Saturday, April 7, 2012

Chemistry

Kapag sumasapit ang Semana Santa noon, madalas mapanood sa TV ang classic movies nina Hilda Koronel, Bembol Roco, Vilma Santos at Nora Aunor. Kapag switch channel mo naman sa IBC 13, maa-aliw ka naman sa patalastas ng Silhouette 40, ang sabon na kayang tumunaw ng taba sa isang liguan lang.

Wa-i na 'yan ngayon. Mga pelikula na lang nina Claudine Barreto, Aga Muhlach, Regine Velasquez at Marian Rivera ang pinapalabas na ewan ko kung may relevance sa Holy Week.

Dahil na-miss ko good old films ng Philippine Cinema, nanood na lang ako nito sa DVD. Una diyan ang Tag-ulan sa Tag-araw nina Vilma Santos at Christopher De Leon.

"Yan kasing kamay mo na 'yan, magmula ng mahawakan ko, 
para akong naging gulaman, na kahit anong ihugis mo pwede!"

Pinalabas ito noong 1976 kung saan young looking pa ang dalawang bida. Ginampanan nila ang magpinsan na nagka-inlaban. Kahit sensitibo ang paksa, maayos na naitawid ng pelikula ang istorya. Nainis ako sa kakatihan ni Nanette (Ate Vi). Stalker ang drama at sinusundan si Rod (Boyet) sa canteen man o loob ng bus. Todong umiiwas na nga si lalake, panay pa rin ang kiri niya. Ayan, nabuntis tuloy at najombag ni tatay. 'Yan ang napapala ng malalandi. Afftected much watashi! Ang galing kasi nilang mag-portray.

Next naman diyan ang Tinik sa Dibdib ni Ate Guy at Ipe.

"Tao ang kausap ninyo hindi hayop!"

Aktwali, last year ko pa napanood 'to. Alam niyong lahat na paborito ko ang Bona kaya naman natuwa ako na balik-tambalan sila sa pelikulang ito.

Magulo ang pamilya ni Lorna (Ate Guy) na isang manikyurista. Babaero ang kanyang tatay at martir naman si nanay. Naging parokyano niya si Lando (Ipe) na na-love at first sight sa kanyang byuti. Sinong babae ang hindi mahahalina sa matatamis na salita at pangako ng isang matikas na bigotilyo. Wit na nagpakipot si babae at nagpakasal na kay lalake. Tumira sila sa bahay nito kasama ang madrastang si Tricia (Pilar Pilapil) na palaging naka-tapis at bonggang seksi outfit. Nunca siyang nagustuhan nito dahil bago pa siya tumira doon ay may nangyayari na palang kababalagahan sa dalawa. Saksi dito ang lukresiang si Moret (Dina Bonnevie).

Sa dalawang pelikulang 'yan, parehong si Eddie Garcia ang gumanap na kanilang tatay. Ramdam ko ang bigat ng pananakit niya kay Nanette ng malaman nitong buntis ang kanyang anak samantalang nakakagalit ang mga pananalita niya laban kay Lorna at sa nanay nito.

Hindi man nagkatuluyan sa totoong buhay, effective na screen partners sina Vilma & Boyet at Guy & Ipe. May chemistry kumbaga. Buti na lang at may mga kopya pa ang magagandang pelikula noon na maaari ko pang mapanood. Sana lang eh may mahagilap pa akong kopya ng Paru-Parong Itim, Nakaw na Pag-ibig at Rubia Servios dahil bet ko 'yan isunod review-hin.

6 comments:

  1. Ms. M, sa Video48 shop maraming Classic Pinoy Movies doon just... look for Simon. Napanood mo na ba " Bakit May Pag-ibig Pa". isa itong Ismael Bernal Film. Ang gusto sa pelikulang ito intelektuwal ang mga dialogue walang KIMING special effect...panalo ito.

    -Mareng Lee.

    ReplyDelete
  2. ay nakoh teh, ako ay may dalawang puso dahil lab na lab ko pareho sina ate guy at ate vi. tigilan na ang awayan ng mga gagang fans nila dahil hindi kumpleto ang showbiz kung wala sila. kung para sa akin, mas mahusay nang konti si ate guy sa aktingan, si ate vi naman ay mas nakakaangat sa pagiging professional at kagandahan ng buhay ngayon. gusto ko silang dalawa. panay din ang watch ko ng mga old movies nila dahil tlg namang iba ang movies noon compared sa ngayon.

    maraming mga noranians at vilmanians na pwedeng magbigay sa yo ng kopya ng mga movies na request mo.

    ReplyDelete
  3. san po ung video 48?

    ReplyDelete
  4. atcheng melani ung suki natin sa quiapo si ligaya bukas na ulit ang dami uling classic pinoy movies..

    ReplyDelete
  5. Ms. M, Pwede ka ring mag-request ng copy ng mga rare pinoy classic movie sa Mr. JoJo De Vera bistahin mo lang ang kanyang blog " Sari-saring Sineng Pinoy" blogspot.

    -Mareng Lee.

    ReplyDelete
  6. -Mareng Lee, ngayon ko lang nalaman 'yang Bakit May Pag-ibig Pa. Kapag may oras, sasadyain ko ang Video48 sa may West Ave.

    -Teh Anonymous Apr 7, 2012 08:19 AM, TAMA! Hindi makinang ang mundo ng showbiz kung wala sila at ang mga intriga sa pagitan nila.

    -Anonymous Apr 7, 2012 08:18 PM, just visit video48.blogspot.com

    -Teh maygan2000, pumunta ako kahapon pero wala na silang classic films ni La Aunor. Puro indie at porniks ang tinda nila :(

    ReplyDelete