Tuesday, April 30, 2013

Tinuturo

Bago matapos ang pangalawang buwan ng mala-impyernong tag-init, dagdagan natin ang init sa pamamagitan ni...

Jesse Cortes
'Di ko kinaya ang hotness niya. Kung ganyan naman palagi ang makikita ko, hindi ko na hihilingin pa na magbago ang panahon. Palagi na lang summer de vaaahhh?!

Ay! Teka lang...

Napansin niyo ba...

Parang... hhhmmm... may tinuturo siya...

Sino kaya?

Ako kaya?

Saturday, April 27, 2013

Kumpol

Tuesday, April 2, 2013
12:58 AM

Hi again Bb. Melanie!

Nakita ko sa blog mo yung kumpol ng mga old magazines and I am dying to know if meron ka bang mga Carlos Morales, Jay Manalo, Allen Dizon, Carlo Maceda or Emilio Garcia sa mga yun. Paki post mo naman please? Nagsusulat din ako nung experience ko sa isang guy and hopefully, maipublish mo rin sa iyong blog. Salamat!

Gusto ring magmasarap,
Dianne

***

Haller Ate Dianne!

Anong petsa na ang pagtupad ko sa bonggang request mo. Sensya na at hindi ako kaagad nakapaglaan ng oras at panahon dahil nilalamon ako ng trabaho ko. Kung kay Ate Vicki mo siguro ni-request ito, matagal nang naisakatuparan. CHAROT! Ihanda mo na ang iyong sarili sa makikita mo. Maigi kung uupo ka sa tabo para hindi bumaha ng pukyutan sa sahig. Ready? 1... 2... 3...

Thursday, April 25, 2013

First Love

Akala ko naka-move on na ako...

Kevin Zaldarriaga in St. Vincent's Private Hospital website
...pero dahil dito, mukhang nagbabalik ang fag-ibig kong totoo. Ang original pantasya ko nung nagsisimula pa lang akez mag-vlagey. First love never dies talaga. He will always be my baby, and though love takes time, I know what he wants... we belong together.

Mahal ko na yata siya uli ♥ ♥ ♥

Wednesday, April 24, 2013

Tweyni8

Dahil kaka-tweyni8 ko lang kahapon, mag-throwback birthday tayo. Eto ako nung musmos pa at walang kahalayan sa katawan...


Para lang hangin na dumaan ang birthday ko. Paano ba naman, nakakahiyang jumobsent sa trabaho dahil chakaness ang stats ng team namin kaya pinili ko na lang na pumasok. Pagpatak ng alas-dose, my wavemates greeted me habang nakikipag-usap ako sa Kano. Pagkatapos kumayod ng ocho oras, gumora kami ng ilan sa mga kasamahan ko sa Banapple, Market! Market! para lumaps.

Eugene, Elle, Bb. Melanie, Angel, Moco and Kane
Ang sasaya nila de vaaahhh?! Kami lang ni Kane ang reserve ngumiti. Peg kasi namin si Victoria Beckham. CHAROT! Wala masyadong picture dahil nalowbatt ang ketay ko. Wala ring ohms dahil derecho uwi ako at bumorlogs. Pag-gising, pumasok agad. In short, dry ang hardin at walang dumilig. AMP!

Sunday, April 21, 2013

Detalye

Sa Piling ng mga Belyas (2003)
Violett Films Production
Written and Directed by Jose N. Carreon, DGPI
Starring Mark Gil, Mark Anthony Fernandez, Emilio Garcia, Brando Legaspi, Richard Quan, Pinky Amador and Gary Estrada

Si Tata (Mark Gil) ay manager ng Ark Dancing Hall, cabaret sa isang baryo at pamangkin niya ang reporter na si Marty (Mark Anthony Fernandez). Todo kwento siya sa dito ng magaganda at chakang karanasan ng kanyang mga alagang belyas.

Si Nanay Nati (Pinky Amador) ang tagabitbit ng mga sariwang belyas mula probinsya. Siya din ang tumatayong mayora tuwing gabi. Anak niya si Iris na pangarap maging belyas. Ayaw niya mangyari iyon kaya sa tuwing nahuhuli niya itong nag-aayos belyas, high-blood ang lola niyo.

"Sasabay ako sa'yo pero sagutin mo muna ang tanong ko.
Para sa iyo, ano ang babae?"
Lima ang official belyas ng cabaret, sina Jenny, Pilar, Nina, Linda at Sonia. Bawat isa ay may makulay at masalimuot na buhay. May hindi magkaanak, binubugbog ng kinakasama, niloko ng jowa-jowaan, at tineggie ang shupatid. Pinakamarkado si Nina played by Julia Lopez.

Parang magda-dalawang oras ang tinakbo ng pelikula. Ang daming tinalakay at halos kinumpleto ang detalye. Walang pinalagpas sa buhay ng mga belyas. Bongga din sa dami ng cast. Mga batikan at umaarte. May budget ang produ! Fail nga lang sa mga belyas dahil isa lang sa kanila ang kahit papaano eh marunong umarti at si Sofia Valdez 'yon.

Rating: 2/5 stars

Saturday, April 20, 2013

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Dalawampu't lima silang nangangarap na makakuha ng isang upuan sa 'sandosenang pwesto. Sino kaya ang mauuna sa karera? Sino ang makakahabol at sasabit sa dulo? May bago kayang uupo? Meron na kayang magpapaalam sa senado?

Kulang isang buwan at halalan na. Eksakto isang linggo bago dumating 'yan, ilalabas ko na ang bonggang resulta ng ating sarbey. Sinimulan natin noong Disyembre at natapos ngayon buwan. Ngunit bago 'yan, aalingawngaw muna ang aking boses sa ating kaharian upang maiparating sa iba nating shupatemba na makisawsaw bago natin opisyal na isara ang sarbey. Hanggang April 30 pa 'to kaya sali na! Click niyo lang ang mga link sa baba...

Thursday, April 18, 2013

Specialty

Ang programang ito ay Rated SPG. Maaaring may tama sa utak ang lumikha. Istriktong patnubay at pag-unawa ng mambabasa ang kailangan.

Lifestyle Asia April 2013 issue
Hello Papa! So you're my soon-to-be father in-law. Finally you met the gorgeous girfriend of your son. Are you happy to see me, aren't you? Well, anyways I prepared some food for our first meeting. I want to give you an everlasting impression so I cooked. I'm not that good but at least I put an effort de vaaahhh?! 

Alright, my specialty includes Red Egg with Tomatoes and Basil, Corned Beef from London. Yes, the one that you open at the bottom using a key. Then for our soup, I prepared Sotanghon with 555 Spanish Sardines seasoned with Parsley. To refresh us, I timpla cold Black Gulaman. Of course, it's not a complete course without a dessert so I made the best ever Sabanana. You aren't familiar of that? Oh! It's the minatamis na saging in Filipino.

Baby, bring papa to the dining area...

Mike Concepcion
Why so serious baby? If you're worrying that your father will not like me, that's never gonna happen. No father will not want to not have a beautiful daughter in-law like me. C'mon smile and let's eat. But before that, kiss me on the leps first. Mwah! 

Wednesday, April 17, 2013

Awra

Extra-hot, extra-juicy, extra-sarap ang summer this 2013. Gusto ko man pumunta sa beach para todong rumampa eh witchels kong magawa dahil subsob akez sa pakikipagsapsapan sa mga kano. Saka na siguro kapag nagka-leave credits na. Kaya imbes na personal kong masilayan ang mga naggagandahang katawan sa buhanginan, tiis muna akez sa mga bonggang larawan. Buti na lang at meron bagong kuha si Lon Liwen. This time eh 'sandamakmak na Noypi men ang featurette niya...

Left: JM Manalang, Peter Dy and King Alcarion
Right: Kelvin Mañgilit, Rommelle Bungay and Marvin Masigan De Alban
Mas naappreciate ko 'yung plain swimwear hihihi...
Wala talagang papantay sa lasa ng native na manok. Maputi, moreno, mestizo o puro, basta may lahing Pinoy... MASARAP! Lalo na kung kakapraso lang ang suot. JUICE KOH! Alam kong tag-tuyot ngunit dahil kay JM, parang bagong dilig ang hardin ko. Mahal ko na siya!

Female Model: Zandra Sta. Maria
Hair and Grooming: Yami Parungao
Make-up: Anton Patdu
Swimwear: Armando Fabia
ABA! Anong ginagawa mo diyan ateng? Masyado ka naman yatang sinuswerte at sinosolo mo sila. Kung alam lang namin na gaganyan ka, hindi kami papayag! Ikaw lang ang may awra? Ganon?! Ibigay mo na lang sa akin si JM, pleeease.

Marami pa 'yan. Go lang kayo dito at i-like nang bongga ang page...

Lonliwen Photography
Lonliwen Visual Art

Tuesday, April 16, 2013

Binibining Pilipinas 2013 winners

Binibining Pilipinas 2013 winners
PERFEKTA ang set of winners ng Binibining Pilipinas Gold. Miss Universe-Philippines si Ara Arida, Bb. Pilipinas-International naman si Bea Rose Santiago, Bb. Pilipinas-Tourism si Cindy Miranda, Bb. Pilipinas-Supranational si Mutya Datul at first runner-up si Pia Wurtzbach. Out of place ang byuti ni Pia bilang siya lang ang walang crown sa lima pero keri na 'yun. At least todong kinabog niya ang apatnapung limang binibini.

Bea Rose Santiago
Binibining Pilipinas-International 2013
Bongga dahil nasa official list na rin ng winners ang Miss Supranational franchise. Last year eh kinavogue na natin ang pagandahang iyan at mas lalo na this year dahil sa kagandahang taglay ni Mutya. Wala rin akong dapat ipangamba para sa Miss International lalo na't kayang kayang ilampaso ni Bea Rose ang speech portion.

Ariela 'Ara' Arida
Miss Universe-Philippines 2013
Pang international ang dating ni Ara. Pinay na Pinay ang dating. Humahawig siya sa mga top model ng bansa na sina Grendel Alvarado at Joey Mead. Ay! Ka-fes ko 'yang si Joey so ibig sabihin, ka-fes ko rin ang pambato natin sa Miss Universe 2013. CHAROOOT!!! Sobra na 'yan! Too much claimant na akez

Aabangan ng 'sangkabaklaan ang transformation nila. I hope this is a good year for us sa iba't ibang beauty pageants.

MABUHAY ANG GANDANG PINAY! 

Sunday, April 14, 2013

Idea

Pakalat-kalat ang byuti ko kahapon sa Cubao para maghagilap ng mabibili. Wala ako sa mood mamili kaya kung anu-ano muna ang pinagsisipat ko sa loob ng National Bookstore bago ako nakapagdesisyon. Dalawang babasahin ang napili ko, isang nobela mula kay Rose Tan at 'yung isa eh jimported. Gusto ko na kasing masundan 'yung Beastly bilang 'yun ang huling English novel na nabasa ko. Scan muna ako sa mga kilala kong author, sina Stephanie Meyer, Nicholas Sparks at Alex Flinn. Wala akong na-bet-an so todo ikot pa ang ginawa ko hanggang sa makita ko 'to...

The Perks of Being a Wallflower
by Stephen Chbosky
Balita ko bongga ang reviews ng movie version nito kaya itech na lang ang pinili ko. Wala pa akong idea kung ano ang mababasa ko. I hope magustuhan ko 'to at saka ko na panonoorin ang pelikula.

Saturday, April 13, 2013

Block Vote

Panahon na para magkaboses ang 'sangkabaklaan sa gobyerno kaya itodo ang suporta sa Ang Ladlad para maging official party-list natin sa kongreso. Ibinoto ko na sila noong nakaraang eleksyon at wala na akong iba pang nakikitang party-list na mas deserving pa sa boto natin kundi sila lang. Block vote tayo mga ateng sa Mayo Trese! Hanapin sa balota #28 partylist section tsaka itiman ang bilog na hugis itlog. Kapag 'di niyo ginawa 'yan, matutuyo at magbibitak-bitak ang "hardin" niyo sa loob ng tatlong taon. CHARUZZCALDO! 

Thursday, April 11, 2013

Mainit Ang Langit (final part)

Baclaran Church
ANG INIT! Mamon tustado sa feeling! Almost one hour din ang biyahe. Sa Cavitex kami dumaan. Bumaba kami mismo sa Baclaran Church. Madalas kong marinig kay ateng Kris Aquino na napapagawi siya dito para magsimba. Laking siyudad ako pero never ko pang napasok ito dahil bandang norte ako kaya naman 'di ko na pinalagpas ang pagkakataon...

Sa loob ng simbahan
Candle area
Mahangin kaya namamatay agad ang liwanag
Pagpasok ng gate, nasa right side ang sindihan ng kandila at bongga kasi libre. Getching ka lang kung ilan ang bet mo. Donation is optional pero siyempre share your blessings naman. Konti lang ang utaw kasi Sabado. Perfect at nakapag-concentrate akong magdasal. Na-appreciate ko ang kasimplehan ng simbahan. Masa ang dating! After praying eh lumakad na ako papuntang LRT para jumuwelay. Parang Divisoria ang daanan. Ang daming bilihin! For sure, babalik akez ditey.

LRT Baclaran station

Tuesday, April 9, 2013

Daloy

Kontra ako sa kanya nang tumakbo siya sa pagkasenador noong 2010. Ayaw ko kasi ng mga kongresista na lumelevel-up sa pagkasenador. Para sa akin kasi, pareho lang sila ng trabaho. Mas malaki lang ang pork barrel ng pangalawa. Tsaka inaway niya ang idol kong si Sen. Miriam Santiago. Ngunit nakabawi siya nitong nakaraang tatlong taon lalo na nang ipakita niya ang buong suporta sa RH Bill hanggang sa maging RH Law. Una din siya sa pila kung karapatan ng kababaihan ang pag-uusapan.

Sa totoo lang, sa lahat ng mujer na gustong maging parte ng senado ngayong taon, siya lang ang nakikita kong may malaking K. Kung dati ay 'di ko siya sinuportahan (na aking pinagsisihan), ngayon ay siya ang bet ko. Kailangan natin ng isang matalino, sinsero sa pagtulong sa bayan at may paninindigan. Hindi trapo, may pinag-aralan at may sapat na karanasan. Fresh dahil walang kamag-anak na pulitiko. Sa maikling panahon ay napabago niya ang daloy ng puso ko kaya naman...

TODO SA BONGGA KA RISA!

Monday, April 8, 2013

Hilatsa

Sa Linggo na ang pinakabonggang pagandahan ni Madame Stella Marquez-Araneta. Dahil golden anniversary ng Binibining Pilipinas this year, napasma ang byuti ko na pagpili sa limampung kandidata. Ang hirap makahanap nang papantay sa hilatsa ng pagmumukha ko. Matapos ang masusing obserbasyon, eto ang sampung mujer na malakas sa radar ko...

Hindi ako makapili between Charmaine Elima at Bea Rose Santiago. Parehong maganda at todong palaban sa magkaibang paraan. Exotica ang una samantalang napaka-fierce ng pangalawa. But I must say na napa-wow ako sa pose ni Bea. Miss Universe ang level!

Kung mestiza byuti naman ang pag-uusapan, nangunguna sa aking listahan si Krisma Pascual. She kinda resembles the late Bb. Pilipinas-International Melody Gersbach. Diva ang attitude ni Lourenz Remetillo. Wagas kung maka-emote ang lolah natin! PAKAK!

Mutya Datul, isa pang gandang Pinay. Konting hasa lang sa comm skills, malakas na ang laban natin. Bet ko din ang mala-Lani Misalucha fez ni Bencelle Bianzon.

Bongga ang first runner-up ni Janine Tugonon sa Miss UST na si Cindy Miranda. Pang cosplay ang arrive with flawless skin. Medyo matabang sa akin ang posing ni Ara Arida. Baka wala siyang gana during the pictorial. CHARUT!

'Di ko masyadong kilala 'tong si Zandra Flores ngunit aminin, ganda ng fes niya. Modelesque at statuesque etong si Anna Buquid. Ano pa bang adjective na nagtatapos sa esque ang pwede sa kanya?

Isa kaya sa kanila ang magmamana ng korona ni  Janine Tugonon? Malalaman natin 'yan sa darating na Linggo. Excited na ba kayesh?

Sunday, April 7, 2013

Mainit Ang Langit (part 1)

Matapos naming ma-nosebleed sa kakakuda sa mga amerikano, napagkasunduan namin ng mga bagong kong fwends sa opisina na gumora sa Cavite para ma-experience namin ang mag-swimming sa clubhouse ng isang subdivision doon. Tamang tama dahil todong mainit ang langit. Along the way eh nakasabay namin si Glenn, ang masharap naming katrabaho.

Dhess and Glenn (sarap!)
Moco, Eugene and myself
Mukha akong turista habang binabaybay namin ang Skyway papuntang Alabang. From south station eh ride kami ng isang jeep and from the gate of the subdivision, may shuttle service. Bago tumawid, nasight ko ang bonggang campaign poster ni Mrs. Hanepbuhay. Kakulay ng poster niya ang mga bahay sa pinuntahan namin.

Borlogs muna kami ng ilang oras then bago mag-alas siete ng gabi eh pumunta na kami sa pool. Mangilan-ngilan lang ang utaw na lumalangoy. Karamihan pa mga bagets. Pero sa katabing basketball court, maraming ohms nagpa-wet sa amin. Muntik nang umapaw ang pool sa pagwa-water ko. CHOS!

Nasa likod niyan ang pool
Wala pang boys kasi tanghali
May curfew ang pool kaya lumayas na kami bago mag-alas diyes. Pasado alas dose na kami natapos magbanlaw at maghapunan. More chika at tsismisan ang ginawa namin sa kwarto. At para may thrill, naglabas ng Tanduay Ice ang mayora. Nilantakan din namin ang tira tirang Clover BitsNova at Lays. Mga four in the morning na kami nagsipagborlogs.

Picture muna bago laklak
Perfect combination!
Ayaw man namin eh kailangan naming bumalik sa siyudad kinabukasan. Pagkalaps nang brunch eh nagpahatid kami sa SM Molino at panandaliang rumampa doon bago sumakay ng jeep papuntang Baclaran.

Tatapusin...

Tuesday, April 2, 2013

Teddy at Edward

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Teodoro Casiño and Edward Hagedorn
Walang malakas na partido...

Nangangarap maupo sa senado.

Si Gob na sikat sa Palawan...

Si Cong na madalas sa interviewhan.

Ano kayang kahihinatnan sa susunod na buwan?

Monday, April 1, 2013

Tisod

Second quarter na agad ng 2013 at nakakaloka ang todong init na hatid ng tag-araw. Sarap maglunoy sa dagat at isuot ang paboritong swemsut. Bet kong mag-one piece ala-Rachel Lobangco. 'Yung high cut para sight ang singit. Maglalakad sa buhanginan, ilalatag ang tuwalya, uupo tsaka magpapahid ng tanning lotion habang nililipad ng hangin ang aking crowning glory. Dadaan ang mga boys at hindi nila maiiwasang ako'y lingunin. Ngingiti ako at sila'y mahihimatay sa taglay kong kariktan. OHA! Lakas tama lang!

Pero hindi biro ang temperatura ngayon. Alas-nueve pa lang ng umaga pero mala-impyerno na ang init. Dapat laging may bitbit na tubig para ma-hydrate ang natutuyong wankata. Mahirap na't baka atakihin tayo ng heat stroke. Traidor ang sakit na 'yan! Kung ang tinitirhan niyo eh walang kisame at diretso bubungan agad, JUICE KOH pumunta ka na lang sa SM at magliwaliw. Libre air-con with matching tingin sa boys. Isuot ang pinakatago tagong diamond-studded kepyas shorts, ternuhan ng pastel-colored razorback at magsapin ng thick Havayanas. Isukbit ang bulaklaking shoulder bag at saka magpabalik-balik sa loob ng mall. Summer na summer ang outfit! Pwede na akong maging fashion expert. CHAREEENG!

Don't forget na magdala ng payong panangga sa harmful UV rays. Magpahid din ng sunblock with highest SPF ever. Huwag papayag na si La Greta lang ang young looking. At hindi na yata mawawala sa uso ang bubuyog shades. The bigger, THE BONGGA! Para kalahati ng fes, may takip. Mas mainam din kung iiwas muna lumabas mula alas-dies ng umaga hanggang alas-tres ng hapon tutal wala namang ohms sa daan. Sa gabi na lang tayo rumampa. Baka sakaling maka-tisod pa ng masaraaaap na "hapunan".