Bumalik ang kuryosidad ko sa mga imahe sa paligid ng kwarto kaya muli akong tumayo at binusisi ang iba't ibang klase ng STD. Inabala ko ang isang lalaking counsellor na nagsusulat sa mas malaking mesa. Naabutan ko na siya sa loob noong pagbalik ko galing laboratoryo. Tinanong ko siya kung ilan ang madalas magpa-test doon. Mga lima daw sa isang araw. Siyempre think positive ang lolah niyo kaya may follow-up question agad...
"Ilan sa mga 'yon ang non-reactive?"
"Hhhmmm... isa."
JUICE KOH! Otsenta porsyento laban sa bente. Dasal ko na sana isa ako sa pangalawa. Naupo na lang ulit ako at kinuha ang rosaryo na lagi kong tangan sa aking bagelya. Nagdasal na sana matanggap ko nang mahinahon at may lakas ng loob ang resulta. 'Di naman nagtagal at bumalik na si Alvin. Nilukuban ako ng todong kaba. Feeling bibitayin sa malalaman.
"Oh handa ka na ba?"
Hinga ng malalim. Pero 'di pa niya agad binigay sa akin ang resulta. Pa-suspense pa. AMP! Pinaalala niya muli sa akin ang napag-usapan namin. Whatever happens, I have to take care of myself. This is not just for me but for my family who needs me. Kung reactive man, I have to immediately call my mother because she deserves the truth and I know she's the best person that will understand me. Naiiyak na ako sa sari-saring emosyon sa loob ko. This is not easy but I have to face it.
Pinapirma muna ako ni Alvin sa isang log book saka niya inabot sa akin ang manilaw-nilaw na papel. Kasing laki ng 1/4 na yellow pad. Nakatupi sa dalawa. Kita ang pangalan ko, edad at petsa ng araw na iyon. Saka ko binuksan...
Tatapusin...
kakabitin na naman ateng..
ReplyDeletemay mali. bakit nakalagay sa sex mo ay m? diba dapat f? :)
ReplyDeleteayan na! finale na!!!! my goshhhh!
ReplyDeleteKP
Bitin na bitin....amf
ReplyDelete