Matapos ang mahigit dalawang linggo ay nakabalik din ako sa
Manila Social Hygiene Clinic para malaman ang resulta ng aking
STI test. Tulad ng
HIV test ko, non-reactive din ang nabasa ko sa papel. Muli ay nagpasalamat ako sa Kanya. Tuwang tuwa naman si
Alvin dahil kinuha ko ang resulta ng kahuli-hulihang test na napagdaanan ko.
|
Republic Act 8504: Philippines HIV/AIDS law (open image in new tab for better view) |
Nagpaalam ako na kukuha ng mga litrax na magagamit sa vlag. Pumayag naman siya at habang busy-busyhan ako sa pagpipica ay nakilala ko si
Rom. Dating nagta-trabaho sa isang bangko na ngayon ay mas piniling mag-aral at magnegosyo. Nakatsikahan ko siya tungkol sa kung paano unti-unting pinapatay ng HIV ang lahi natin. May mga kakilala siya na sa batam-batang edad ay nateggie agbayani dahil dito. 'Yung iba nasa early twenties pa lang. Imagine that! Nagsisimula pa lang mangarap pero sinungkit na ni kamatayan ang kaluluwa. Nakakakilabot pero totoo. Ganyan kalala ang sitwasyon ngayon. 'Ika nga ni Alvin, isang Pilipino bawat oras ang nabibiktima. So that's
24 people a day times
30 days/month times
12 months/year. Da the Math mga ateng at manoseline niyo kung gaano karami 'yan.
KALOKA!
Ikaw, ikaw na nagbabasa nito, I encourage you to take the test. Mahirap sa umpisa lalo na't ang pinakamatinding kalaban mo ang takot na likha ng iyong sarili. Pero sino ang magtutulak sa'yo na gawin ang unang hakbang, 'di ba ikaw rin? Kung nagawa mong ngang makipaglampungan sa estranghero dahil sa tulak ng kalibugan, mas magagawa mo 'to. 'Wag kang mag-alala dahil may counsellor na gagabay sa'yo. Heto ang detalye ng klinika...
MANILA SOCIAL HYGIENE CLINIC
208 Quiricada Street, Sta. Cruz, Manila
Tel # 711-6945
Schedule:
Lunes - Huwebes
8AM - 11AM
1PM - 3PM
Biyernes
8AM - 11AM
Wakas
MARAMING SALAMAT BB. MELANIE. :)) PAK NA PAK KA TALAGA! SALAMAT sa mga tips regarding sa HIV/AIDS! Kaya mag-ingat tayong mga diyosa! :)
ReplyDelete-KP
Hi Melanie.
ReplyDeleteSalamat at nag post ka nang gain tong entry. Congrats din sa iyong conviction sa safe sex.
Marami pa ring irresponsible na mga tao na ang daming kyeme sa protected sex. Kapahamakan ang dala at dulot sa nakakarami.
Salamat ulit.
hi melanie,
ReplyDeletemabuti naman at nag negative ka, you have a brighter chance of fulfilling your dreams and ambitions in life. kami ng partner ko parehas nag positive, pero okay lang sa akin, masaya ako atleast parehas kami, gusto ko lang rin ipaalam sa ating mga kapatid na hindi ka naman agad agad mamatay sa sakit na ito basta't babaguhin mo ang lifestyle mo,alisin na ang mga bisyo at uminom ng mga vitamins at wag na wag mai stress.yung partner ko nag gagamot na ako hindi pa kasi mataas pa count ng anti bodies ko.pero nag ba vitamins ako at kung walang pang vitamins laging kumain ng malunggay.pasensyan na sa haba ng comment ko.ingat na lang po mga
kapatid, love yourself and love your life.
-Teh KP, maraming salamat sa pagsubaybay hanggang ending :)
ReplyDelete-Teh Anonymous October 1, 2013 at 10:03 AM, sana talaga mas marami na sa atin ang maging responsable hindi lang sa sarili kundi para na rin sa iba. Mahirap dahil kapalit ng konting ligaya eh panghabang buhay na disgrasya :(
-Teh Anonymous October 3, 2013 at 12:21 AM, thanks for sharing your thoughts and optimism :) Wish ng 'sangkabaklaan ang patuloy na paganda ng kalusugan mo at ng iyong partner.
Maging gabay ka nawa sa lahat ng nakikipagseks sa kauring laman.
ReplyDeleteisa po ako sa mga nagluluksa sa mga nalagas na buhay dahil sa HIV na ito. nauna ang isang ex-bf ko kasunod ang isang barkada namin. at 2 barkada namin ang meron na ding HIV at kasalukuyang "well-maintained" sa awa ng Diyos. kamakailan lang 3 na kakilala namin ay sumakabilang buhay na rin dahil huli na nang malaman na meron pala sila nito. sa kabutihang palad, negatib din ako gaya mo at kasalukuyang "online" na lamang ang sexlife dahil sa takot kong makakuha ng sakit na ito sa alinmang uri ng pagtatalik: ligtas man o mapanganib.
pero sa kabila ng lahat, yumao man silang lahat isipin nalang natin na lumigaya sila ng lubusan sa napili nilang kagawian. napapangiti na din ako kapag yaon ang naisasaip ko tuwina. dahil mas maigi nang masawi na kahit papaano ay lumigaya kaysa humaba ang buhay na nakagapos ang pagnanasa.
Teh Anonymous October 8, 2013 at 12:10 PM, todong nalungkot ako sa real life story mo :( Let's pray for their souls at sa kaligtasan 'di lang ng 'sangkabaklaan kundi ng lahat.
ReplyDelete