Last year ng umalingawngaw ang isyung magtatayo ng mas malaking carpark ang SM Baguio ngunit ang kapalit ay ang pagtapyas ng mga Pine trees kung saan nakilala ang Summer Capital ng Pinas. Agad umani ng protesta mula sa mga environmentalists ang planong ito.
Ilang buwan ang lumipas, inakala ng ilan na hindi na magaganap ang 'krimen' na gagawin sa mga puno. Hindi pala. Tuloy pa rin ang mall expansion at ang gagawin sa mga puno... earth-balling. So ano bang ibig sabihin niyan? Tatanggalin ang puno sa lupang tinubuan nito kasama ang mga ugat at itatanim sa ibang lupa. Hindi pa nga lang sure kung tutubo ito bilang 'mamamahay' ito sa bagong 'tirahan'.
Hindi ba't parating apektado ang Baguio kapag may bagyo? Prone ang bayang ito sa landslide. Oh eh ano ba ang sanhi ng landslide? 'Di bat malambot na lupa. Bakit lumalambot ang lupa? Sapagkat walang mga punong nagpapatibay dito. Eh bakit puputulin pa nila ang mga puno? Para sa mas bonggang mall. HUWAW!
Katulad nating mga utaw, may buhay din ang mga puno. Elementarya pa lang tayo ng ituro ng Science teacher natin na isa ito sa todong nagbibigay buhay sa atin. Mula hangin na ating nilalanghap hanggang sa pagkaing ating nilalantakan. Kung tutuusin, lubus-lubos ang pakinabang natin sa mga puno. Ito pa ba ang igaganti natin?
kawawa naman si Henry Sy at ang kanyang pamilya pag nagkataon at hindi natuloy ung pag-massacre sa mga puno! Hindi na madadag-dagan ung $5 Billion networth nila! TSE!!!
ReplyDeleteay madam melanie bigla ko tuloy naalala ung pinamemorize sa amin nung titser ko ung grade 3
ReplyDeleteI think that I shall never see
A poem lovely as a tree ...
...Poems were made by fools like me
But only God can make a tree.
Carparks were made by fools like Henry Sy
But only God can make a tree
Buti pa ang BLOG SITE na ito...may Sense of environmental Awareness...More Power TODO SA BONGGA.
ReplyDeleteBaguio is so ugly now. Overcrowded, polluted, too many cars and squatters. Sayang talaga.
ReplyDelete-Teh Anonymous April 19, 2012 12:00 AM, kung kasing yaman ko sila, hindi ko na pakikialamanan ang mga nananahimik na puno.
ReplyDelete-Teh Anonymous April 19, 2012 12:08 AM, todong naaliw ako sa poem mo lalo na 'yung modified version :D
-Teh Anonymous April 19, 2012 4:52 AM, Maraming Salamat!
-Teh Anonymous April 19, 2012 9:19 AM, nakakalungkot naman 'yan. Sana na-preserve nila ang dating ganda ng Baguio.
The local goverment in Baguio is also partly to blame. They allowed the said lot to be bought by SM and they should know the implications of that, na pwede gawin ng SM ang kahit ano sa area na yon dahil sila na ang may-ari nyan.n
ReplyDeleteAnd why are the people focusing only on SM??? Last time I visited Baguio, yung buong bundok nila tinadtad nila ng bahay. Yung dating bundok ng mga pine trees kinalbo nila para may lugar na pagtayuan ng residential houses dahil hindi ma-control ang expansion ng population ...ang dami ba naman kasing lumilipat sa Baguio. Meron bang nag-poprotesta tungkol jan??? WALA!!
Hi Dean, Yes your right naman but us I know. . . hindi ako pupunta ng Baguio para ma ka kita nga SM pumumta ako dun para sa pinag mamalaki nila na Pine trees at malamig na lugar. . dito palang sa Metro Manila Nag lalakihan at nag gagandahan mga Mall diba. bakit pa ako pupunta ng Baguio . . . kaya di narin ako mag tataka someday na Bahamas narin at Platchina narin ang Baguio...
ReplyDelete- at regarding naman sa bakit SM lang ang sinisita bakit yung iba hindi? well ito lag ang sakin yun na nga eh Padagdag pa ang SM na sana ma kakaintindirin sya..diba ang yaman yaman na nga nya parang takot mabawasan kayamanan buti sana pag namatay sya eh dadalhin nya hangang libingan nya.....