Kapag sumasapit ang
Semana Santa noon, madalas mapanood sa TV ang classic movies nina
Hilda Koronel, Bembol Roco, Vilma Santos at
Nora Aunor. Kapag switch channel mo naman sa
IBC 13, maa-aliw ka naman sa patalastas ng
Silhouette 40, ang sabon na kayang tumunaw ng taba sa isang liguan lang.
Wa-i na 'yan ngayon. Mga pelikula na lang nina
Claudine Barreto, Aga Muhlach, Regine Velasquez at
Marian Rivera ang pinapalabas na ewan ko kung may relevance sa Holy Week.
Dahil na-miss ko good old films ng Philippine Cinema, nanood na lang ako nito sa DVD. Una diyan ang
Tag-ulan sa Tag-araw nina
Vilma Santos at
Christopher De Leon.
"Yan kasing kamay mo na 'yan, magmula ng mahawakan ko,
para akong naging gulaman, na kahit anong ihugis mo pwede!"
Pinalabas ito noong
1976 kung saan young looking pa ang dalawang bida. Ginampanan nila ang magpinsan na nagka-inlaban. Kahit sensitibo ang paksa, maayos na naitawid ng pelikula ang istorya. Nainis ako sa kakatihan ni
Nanette (Ate Vi). Stalker ang drama at sinusundan si
Rod (Boyet) sa canteen man o loob ng bus. Todong umiiwas na nga si lalake, panay pa rin ang kiri niya. Ayan, nabuntis tuloy at najombag ni tatay. 'Yan ang napapala ng malalandi. Afftected much watashi! Ang galing kasi nilang mag-portray.
Next naman diyan ang
Tinik sa Dibdib ni
Ate Guy at
Ipe.
"Tao ang kausap ninyo hindi hayop!"
Aktwali, last year ko pa napanood 'to. Alam niyong lahat na paborito ko ang
Bona kaya naman natuwa ako na balik-tambalan sila sa pelikulang ito.
Magulo ang pamilya ni
Lorna (Ate Guy) na isang manikyurista. Babaero ang kanyang tatay at martir naman si nanay. Naging parokyano niya si
Lando (Ipe) na na-love at first sight sa kanyang byuti. Sinong babae ang hindi mahahalina sa matatamis na salita at pangako ng isang matikas na bigotilyo. Wit na nagpakipot si babae at nagpakasal na kay lalake. Tumira sila sa bahay nito kasama ang madrastang si
Tricia (Pilar Pilapil) na palaging naka-tapis at bonggang seksi outfit. Nunca siyang nagustuhan nito dahil bago pa siya tumira doon ay may nangyayari na palang kababalagahan sa dalawa. Saksi dito ang lukresiang si
Moret (Dina Bonnevie).
Sa dalawang pelikulang 'yan, parehong si
Eddie Garcia ang gumanap na kanilang tatay. Ramdam ko ang bigat ng pananakit niya kay Nanette ng malaman nitong buntis ang kanyang anak samantalang nakakagalit ang mga pananalita niya laban kay Lorna at sa nanay nito.
Hindi man nagkatuluyan sa totoong buhay, effective na screen partners sina Vilma & Boyet at Guy & Ipe. May chemistry kumbaga. Buti na lang at may mga kopya pa ang magagandang pelikula noon na maaari ko pang mapanood. Sana lang eh may mahagilap pa akong kopya ng
Paru-Parong Itim,
Nakaw na Pag-ibig at
Rubia Servios dahil bet ko 'yan isunod review-hin.