Thursday, May 30, 2013

Gigantic

Last Monday (May 27) eh nagkaroon ng company swimming sa Splash Island ang kumpanyang kinakayuran ko. Libre lahat. Ang kelangan lang eh sumama at magdala ng swemsut. Wit sana akez sasama pero dahil baguhan sa trabaho, hala bira na. Alas-nueve ng umaga ang usapan pero mag a-alas diez na nakaalis ang bus. Wala pang isang oras ang byahe dahil walang trapik. Inuna namin ang magpalit nang mas preskong suotin at nagpapakitang gilas si haring araw. Ilang araw na lang kasi siya sa trono kaya tinotodo na niya. Laps muna ng tanghalian bago maglunoy sa tubig. Jampacked ang lugar kahit unang araw ng linggo. Sinusulit ng mga nanay, tatay at mga bagets bago magpasukan sa susunod na buwan.

(Harap) Elle, Moco, Bb. Melanie at Dhess
(Likod) Mike at Rick
Una naming sinubukang ang Rio Montanosa at todo ang kaba ko. Feeling ko tataob 'yung sinakyan namin pababa. Nakakakaba pa kung makatili 'tong si Dhess kaya kulay coupon bond ang fes ko sa takot. Habang naghahagilap ng ibang masusubukan, tinawag ako ng isang TL dahil isasali daw ako ng manager namin sa beauty pageant ng company. Waley na yatang maisip na ibang activity kaya instant pageant ang inorganiza. Tumanggi ako pero walang choice. Nahatak na ako eh. Naghagilap kami ng mga kasama ko ng masusuot pati ng muk-ap. Buti na lang at may extrang bra si Dhess. Gigantic nga lang dahil 42G yata ang cup size niya. Pwede na kesa wala. Hiniram ko ang net balabal ni Eugene at si Moco ang nag-provide ng pantapal sa fes.

Wednesday, May 29, 2013

Prestigious

Friday, May 24, 2013 
12:26 PM

Good Day!

We would like to seek help in promoting BROMANCE My Brother's Romance starring Ms. Cristine Reyes and Mr. Zanjoe Marudo and directed by Wenn V. Deramas. This is a Skylight Films' offering and distributed by Star Cinema. A space in your prestigious page would be very much appreciated. Attached are the materials that you can use and please let us know if you need more.

Thank you so much po =)

Star Cinema ABS-CBN

***

Kung maka-prestigious 'tong sumulat oh! 'Kala mo totoo. CHOS! Oh baka gusto niyo pa humabol. Balita ko, highest indie film 'to ng Skylight Films at todong nakakatawa. Si Wenn V. Deramas ang direktor nitey pero wit daw starring ditich si DJ Durano. What happened kaya? Ayon sa tsismax, ang indie film fave na si Jeff Luna na ang new apple of the eye ni ateng. Introducing din siya sa pelikula. BONGGA! Level-up si fafah!

Tuesday, May 28, 2013

Hari ng Pilipinas 2013

Non-stop tayo sa pagfi-feature ng ating native delicacies. After ng Ginoong Filipinas 2013, tumalon naman tayo sa Hari ng Pilipinas 2013. Nako mga ateng, for sure magugustuhan niyo 'to dahil freshness galore ang mga candidates. May ibang pamilyar pero mas marami ang bagong fes. At talaga namang nakakaloka ang kasarapan ng kanilang wankata. Firm muscles everywhere! Eto ang ilan sa pumiga ng pantog ko (ihanda ang mop)...

Pasimsim ng kili-kili please
Lakas maka-Xian Lim ng anggulo
Nalilito ako sa dami ng maskels mo sa katawan
Mula Ginoong Filipinas hanggang dito love kita ♥
Nakakapanlagkit ang iyong titig
Sa May 31, 2013 na ang grand finale at gaganapin 'yan sa Insomnia Centris malapit sa MRT Quezon Avenue station. Ang lapit lang sa akin! Nako, kapag may pagkakataon watch ko 'to. Cheer ko ang mga fafah natin

Saturday, May 25, 2013

Sulo

Sa kaka-world tour natin mga 'teh, napabayaan natin ang pinakamatagal na paligsahan ng mga barakong Pilipino, ang Ginoong Filipinas. Nung May 23 pala ginanap ang pageant night. Sayang kasi balita ko, limampu't anim na Pinoy ang contestants. BONGGA! Ang yaman naman ng organizer nito. May kanya-kanyang bayan na nirepresent ang mga kasali at ang pambato ng Pampanga ang nanalo...

Marky of Pampanga
Ginoong Filipinas 2013 winner
Amfogi ni fafah! Lakas maka-Alden Richards ng fes. Ganda pa ng ilong. Naintriga akez sa dami nila kaya naman sinearch ko agad sa FB ang fanpage ng pageant at JUICE KOH! halos atakihin ako sa todong kaseksihan ng mga kuha. Nakakabusog sa dami ng bulivia shots! Anim sa kanila ang yumanig sa pasig ko...

Thursday, May 23, 2013

Bisig

Todong nainitan ang byuti ko sa Dominican Republic mga 'teh kaya halikayo't ililibre ko kayo ng pamasahe papuntang Slovenia. Don't forget to bring your fur trench coat. SUSHAL! Aktwali, hindi ko pa ginu-Google kung saang parte ba ng Europa matatagpuan ang bansang 'yan. Basta nakita ko na lang bigla ang mga kandidato ng Mister Slovenia 2013 at walang isang segundo eh naging interesado ako agad. Basta masarap na lalake, wit tayez papaawat!

Sampung ohms ang magbabakbakan para sa pangunahing titulo. Tulo laway akez sa sarap nila. Ang bongga ng photoshoot. CLASS! May concept at 'di pipitsugin. Sight niyo...

Mihael Škafar & Simon Šimek

Blaž Brudar & Blaž Zaplotnik

Goran Jocković & Jure Rugani

Jan Kozina & Nejc Zager

Naser Bećiri & Matija Dušak

Sa araw ng ating kalayaan malalaman kung sino sa kanila ang magwawagi. Imbes na lumaya, gusto kong makulong sa kanilang matitigas na bisig. Habang buhay na nila akong alipinin.

Wednesday, May 22, 2013

Men Universe Model 2013

Habol tayo sa init ng tag-init mga 'teh. Mula Japan, fly tayong lahat papuntang South America at baybayin ang isla ng Dominican Republic. Tamang tama dahil kasalukuyang ginaganap dito ang Men Universe Model 2013. Hindi bago ang kumpetisyong ito dahil ito ang dating Mr. Universe. Pinal'tan lang ng pangalan. Okay 'wag tayong mag-pokus diyan dahil ang todong importante ay ang mga kandidato.

Belgium - Gianni Sennesael
Ang saya-saya ng perlas ko dahil kasali na naman dito ang mahal kong si Gianni Sennesael ng Belgium. Sana naman manalo na siya this time dahil pangatlong pageant na niya 'to (Manhunt & Mr. World). Konti lang ang kakumpitensya niya kaya naniniwala ang puso(n) ko na mapapasakanya na ang bonggang titulo. Etong tatlo masharap din...

Panama - Arnulfo Rosario
Peru - Alexis Jesus
El Salvador - Jorge Panameño
Mukhang nag-eenjoy sila ah! Sali tayo...

Tuesday, May 21, 2013

Ambata

Ituluy-tuloy natin ang Asian Invasion sa ating vlagey! From South Korea, lipad tayo sa shupitbalur nitong bansa, ang Japan. Marami sa atin ang nangangarap na bonggang makapagtrabaho at magkajowa ng Hapon. AMININ! Bukod sa mapera ang tingin natin sa kanila, may pagka-wild ang arrive nila. Feeling ko, iwawasiwas ako sa headboard bago chorvahin. CHARUZZZ PEMPENGCO! 

Bukod sa pagiging advance when it comes to technology, sikat din ang bansang 'yan sa paggawa ng porno. Nako ha! Wala pa akong napapanood na ganyan. Verhen pa ang mga mata ko. SHET! Mukhang uulan. Wala sanang kasamang kidlat (at baka tamaan ako). Ispeyshal request ng isa nating shupatemba na i-feature ko ang pinakasikat na porn star ng Japan. Wititit si Maria Ozawa at todong isusumpa niyo ako kundi si Koh Masaki (RIP)...

Monday, May 20, 2013

Patong

Choi Minho and Sulli
Sinusubaybayan niyo ba ang To The Beautiful You sa Kapamilya Gold? Ako, hindi. Kasi borlogs aketch ng mga oras na palabas 'yan. Minsan naalimpungatan ako at tinakasan ng antok kaya nagbukas na lang akez ng TV at swak sa timing dahil fes ni Choi Minho ang nakita ko. JUICE KOH! Nakita ko na ang lalaking mapapangasawa ko (for the nth time). Sugod kaagad kay suking dibidi para bumili ng kopya. Gabi hanggang bumuka si liwayway, walang habs kong pinanood. Resulta: dalawang patong ng eyebags at basang kama sa todong pagtutubig.

Pa-dila ng kili-kili mo fafah!
Kahit natapos ko nang panoorin, hindi pa rin maka-getover ang puso(n) ko sa kanya. Singer slash rapper pala siya ng Korean boyband na SHINee. Paano ba maging Koreana para lang sa kanya? Naghagilap ako ng mga litrax niya sa net. Inferlaloo, nahirapan akong maghanap ng sexy shots. Medyo conservative si fafah pero papayag ba naman atashi na wala man lang topless pic... WITCHIKELS!

KARUG!
Pandesal with karug... bet?!
Sarap siguro ng pawis mo fafah Minho hihihi...

Sunday, May 19, 2013

Fresh

Under Viva Entertainment na pala ang Asia's Diamond Soul Siren. Hindi yata naging bongga ang deal niya with Universal Records kaya after a year, lumipat siya ng panibagong record company. Wala nga akong naramdamang impact sa Stay Alive album niya eh. Sayang. Pero at least hindi siya huminto sa paggawa ng musika at mas napaganda pa ngayon. 

Nakakuha ako ng kopya ng bagong album ni Nina entitled All Good sa suki ko sa Cartimar. 12 songs with 1 bonus track. Eto na yata ang album na may pinakamarami siyang Tagalog songs with a total of 5. Nakakapanibago in a good way kasi mas masa ang dating. Hindi mawawala ang revivals niya. Pinakapaborito ko ang rendition niya ng Mahal na Mahal Kita na original ni Archie D. Perfect din ang version niya ng Perfect by True Faith. Tapos ni-record niya rin ang Tagalog version ng I Still Believe in Loving You ni Sarah Geronimo. Bonus track ang Don't Say Goodbye, ang movie theme ng A Secret Affair. Overall, fresh at satisfying ang bago niyang album.

Rating: 4/5 stars

Saturday, May 18, 2013

Orange Juice

Malapit nang ang tag-ulan pero parang wit pa akels nagpo-post ng mga bikini boys natin for summer 2013. Hindi pa naman huli ang lahat dahil any season of the year merong bikini contest. Kapag naiisip niyo ang bikini, sino ang naiisip niyo? Ako, si Richard Pangilinan pa rin pero matagal na siyang retired diyan at may todong nakalagpas na ng record niya sa dami ng sinalihan at napanalunang bikini contest. Knows niyo na siguro siya kaya wit na patumpik-tumpik pa, eto na si fafah Allen Molina...

Kuha 'yan sa Mr. & Ms. Summerbodies 2013 Power Box Gym at talaga namang walang hindi magtutubig sa kili-kili at bulivia niya. Meynteyn ang maskels ng kanyang bortawan at nakakapanginig perlas pa rin ang ngiti niya kaya sulok lahat ng kalaban. Gusto ko namang maging souvenir ang orange bikini niya. Ihahalo ko sa orange juice na iinumin ko. SARAP!!!

All photos courtesy of Jupiter Cachola
Bongga din sa kakinisan 'tong si fafah. Walang banil kahit saang parte. Luminous at flawless white skin. Hindi kaya Ponds ang pinapaligo niya? Sight niyo ba kung hanggang saan siya makinis? Ayan oh! Kitang kita sa singit ang ibidinsiya! 

At kahit ilang beses pa siyang sumali sa kahit anong bikini pageant, hindi tayez magrereklamo at mapapagod kakasufforta. Wish natin na palagi siyang manalo para busog lusog ang ating mga mata. 

Thursday, May 16, 2013

Banayad

Nota: Dapat nung Martes ko pa 'to pinost kaya lang naubos ang load ng internet ko kaya ngayon n'yo lang mababasa. 

Habang inaantay natin ang proklamasyon ng mga nanalong senador at isa-isa nang nalalaman kung sino ang mga nagwagi sa kani-kanilang distrito at bayan, balikan natin ang karanasan sa Halalan 2013 kahapon.

Pasado alas-nueve ng umaga ako nakarating sa presinto. Galing pa akez sa trabaho at limang oras lang ang tulog ko kaya nalerki akez sa haba ng pila. Nasa first floor ang PCOS machine pero nasa second floor ng paaralan ang pila, paikot pa. Kaya jumuwelay muna akez para makapagpalit ng mas kumportableng suotin. Lumaps din muna saka nanood ng dibidi. Bago mag-alas dose eh lumarga na watashi pabalik ng presinto. Buti na lang at 'sang tambling lang 'yon mula sa amin.

Sunday, May 12, 2013

Malinaw

Kung wala pa kayong malinaw na listahan ng mga kandidatong inyong napupusuan, narito ang sampung tips na paniguradong makakatulong para kayo'y makapagdesisyon na...

Bukas na ang halalan kaya habang may isang araw pa, pag-isipang mabuti kung sinu-sino ang iboboto. Kinabukasan ng bayan natin ang nakataya dito kaya hindi dapat gawing biro, ibenta at madala sa awa.

Saturday, May 11, 2013

Young Love

The Perks of Being a Wallflower (2012)
Mr. Mudd Productions
Written and Directed by Stephen Chbosky
Starring Logan Lerman, Emma Watson and Ezra Miller

Nang matapos kong basahin ang librong The Perks of Being a Wallflower, alam kong dapat kong isunod ang movie version nito. Bayla akez ng dibidi at hindi ako nabigo dahil kung ano ang nabasa ko, walang pinagbago sa napanood ko. Sabagay, ang author ng libro ang siya rin gumawa ng screenplay at nag-direk ng pelikula, si Stephen Chbosky. Ang gumanap na Charlie ay si Logan Lerman na todo sa kakyutan. Si Emma Watson ang pumapel na Sam at si Ezra Miller naman si Patrick.

"I just wanna make sure that the first person that kisses you... loves you."
Feel-good ang pelikula kasi buhay high school ang tinalakay. Kung paano makikisalamuha sa unang araw ng pasukan, sa mga bagong tao na makikilala at makakasundo pati na rin sa mga makakabanggaan. At mawawala ba naman ang feeling nang unang love? Siyempre wititit kaya bet na bet ko itiz. Makakarelate din ang ilan nating shupatids lalo na 'yung mga nakaranas ma-inlove at masawi noong kabataan nila. Beks kasi ang character ni Ezra. Nalerki nga akez at may kissing scene sila nung bida. Wholesome kiss lang naman so keri pa rin. Kakakilig ang tandem nina Emma at Logan. Favorite ko 'yung eksenang natulala si ohms sa kagandahan ni girl. Haaayyy, sarap ng young love ♥

Rating: 5/5 stars

Thursday, May 9, 2013

Lipad

Kagabi ay ni-launch ang Fly Love Yourself: How to Have Sex and Avoid HIV, isa sa pinaka-informative na video tungkol sa HIV na kahit sino ay makakagetching. Perfekta itey sa mga tulad ko na kapag ginagamitan ng clinical terms eh todong natutulala na. Starring dito ang pantasya ng 'sangkabaklaan na si ateng Sebastian Castro kasama ang equally-sarap na sina Carlito Floro Jr. at Javi Bermejo.

Ipapaintindi ng video kung ano nga ba talaga ang HIV at ang pagkakaiba nito sa AIDS. Magbibigay din ng bonggang tips kung paano aalagaan ang sarili lalo't parte na nang ating buhay ang tsuktsakan. Siyempre, sa bawat sarap na ating malalasap, dapat siguraduhing malinis at protektado para iwas sakit.

Tara mga 'teh at lipad tayo kasama nila...



Visit LoveYourself.ph for more information and updates.

Tuesday, May 7, 2013

Resulta

ETO NA! Opisyal ko nang isasambulat ang resulta ng ating kauna-unahang sarbey. At talagang national isyu ang ating tinalakay, patunay lang na may boses ang 'sangkabaklaan pagdating sa ikagaganda ng bayan at pamahalaan. Narito ang labindalawang kandidato sa pagkasenador na soksi sa banga ng Tanong Lang: The Halalan 2013 edition...

Tie sa unang pwesto sina Edward Hagedorn (Independent), Dick Gordon (UNA) at Jun Magsaysay (Team PNoy) na pare-parehong nakakuha ng 'sandaang porsiyentong suporta mula sa mga vekla.

Sunod diyan si fafah Sonny Angara (Team PNoy) na may 80% na boto. Infernezzz, gusto ko rin maging senador tapos tabi kami ng upuan. Hihihi...

75% sa inyo ang bet ang byuti ni Risa Hontiveros (Team PNoy). Siya ang nanguna sa lahat ng mga babaeng tatakbo to think sa mga survey na lumalabas sa TV eh lagi siyang kulelat.

Animnapu't tatlong porsiyento naman ang nakuhang suporta ni Bam Aquino (Team PNoy). Wala ako masyadong alam sa kanya bukod sa kamag-anak niya ang pinuno ng ating bansa. I have to research more about him.

Rambol sa ika-pito hanggang ika-siyam na pwesto sina Grace Poe, Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano na nasa iisang partido (Team PNOY). Tigsi-60% sila. Lakas ng partidong 'yan ah! Dinodominate ang survey natin.

Ayaw paawat sa 10th at 11th spot sina Migz Zubiri (UNA) at Jamby Madrigal (Team PNoy) na parehong may 50% na OO mula sa inyo. Basta ang alam ko, ex-jowa ni Vina 'yung isa at masarap ang jusawa ni madam. Sana sa akin na lang niya ibigay ang iPhaaad. CHARUT!

Sabit sa dulo nang ating sarbey ang junakis ni Erap na si JV Ejercito (UNA) na may cuarenta y ocho porsiyento na boto. From Erap to Loi then Jinggoy and now JV, ganyan kaya ang pattern na magaganap sa senado?

Bongga ng resulta de vaaahhh?! Salamat sa todong suporta mga 'teh! Ilang buwan din tumakbo ito at talagang overwhelming ang responses niyo. Abangan na lang natin kung sinu-sino sa kanila ang papalarin sa susunod na linggo. Hanggang sa susunod na sarbey mga 'teh!

*Photos courtesy of GMA News Online

Monday, May 6, 2013

Nasilip

Patapos na ako sa The Perks of Being a Wallflower nang mabayla ko ang librong Mga Uod at Rosas ni Edgardo Reyes. Nung nakita ko ito sa National Bookstore, "sounds family" ang nasabi ko. 'Yun pala eh dahil sa naisapelikula din ito ng ating idol na si Ate Guy noong 1982 sa direksyon ni Romy Suzara. Kasama dito si Lorna Tolentino at ang bida ay ang yumaong si Johnny Delgado. Buti  na lang at may open copy doon kaya nasilip ko ang paunang kuda ng manunulat. Nakakatuwa kung paano naisalibro ang seryeng ito na unang nabasa sa Jingle magasin. Sana lang makahanap ako ng VCD copy ng pelikula para pagkatapos kong mabasa eh mapapanood ko naman ang movie version.

Courtesy of Video48

Saturday, May 4, 2013

L-Men of the Year and Mister Slovenia 2013

Nag-travel ako virtually sa dalawang bansa para maghatid ng sariwa at mga bagong putahe na magpapadilig sa ating natutuyong mga hardin. Unahin natin dito sa baba lang ng ating bansa... ang Indonesia.

Nasa ika-siyam na taon na nang pagpili ang L-Men of the Year, isa sa pinaka-bonggang male pageant ng nasabing bansa. Infernezzz, kahit muslim country sila eh pwede na ang ganitey. 'Wag lang sigurong magsusuot ng super tight at liit na bikini. At 'teh, talaga namang piling pili ang mga kandidato. Mine-make sure na lahat masarap at walang pwedeng itapon. Sila ang anim na piñakamasarap...

Ang cute nilang dalawa!

'Wag masyadong seryoso mga fafah

Parang ibabalibag ako sa headboard ng dalawang 'to

Matapos nating tumikim ng kapareho nating Asyano, lumayo layo muna tayo at todong magpalamig sa Europa bandang Slovenia. Sa susunod na buwan ay malalaman na kung sino ang tatanghaling Mister Slovenia 2013. Wit ko knows kung saang international pageant ipapadala ang grand winner pero kebs na, basta isa dapat sa kanila ang manalo...

Blaž Brudar and Simon Šimek

Andrej Dover and Matej Kavčič

Mukhang pinana na naman ni Kepido ang keps ko dahil tumibok-tibok na naman itong muli sa isang kandidato. Ang mga bulaklak sa hardin ay nasasabik na sana'y kanyang madiligan...

Mihael Škafar

JUICE KOH JUICY COLOGNE! Kelan ba akez makakatikim ng ganyang sabaw. Ang sarap na sa fecture, paano pa kaya sa personal? Mag-OFW kaya ako doon at tagapagligaya niya ang magiging trabaho ko. Kahit 1 year contract at minimum wage, keri na basta mapaligaya ko lang siya. CHARUT!