungkol sa kabit... ang Relasyon.
Nagsimula ang istorya na magjowa na sina Marilou (Vilma Santos) at Emil (Christopher De Leon). Nahihirapan si Emil sa kanyang oras dahil kailangan niya itong hatiin sa kanyang anak, kay Marilou at sa kanyang trabaho. Alam naman ng mga kaopisina ni Marilou na siya ay dakilang kabit.
Napagpasyahan nina Emil at Marilou na magsama sa iisang bubong. Ngunit 'ika nga nila, hindi mo malalaman ang tunay na ugali ng isang tao hanggat hindi mo ito nakakasama sa iisang bubong. Nawala ang mga sweet moments nila tulad ng madalas na pagde-date sa labas dahil laging pagod si lalake sa trabaho at mas gusto na lang ang magpahinga.

Vilma Santos and Christopher De Leon in Relasyon |
Katulad ng kahit ano mang relasyon, sila ay nagkaroon ng mga pagtatalo na nauwi sa pansamantalang paghihiwalay. Ngunit hindi natiis ni Marilou ang malayo kay Emil kaya siya itong unang gumawa ng paraan para sila ay magkabalikan. Payag naman si Emil pero mas kumplikado na sitwasyon dahil nagkabalikan sila ng kanyang original wife. At kahit kakarampot na panahon na lang ang nakalaan sa kanya, tinanggap ito ni Marilou. Dito ko napagtanto na iisa talaga ang bituka ng mga kabit. Talagang nagkakasya sila sa tira tira. Oh di ba, nadala ako sa istorya.
Ang haba na nito kaya go na tayo sa ending. Natsugi si Emil at hindi siya nadalaw ni Marilou sa burol. May delikadesa pa kasing natira sa pagkatao niya. It means, tao din ang mga kabit ang alam kung saan lulugar. Ewan ko na lang kung uso pa yan sa mga kabit ngayon.
Superb ang akting ni Ateh Vi sa pelikula. Lalo na dun sa eksenang sakit na sakit sa kanyang ulo si Christopher de Leon. Medyo boring kapag hindi siya hysterical sa mga eksena. Aliw na aliw naman ako sa mga scenes nila ni Jimi Milendez.
Nasagot ng pelikula ang ibang katanungan ko tungkol sa mga kabit pero hindi lahat. Siyempre, iba iba naman kasi sila depende siguro sa partner at pagkatao nila. Yun nga lang, mananatili at mananatili ang bansag sa kanila... kabit.
Thursday, February 24, 2011
Friendship
I'm so overwhelmed sa effort ng friend kong si Ateh Paul sa paggawa niya ng blog entry about me and our friendship. Though magkaiba ang "sorority" group na kinabilangan namin nung college at inibig niya si Jayson (na minsan ay na-link sa akin), hindi naging hadlang ang mga 'yon para kami ay hindi maging magkaibigan. Ngayon, siya ang aking supplier ng sandamakmak na "chocolates" at "de lata".
Click here to read the rest of the story.
*Allow me to thank my sponsors. Ukay-ukay sa Muñoz for my blue dress, Trinoma and PhilCoA overpass for my stockings, Mikee for my bra, Ellen for my handbag, Aly for my heels, Shanelle for the luggage bag and Butingting sa Quiapo for my accessories. In short, yung damit, accessories at stockings lang yung pagmamay-ari ko. ☺
* * *
Ikaw na nga Melanie ang diyosa ng kasarapan, wala ng makakapantay sa alindog mo teh. Si Binibining Melanie ay aking personal friendship nung college sa PUP.Siya ang aming regular panauhing pangdangal sa aming fraternity na bitches and kikays.Click here to read the rest of the story.
*Allow me to thank my sponsors. Ukay-ukay sa Muñoz for my blue dress, Trinoma and PhilCoA overpass for my stockings, Mikee for my bra, Ellen for my handbag, Aly for my heels, Shanelle for the luggage bag and Butingting sa Quiapo for my accessories. In short, yung damit, accessories at stockings lang yung pagmamay-ari ko. ☺
Wednesday, February 23, 2011
Ibaba
Madalas kong masilayan (at sana'y matikman) ang kasarapan ni fafah Troy Montero dito sa Makati. It's either makakasabay ko siya sa elevator ng building na pinapasukan ko o pupunta lang ako sa veranda ng opisina at titingin sa ibaba. Pero sa tuwing nakikita ko siya, laging ang mga larawang ito ang pumapasok sa isip ko...
Tuesday, February 22, 2011
Hanga
Bow na bow ako sa tuwing napapanood ko sa telebisyon at naririnig ang mga bonggang qoutable qoutes ni titah Miriam Defensor-Santiago. Tumatatak talaga sa utak ko. Kapag may sesyon sa senado, inaabangan ko ang mga sasabihin niya. Kung may hearing naman at may iniimbestigahan anomalya o kontrobersiya ang mga senador, feeling ko syokot at nanginginig sa tensyon ang mga imbitado tuwing siya na ang magtatanong. Hindi pwede sa kanya ang aanga-anga dahil tagos hanggang laman-loob ang banat niya.
Kabi-kabila man ang opinyones de peninsula ng mga detractors niya, never na natibag ang paghanga ko sa kanya. Kung siya siguro ang nanalong pangulo noong 1992 presidential elections, iba siguro ang kalagayan ng bansa natin. Subalit datapwat kahit luz valdes ang byuti niya, todong aktibo pa rin siya sa pulitika. Mas pinahanga niya ako ng i-propose niya dati na tanggalin na ang pork barrel ng mga kongresista. TAMA NGA NAMAN! Laking tipid sana 'nun para sa budget ng Pilipinas at magagamit pa ang anda sa ibang sangay ng pamahalaan.

Mataas ang tiwala sa kanya ng mga Pinoy. Ebidensya diyan na sa tuwing tatakbo siyang senador eh pasok sa banga ang kanyang namesung sa top 12. 'Di ba't siya nga ang nangunang female senator last election.
Let me end this topic sa pinaka paboritong kong qoute mula sa kanya. Level-up ang confidence ko mula ng marinig ko 'to sa mga leps niya. Perfect din ito sa inyo mga 'teh kung may mga taong tahasan ang disgusto sa pagkatao niyo. I qoute:

"If you don't like me... I don't like you DOUBLE".
*The images are from her official website.
Saturday, February 19, 2011
"Reasons" to watch Mara Clara
Consistent sa pagiging number 1 primetime series ang Mara Clara. Maganda naman kasi ang pagkaka-remake ng classic hit nina Gladys Reyes at idol Juday. Todo iyakan ang mga eksena ni Mara (Kathryn Bernardo) samantalang tagos hanggang buto ang kamalditahan ni Clara (Julia Montes). Idagdag mo pang andiyan si Aling Lupe (Gina Pareño) na nakakaaliw ang kasamaan.
At isa sa mga reasons kung bakit mabenta sa mga beki ang seryeng ito ay dahil sa siguro kanya...
At isa sa mga reasons kung bakit mabenta sa mga beki ang seryeng ito ay dahil sa siguro kanya...
Albie Casiño (Alan Benedict Lee Casiño) plays Christian, Mara's love interest in the series. He's 17 years old at fresh na fresh sa world of showbiz. May kilig factor ang loveteam nila ni Kathryn. Malay natin, sila ang next bonggang loveteam of the future.
More pics of him:
More pics of him:
I know you'll like this...
Paano
Tanong lang:
Paano mapapaganda ni Belo ang mga Pilipino kung hindi niya kayang mapaganda ang sarili niya?
Thursday, February 17, 2011
Ecstatic
Dapat magbunyi ang MelaSon fans dahil meron nang sariling serye ng paborito nilang loveteam. Ito ang Precious Hearts Romances presents Mana Po. I'm ecstatic about this (magamit lang ang word na ecstatic) dahil mula ito sa panulat ng favorite PHR writer ko na si Rose Tan. Forte ni Ms. Tan ang romantic-comedy type of novels at kalog naman ang MelaSon kaya paniguradong hahagalpak tayo sa kakatawa sa panghapong handog ng Kapamilya Network.
OA nga lang ang pag-Photoshop sa itsura nila. Di vaaahhh?!?
OA nga lang ang pag-Photoshop sa itsura nila. Di vaaahhh?!?
Kahit hindi Valentines...
Late na 'to pero share ko sa inyo. Merong cork board sa office na pwedeng maglagay ng message para sa kahit sino for Valentines day...
Eto ang mensahe ko para sa isang katrabaho...
SABEEEEHHHH?!?
Wednesday, February 16, 2011
Bulaklak
Hango mula sa nobela ni Lualhati Bautista ang Bulaklak sa City Jail just like Bata, Bata Paano Ka Ginawa, Dekada '70 at Bakat. Kwento ito ni Angela Aguilar na nakulong dahil sa isang krimen.
Unang eksena pa lang ni Ate Guy sa loob ng kulungan, todong napangiwi na ako sa sobrang sama ng ginawa sa kanya. Pinaglaruan siya ng mga correctional beauties na kahit panti niya eh hindi pinatawad.
Habang tumatakbo ang pelikula, marami kang makikilalang karakter. Ilan sa mga agaw-eksena ay ang nakakasuklam na role ni Mitch Valdez na talaga namang nakakagigil sa galit, ang nakakaawang kalagayan ni Perla Bautista bilang nanay na inilayo sa anak at ang pinaka 'da best sa lahat... si Celia Rodriguez. Mantakin mo, pokpokita ang role niya pero ang shala ng pagdadala niya.
Sa bawat pagtatangka ni Angela (Nora Aunor) na tumakas, kinakabahan ako. Ang lakas talaga ng impact ng akting ni Ate Guy sa akin. Naroong nagtago siya sa likod ng estatwa at nang makakuha ng tiyempo, umakyat ng gate. 'Yun nga lang, nahuli siya ng pulis at bartolina ang ending niya. Pero 'ika nga nila, try and try until you succeed. Nakatakas din siya.
Binalak niyang patayin ang lalaking nanloko sa kanya na ginampanan Ricky Davao pero hindi natuloy.Gumalaw kasi ang beybi sa sinapupunan niya. Nakonsensya siya.
Bongga naman ang ending kasi napawalang sala siya sa kanyang kaso at nakalaya.
As usual, as ever, as a fan, pinabilib na naman ako ni Ate Guy sa performance niya dito. Iba nga lang ang pelikulang ito dahil malaman at madaming tauhan. Lahat naman sila ay importante at may pinakitang relevance sa istorya.

Tuesday, February 15, 2011
Carpet
I really have this thing sa mga cute guys na kulot tapos may carpet sa fez, dibdib, braso at legs. Parang ang sarap damhin ng kanilang balahibo sa bortawan. Nakakakiliti sa feeling. Pero hindi naman sobrang malago. Yung sapat lang.
Parang si Mr. MRT...
Parang siya rin...
Parang si Mr. MRT...
Parang siya rin...
Darren Criss for Out Magazine |
Tsup tsup tsup tsup... SARAP!
Pagmamahal sa mata ng mga bata
This came from my first ever blog site sa Friendster na pinost ko noong 26th of April 2005. Six years ago na pala. Wow! Ambilis talaga ng panahon.
Basahin natin kung ano ang kahulugan ng “pagmamahal” sa mata ng mga bata. Sobrang cute nito, PROMISSSSE!
* * *
A group of professional people posed this question to a group of 4 to 8 year-olds, "What does love mean?” The answers they got were broader and deeper than anyone could have imagined. See what you think:
"When my grandmother got arthritis, she couldn’t bend over and paint her toenails anymore. So my grandfather does it for her all the time, even when his hands got arthritis too. That’s love."
Rebecca - age 8
"When someone loves you, the way they say your name is different. You just know that your name is safe in their mouth."
Billy - age 4
"Love is when a girl puts on perfume and a boy puts on shaving cologne and they go out and smell each other."
Karl - age 5
"Love is when you go out to eat and give somebody most of your French fries without making them give you any of theirs."
Chrissy - age 6
"Love is what makes you smile when you’re tired."
Terri - age 4
"Love is when my mommy makes coffee for my daddy and she takes a sip before giving it to him, to make sure the taste is OK."
Danny - age 7
"Love is when you kiss all the time. Then when you get tired of kissing, you still want to be together and you talk more. My Mommy and Daddy are like that. They look gross when they kiss"
Emily - age 8
"Love is what’s in the room with you at Christmas if you stop opening presents and listen."
Bobby - age 7
(wow!)
"If you want to learn to love better, you should start with a friend who you hate,"
Nikka - age 6
(we need a few million more Nikka’s on this planet)
"Love is when you tell a guy you like his shirt, then he wears it everyday."
Noelle - age 7
"Love is like a little old woman and a little old man who are still friends even after they know each other so well."
Tommy - age 6
"During my piano recital, I was on a stage and I was scared. I looked at all the people watching me and saw my daddy waving and smiling. He was the only one doing that. I wasn’t scared anymore."
Cindy - age 8
"My mommy loves me more than anybody . You don’t see anyone else kissing me to sleep at night."
Clare - age 6
"Love is when Mommy gives Daddy the best piece of chicken."
Elaine-age 5
"Love is when Mommy sees Daddy smelly and sweaty and still says he is handsomer than Robert Redford."
Chris - age 7
"Love is when your puppy licks your face even after you left him alone all day."
Mary Ann - age 4
"I know my older sister loves me because she gives me all her old clothes and has to go out and buy new ones."
Lauren - age 4
"When you love somebody, your eyelashes go up and down and little stars come out of you."
Karen - age 7
(what an image)
"Love is when Mommy sees Daddy on the toilet and she doesn’t think it’s gross."
Mark - age 6
"You really shouldn’t say ‘I love you’ unless you mean it. But if you mean it, you should say it a lot. People forget."
Jessica - age 8
Monday, February 14, 2011
Brod
Kung busy kayo today at balak na i-postpone ang inyong Valentine's date sa ibang araw, keri lang 'yan. Mag-movie date na lang kayo ni mahal o ng mga friends mo sa February 16 dahil ipapalabas na ang pelikulang Brod. Tungkol ito sa dalawang otokong member ng isang fraternity na hindi napigilan ang tibok ng puso para sa isa't sa. PAK! Bongga 'di vaaahhh!?!
Approved ito ng MTRCB without cuts kaya todong mae-enjoy natin ang bawat eksena.
Approved ito ng MTRCB without cuts kaya todong mae-enjoy natin ang bawat eksena.
Brod stars Kenjie Garcia (Lihim ni Antonio) and Ardie Bascara (Sanctuaryo). Gora na kayo dito para manood:
- Robinson's Galleria
- Isetann Recto
- Remar Cinema Cubao
- Grand Metropolis Alabang
- Cebu City on February 23
Hinto sabay titig
Todong naloka watashi nang mapadaan ako sa tindahan ng Bench sa TriNoMa kanina. May bago pala silang campaign for their undergarments at bago rin ang kanilang model... si Borgy Manotoc.
JUICE KOH! Mapapahinto at mapapatitig ang kahit sino kung ito ang masa-sight mo...
JUICE KOH! Mapapahinto at mapapatitig ang kahit sino kung ito ang masa-sight mo...
Water-water ako kanina. Buti na lang at may suot akong pantyliner. CHING! Marami pa yan, eto oh...
ANG SARAP!!! WHOA!!!
Sunday, February 13, 2011
Para sa mga single "ladies"
Bukas na ang petsang pinakahinihintay ng mga utaw na in-a-relationship. Panigurado, tiba-tiba si Aling Victoria niyan at todo ang traffic sa may bandang Sta. Mesa.
At kung imbes na It Might Be You ang bet niyong marinig eh Single Ladies ni ateh Beyonce ang bonggang pinatugtog sa radyo, don't be sad. Wag niyo na ring balakin na gawing status message sa FB ang "wake me up when Valentine's day ends" dahil luma na 'yan.

Halina't pagsaluhan na lang natin ang hinanda kong masasarap na putahe. Maari niyo silang makapiling bukas. Libre naman ang mangarap eh. ☺
Thursday, February 10, 2011
Ikaw na
Hindi pa nga nakaka-recover ang mga Pinoy dahil sa tagumpay na tinamo ng Azkals laban sa Mongolia kagabi, eto't pinag-uusapan naman ang isa nilang member. Inaya lang naman ni Phil Younghusband (na gustong gawing husband ng 'sangkababaihan at 'sangkabaklaan) si Angel Locsin via Twitter na maging date sa Valentines day.
Tweet of Phil to Angel:
Reply ni Angel:
Ang swerti-swerti mo Angel!
Ikaw na 'teh... IKAW NA TALAGA! ☺
Ikaw na 'teh... IKAW NA TALAGA! ☺
Subscribe to:
Posts (Atom)