Saturday, October 29, 2011

Tradisyon

Sa tuwing sasapit ang undas noong dekada noventa, isa sa madalas naming abangan ng pamilya ko sa ang Magandang Gabi Bayan. Taun-taon kasi ay may undas special ang MGB at talagang nakapangingilabot ang bawat kwento. Palaging sa sementeryo ang setting ni Noli de Castro na nakadadagdag sa takot factor ng programa. Una, iinterviewhin nila ang mismong nakaranas ng kababalaghan at pagkatapos ay susundan ito ng bonggang reenactment. Diyan na magsisimula ang todong takutan naming magkakapatid. 

Nateggie agbayani sa ere ang MGB ng pasukin ni Kabayan ang pulitika. Pero dahil wala na siya sa politics at back on TV na siya, magre-resurrect ang isang tradisyon sa ating telebisyon. Watch niyo 'to...


Excited na ba kayo tulad ko?

Friday, October 28, 2011

Mikropono

Hindi kumpleto ang handaan ng mga Pinoy kapag walang videoke. Birthday, kasal, binyag o pista man eh laging present ang mikropono, TV at song book.

Kapag maagang natatapos ang klase noong college at may natira sa baon naming magkaka-klase, diretso kami agad sa bilyaran sa may Altura. May videoke kasi duon. Habang naglalaro ang boys ng bola at tako, nagkakantahan naman ang mga babae at binabae.

Isa sa paboritong awitin ng mga bektas ang Through The Fire ni lolah Chaka Khan. Kiber magasgas man ang lalamunan basta todong aabot lang ang mataas na nota. Falsetto kung falsetto. Ilang beses na rin itong ni-revive ng OPM artists tulad ni Jaya at Nina.
Si Bryan, si Delma at ang propesor namin
Madalas kantahin ito ng college friend ko na si Bryan. Matagal na namin siyang hindi nakakabonding dahil nadestino ang loka sa bundok. Bababa na daw siya sa Disyembre at nawa'y makajamming namin siya.

Through the fire
To the limit, to the wall
For a chance to be with you
I'd gladly risk it all

Through the fire
Through whatever, come what may
For a chance at loving you
I'd take it all the way

Right down to the wire
Even through the fire

Baklang-bakla ang lyrics oh! Ang daming tinamaan. ARAAAYYY!




Through The Fire is a single taken from Chaka Khan's fifth album I Feel For You released in 1984.

Thursday, October 27, 2011

Siya na!

Ang sarap pakinggan ng balitang si Erich Gonzales ang magiging on-screen partner ni Mario Maurer sa pelikulang ipo-produce ng Star Cinema na ipapalabas next year. As you all know mga 'teh, feborit ko si Erich since manalo siya sa Star Circle Quest season 2. Lahat naman tayo eh na inlababo sa taglay na kasarapan ni Mario sa mga pelikulang Love of Siam at Crazy Little Thing Called Love.

May mga iba diyan na nagtaas ng hindi lang isa kundi dalawang kilay kasama na ang bigote nila at kinukwestiyon ang pagkakapili kay Erich. Dapat daw ay si ganito o si ganyan ang pinili. Well well well (Madame Claudia Buenavista tone), wala na kayong magagawa pa. Tsaka give chance to others naman. Perfect si Erich dahil sinisimbolo niya ang tunay na ganda ng Pilipina. Kaya siya na talaga, SIYA NA!

Wednesday, October 26, 2011

Quota

Usap-usapan dito sa aming opisina ang nakawan at holdapan kahit saan. Sikat na naman ang mga taong may 'magna' degree. May quota yata ang mga hudas kapag dumarating ang kapaskuhan. Nakakasyokot!

Ilang beses na akong nakakita ng mga taong nabiktima ng snatcher. Swerte ako't hindi pa ako nabibiktima at wala akong balak magpabiktima. Wala rin naman silang mahihita sa akin. Baka maging abonado pa sila sa magegetching nila.

Para sa kaligtasan ng ating lahi ay gumawa ako ng ilang tips kung paano makakaiwas sa kapahamakan. Maaari itong makatulong sa inyo dahil ang iba sa mga ito ay tested at approved ko kaya tara at namnamin natin isa-isa:
  1. Huwag maglalakad sa madidilim na lugar. Kakampi nila ang kadiliman.
  2. Maglakad ng mabilis. Huwag isabuhay si Pong Pagong.
  3. Nuncang i-display ang bonggang gadgets. Bawal ang mayabang.
  4. Looks can be VERY deceiving. Ilagay sa tamang lugar ang kapokpokan. Baka ang inaakala mong booking ang gigripo sa'yo.
  5. Gumamit ng ATM sa araw. Go back to #1 and read the second sentence.
  6. Isukbit ng mabuti ang dalang bag. Target 'yan ng 'riding in tandem'.
  7. Sleeping Beauty inside PUV's is a BIG no no! Kapag nasight ka ng magnanakaw na shorlogs, tatabihan ka nila. Lalaslasin ang bulsa o bag na dala mo.
  8. Lahat ng bakat ay masarap. Sa pagkakataong ito ay 'di nota ang ibig kong sabihin. Ito ay ang wallet o ketay na nakabakat sa hapit mong suot. Natatakam diyan ang ipit gang (basahin mo ang karanasan ko dito at dito).
  9. Maging choosy sa sasakyang taxi. Sumakay lang sa trusted brands.
  10. I-lock ang apat na pintuan ng taxi. YES! Pati 'yung kay mamang driver eh pakialaman mo. Babayaran mo siya kaya dapat lang na secure ang byuti mo.
At ang panghuli, kung alam mong wala ka ng ligtas sa dalang armas ni satanas, todong ibigay mo na ang hinihingi niya at 'wag ng magpatumpik-tumpik pa. Mahal magpa-ospital kesa sa materyales na meron ka. Mas mahal ang kabaong at apartment sa sementeryo kapag na teggie agbayani ka.

I-report rin sa kapulisan ang nangyari. Kahit alam naman nating lahat na malaki ang posibilidad na hindi na maibalik pa ang gamit na nanakaw, mas mabuting ipagbigay alam sa kinauukulan ang nangyari. Huwag manahimik at piliing mapabilang sa unreported cases.

Kung kayo ay may karanasan sa iba't ibang krimen at may karagdagang tips kung paano makakaiwas dito, i-email niyo 'yan sa akin. Iisa-isahin ko ang inyong ipapadala at ipo-post sa darating na araw.

Ingat!

Cover Girls

Tuwang-tuwa ako sa galak dahil dalawa sa paborito kong mga aktres ang cover girls ng dalawang pangunahing magazine na lalabas sa susunod na buwan.

The Superstar Nora Aunor on her Preview debut. Ang lakas makayaman kapag Preview magazine ang pag-uusapan. Sosyalista ang arrive ni Ate Guy sa kanyang mamahaling suot. Pero mas bet ko cover niya sa Yes! magazine. Simple ang pose pero ang lakas ng impact na umabot hanggang opisina ng Philippine Medical Association

Erich Gonzales for Women's Health. Hindi na katorse si Nene. Bumubukadkad na ang kanyang ganda at kaseksihan. Like na like ko ang Pinay features niya lalo na ang kayumangging balat. Maloloka siguro ang mga boys kapag nag-FHM cover siya. 

Tuesday, October 25, 2011

Fashionissimo 2011 winners

Panalo ang tinaguriang runaway winner na si Nelson Banzuela sa Fashionissimo 2011. Hindi na-resist ng mga hurado ang kanyang chinito looks at pagkasarap-sarap na wankata. I bet ang daming nagwater sa audience dahil sa kanya.

Second placer si JB Espiritu na Pinoy na Pinoy ang dating samantalang at third placer naman ang exotic looking na si Hamid Hassan. Parang united nations lang ang dating ng set of winners this year. KONGRACHULEYSHONS!

*photo by Ojie Paloma

Saturday, October 22, 2011

Maskman

Kapag sumasapit ang weekends, hindi ko maiwasang hindi maging sentimental at alalahanin ang nakaraan. Para akong istasyon ng radyo na oldies ang pinatutugtog. Feeling ko tuloy ang thunders ko na sa edad na veintiséis.


Isa sa pinaka-memorable na moment sa aking pagkabubot eh ang panonood ng Japanese series sa IBC 13. Mask Rider Black, Shaider, Bioman, Ultraman etc. Mga panahon kung saan kebs sa istorya ang mga bagets at ang inaabangan eh ang fighting scenes ng mga bida at kalaban.

Maskman ang todong sinubaybayan ko sa lahat. Sariwa pa sa aking alaala ang panonood namin nito ng ate ko. Favorite character ko Mary Rose o Pink Mask. Bukod sa pagiging longherada eh may palda kasi ang kanyang costume at mahabang laso ang powers niya. Gerl na gerl de vaaahhh!? Nagpabili pa nga ako ng laruan niya sa nanay ko habang namamalangke kami. Itinuro ko kay mudrakels ang fink plastic toy na nakasabit sa kanto ng Abra street, Muñoz malapit sa sakayan ng jeep. Siyempre may pilitan at paawa effect para bilhin.

Isa sa hindi ko makakalimutang episode nito eh 'yung lamunin ng lupa at nakulong sa bloke ng yelo ang jowawit ni Michael Joe (Red Mask). Witit kong matandaan ang namesung pero sa istorya eh kakambal niya ang kontrabidang si Prinsesa Igamu. Lagi kong inaabangan ang paglitas ng Maskman sa kanya na hindi ko naman napanood. Pa ul-ul kasi ang episodes nito at hindi yata naipalabas ang ending.

Ang isa sa mga kontrabidang hindi pwedeng mawala sa bawat labas eh si Okerampa. Siya ang nagpapalakas sa halimaw kapag ito'y nanghihina na. Agad naman itong susundan ng eksena kung saan magsasanib ang mga sasakyan ng Maskman para maging isang malaking robot.

Gusto ko ulit mapanood ang seryeng ito. Hahanap muna ako ng kumpletong kopya para 'di bitin.

Friday, October 21, 2011

Id'nal

Magkakaroon ng special screening ang gay indie flick na Id'nal (Mapusok) na gaganapin sa UP Film Institute sa darating na 11-11-11. Bongga ang title ng pelikula at may subtitle pa. Ano bang dialect ang salitang id'nal mga 'teh?

Well unwell wishing well, 'di lang diyan natatapos ang pagiging mapusok nito dahil more more more publicity photos ang available to view sa Facebook account ng pelikula. Paniguradong maliligayahan ang bawat himaymay niyo sa patikim nila.

Siya ang pinakamasarap para sa 'kin...

Thursday, October 20, 2011

Sundalo

Nakakalungkot ang sinapit ng mga sundalong namatay sa Basilan.

Kagagawan daw ito ng MILF.

'Di ba't may ceasefire sila ng gobyerno.

Iimbestigahan daw ng militar ang nangyari.

Aalamin kung saan nagkamali at kung mayroong pagkukulang.

Kahit naman gawin nila 'yun, hindi na mababawi ang buhay na nawala.

Bakit kailangan pang humantong sa ganito?

Bakit kailangang magpatayan ang mga Pilipino?


Basahin ang kabuuang ulat dito.

Move on

Chris Brown & Rihanna
Hindi maitatangging si Rihanna ang isa sa pinaka malaking bituin sa industriya ng musika. Lahat ng kanyang kanta ay patok sa alta at masa. Versatile ang lola natin mapa-dance o slow music man 'yan. Kontrobersyal naman ang naging relasyon nila ni Chris Brown na humantong sa todong demandahan dahil shinombag siya nitech. Simula noon eh para siyang napariwara. Laging mapangahas ang kanyang dating sa mga music video at ang liriko ng iba niyang kanta eh tumatalakay sa dahas at sex. 

We Found Love ang titulo ng kanyang latest single mula sa Talk The Talk album na lalabas sa Nobyembre. Hindi maaaring 'di ka umindak sa saliw ng tunog nito. Sa tuwing naririnig ko nga, gusto ko ikampay ang balakur ko from left to right. Aaawww!

Mainit-init pa ang kalalabas lang na bonggang music video nito. At isa lang ang napansin ko matapos kong panoorin ito...

...'di pa siya nakaka move on kay ex-jowa.

Wednesday, October 19, 2011

Scorpio Night

Ang moderator ng Pinoy Hunkys ay iniimbitahan ang 'sangkabaklaan na dumalo sa isang natatanging gabi na puno ng kaseksihan at istilo...


Kaya kung libre naman kayo sa araw na 'yan, go and savor the event!

Tuesday, October 18, 2011

Fashionissimo 2011

Peak season talaga ng mga contests ngayon. Sunud-sunod ang national at international pageants para sa mga ohms at mujer. Siyempre, mas interesante ang sa ohms noh. Alam niyo 'yan mga 'teh! 

Ang ating shupatemba na si Melito Cage ay muling nagpadala ng kanyang mga exclusive 'peeks' sa nakaraang pre-pageant ng Fashionissimo 2011. Check it out...

As usual, as ever eh mga hi-res ang mga larawan na 'yan. Click niyo lang para sa microscopic view. 

Ang grand finale ay magaganap on October 23, 2011 sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard. Ang yaman sa pandinig ng venue. Parang kelangan ko pang manghiram ng susuotin kay Queen Elizabeth. CHOS!

Search Fashionissimo on Facebook for ticket details and more information.

Monday, October 17, 2011

Masusi

Since last year eh naging follower na ako ng Miss Venezuela pageant. Amazed na amazed ako sa masusing pagpili ng mga kandidatang sumasali dito. Lahat ay magaganda at walang itulak kabigin. Todong preparasyon naman kasi ang kanilang pinagdadaanan maisuot lang ang isa sa pinaka mabigat na korona sa mundo. Kasama diyan ang speech workshop, tamang pagrampa at libreng surgical enhancement. Depende 'yan kung bet ng kandidata. Walang pilitan 'ika nga ng pageant director na si Osmel Sousa.

Miss Venezuela 2011 winners
Kahapon, October 16 (Manila), ay napili na ang mga reyna na magrerepresentante sa kanilang bansa para sa susunod na taon. Ganyan sila kaagang pumili dahil mahaba ang extensive training na pagdadaanan ng mga winners. 'Di kataka-takang laging pasok ang kanilang bansa sa top 15, top 10 at top 5. Sinong 'di nakakaalam ng kanilang bonggang back-to-back win sa Miss Universe? Sila lang ang meron 'nun sa kasaysayan ng nasabing patimpalak.

Congrats sa mga nagwagi at kaabang-abang ang byuti niyo for 2012.

Saturday, October 15, 2011

Prince Charming

For the past few days eh laman ng fantasy land ko si Gianni Sennesael. Siya si Prince Charming at ako naman si Cinderella. OHA! Walang kokontra or else, kayo'y magiging frog. CHAR!

Sa kakatitig sa kanya, hindi ko namalayan na bumaha na dito sa aking pwesto. Kailangan ko nang magpalit ng pasador. At gusto ko rin ma-experience niyo ang sarap na ninanamnam ko kaya naman ibabahagi ko sa inyo ang mga larawan na ginetching ko sa FB niya...


At eto naman ang piktyuraka namin ng salubungin ko siya sa eerrrfort...

Maniwala kayo mga 'teh, AKO TALAGA YAN! Pruweba ang korona at kulot-kulutan kong hair. Nagpa-blandina lang akiz.

Panis si Anne Cortiz sa pagiging ambisyosa kiz :D

Thursday, October 13, 2011

Patok

Jon Avila and Vice Ganda
Feel na feel ko ang bagong kanta ni Vice Ganda na May Puso Rin Kami. Version niya ng hit song na Nagmahal Ako (ng bakla) ng grupong Dagtang Lason. Tagos hanggang cellulites ang mga linya at lahat yata ng beki eh makaka-relate. Nakakatawa pero ang lakas ng tama. Marinig ko sana 'to sa lahat ng patok na dumadaan sa Aurora Blvd.

♫♪ Wala namang masama kung gastusan namin ang jowa
Ganun naman ang pag-ibig handang magparaya
Pero sana naman wag lang laging pera pera
Masuklian din sana ng tamang pakikisama

May mga lalaking ang kapal ng mukha
Nang maibili ng cellphone naglaho na lang bigla
Di ko naman alam may lahi pa lang snatcher
Ayun ang bakla! Umiiyak at nagpablotter

Mga bakla man kami at mga dating lalaki
Hindi naman kami manloloko at handang magmahal sayo
May puso din naman kami at marunong ding umibig
Sana naman ang tinig namin ay marinig nyo rin ♪♫

Pakinggan niyo ang buong kanta dito.




May Puso Rin Kami is taken from Vice Ganda's debut album Lakas Tama under Vicor Music.

Wednesday, October 12, 2011

Winners of Manhunt International 2011

Hanggang batok ang lapad ng ngiti ko sa pagkakapanalo ni Gianni Sennesael ng Belgium bilang second runner-up sa nakaraang Manhunt International 2011. Feeling gelfren ako sa todong saya na aking nararamdaman dito sa puso ko. Is this love I'm feeling right now? CHAREEENG! 

Si Chen Jian Feng ng China ang tinanghal na grand winner ng patimpalak na sinundan ni Nelson Sterling ng Dominican Republic. Third runner-up si Mr. Vietnam at fourth runner-up naman si Mr. Slovak Republic.

Sad to say eh luz valdez ang iba kong betchikels na sina Mr. Brazil at Mr. Costa Rica. Pumasok naman bilang semifinalist naman ang pambato nating mga Pinoy na si Ron Marvin. Not bad de vaaahhh?! 

Watch niyo ang masasarap na eksena ng kumpetisyon:

Tuesday, October 11, 2011

Prusisyon

Last Sunday binitbit ako kay Ateh Paul sa prusisyon ng La Naval sa Sto. Domingo church. Medyo matagal na panahon na ang nakalilipas mula ng huli akong mag-prusisyon kaya jumoin ako. Jumujulanis morissette pa nga that day pero keri lang. Ang 'di ko kinaya eh ang mabagal na usad ng trapiko sa Quezon Avenue. Binubungkal kasi ang daan para sa gagawing four-lane underpass. Infernezz eh nakarating naman ako on time.

Nalula ako sa ganda ng rebulto ng mga santo na ipu-prusisyon. Ayon sa relihiyosang kaibigan ko, mga Dominican Saints ang mga nasight ko. Sa kanya ko lang nalaman na may kategorya pa pala ang mga ito.

Extra bonggacious ang pagkakaayos ng mga karosa. Punong-puno ng bulaklak at umaalingasaw ang bango kapag nadaraanan ko. Iba't ibang laki ng ilaw ang ginamit at todo sa bongga ang mga damit na ibinihis.

Isa-isang pinakilala ang mga santong prinusisyon. Ang iba ay nabuhay noong 1200's to 1300's. Ilan sa mga ito, bago maging santo at daang taon muna ang lumipas. Ang dami kong natutunan habang mega-explain ang emcee.

Nagmasid-masid ang byuti ko habang nasa loob ng simbahan. More more people inside. Nakakatuwa dahil madami pa rin talaga sa mga Pinoy ang matatag ang pananalig sa relihiyon na ipinamana ng mga Kastila. Nagkalat din ang mga shupatemba natin. Sabi ni Ateh Paul, karamihan sa mga 'yon ang nagdisenyo at nag-ayos ng mga karosang gagamitin.

Huli sa linya ang imahe ng Our Lady of the Holy Rosary La Naval de Manila. Palakpakan sa loob ng simbahan. Habang inilalabas ang karosa, nagtaas ng mga panyo ang mga tao at kumaway sa kanya. Tuluyan humupa ang ulan sa labas.

Maikli lang ang inikot ng prusisyon pero dahil sa dami ng tao, nagtagal din ito ng halos isang oras. Lahat ay masaya kabilang na ako. Kapag may oras muli, hindi ko palalagpasin ang ganitong selebrasyon.

Pangatlo

Due to insistent public demand ay magkakaroon ng part 3 ang The Love Yourself Photoshoot. Perfekta itey para sa mga naka-miss ng part 1 at 2. Magpunta lang sa #88 Panay Avenue, Quezon City, payola ng one kiaw, pagagandahin sabay bibihisan ka at BWALAH! Ready for pictorial na.

Ito ay gaganapin sa ika-16 ng Oktubre, mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-nuebe ng gabi. Para makapili ng oras na swak sa iyong schedule, pindutin lang dito.

Friday, October 7, 2011

Manhunt International 2011

Muli na namang hinahagilap ang pinakamasarap na lalaki sa buong mundo para tanghaling Manhunt International 2011. Ang paghahanap ay magaganap sa ika-10 ng Oktubre sa Seoul, South Korea

Magsasama-sama at magtatagisan ang masasarap na ohms sa araw na iyon. Kung yaman-yamanan lang watashi eh flylaloo agad ako sa bansang yan. 


Nabilaukan naman ako sa kanila...

Gianni Sennesael
Lucas Malvacini
Alvaro Peraza Artavia
Kung total disaster ang Philippine candidate last year eh bonggang nakabawi tayo ngayon. Have a look ma mon luk...

Ron Marvin
Oh de vaaahhh! Batak na batak at todong nagmumura ang maskels ni koya. Ang hard hard siguro niya. Hihihi...

Dance

Stay Alive ang pamagat ng bagong album ni Nina na ire-release ng Universal Records. Todong excitement ang nararamdaman ko bilang fan na fan niya akez. Alive na alive ang arrive ng kanyang first single na tunog imported. Mala-Madonna slash Rihanna ang hampas kaya siguradong mapapaindak tayo.

Here's the sample clip of her newest single Dance:

Thursday, October 6, 2011

Hollywood

Tulad ng ibang bekling, pinantasya at patuloy na pinapantasya ko ang ilang Hollywood stars. Sino ba naman kasi ang makakaresist sa mga mata nilang makukulay? Sa mga braso nilang parang hamonado sa laki? At sa kanilang malalaking... malalaking... pangangatawan.

Ryan Phillippe
Never ko yatang pagsasawaan kahit pa ul-ul kong panonoorin ang Cruel Intentions at Studio 54. Grabe naman kasi ang nakakahalina niyang ngiti na sinabayan pa ng nag-uumapaw na kaseksihan. Hindi rin siya nagmaramot sa ating lahi dahil pinakita niya sa mga pelikulang nabanggit ang kanyang yum yum na tapur.

Josh Hartnett
Nene pa lang ako eh mahal ko na siya. Nagpabili pa ako sa mudrakels ko ng VCD ng Black Hawk Down dahil sa kanya. Witchells ko naman naintindihan ang pelikulang 'yon. Puro barilan at putukan. Kung ibang putukan sana, baka naappreciate ko pa. CHOS! 

Chris Evans
Kung napanood niyo ang Captain America, siguradong alam niyo na kung bakit siya ang latest fantasy ko. Kung bakit naman kasi ang lakas ng dating niya. Mala-Pedring sa lakas na pati puso(n) ko eh natangay.