YEHEY! July na! Excited ako kasi bukod sa dalawang buwan na lang at
ber months na, rarampage kami ng mga college friends ko sa
Cebu at
Bohol this weekend. Wa-i pa kaming solidong plano kung saan magliliwaliw. Bahala na kung saan kami dalhin ng aming mga tiil. Sana may mga masasarap kaming makasalubong para may pasalubong ako sa inyo. Sa mga nakapunta na, anong maisa-suggest niyo?
Speaking of masasarap, napanood niyo ba kagabi ang
Mr. & Ms. Chinatown? Ako kasi hindi pero naintriga akez. Sushal dahil sa
Resorts World ang ganap tapos live telecast pa sa
ABS-CBN. Bongga talaga ang mga Tsekwa. Noong isang araw nga sa
Divisoria, habang namimili kami ng
Ateh Paul ng Versake at Guchi, para akong magkaka-stiff neck sa dami ng Tsinito. Magtindera na lang kaya ako sa
Lucky 999 at baka sakaling makatikim ako ng authentic
siomai.
Mabalik tayo dun sa pageant. Ang
siomai ni
Randy See Cailles ang maswerteng nagkamit ng titulo. Tulo laway akez mga 'teh sa todong kakinisan ni kuya. Kahit yata magbabad ako sa sampung karton ng
Chinchansu eh hindi ko maa-achib ang flawless white skin niya. Paano kaya kami magkakatuluyan?
|
Photos courtesy of OPMB |
Ayan! Pantay pala ang taas namin. May common denominator na kami. Pwede nang magkatuluyan. Walang sinabi ang
KimXi loveteam sa
RanLie tandem. Ahahaha!
JUICE KOH! Sarap simsimin ang kanyang kili-kili. Kahit 'yan ang ulam ko araw-araw, wit ako aangal. NFA rice na lang ang kulang at kumpleto na!
YUM!