Ang iskedyul ng klinika |
"Sige upo ka dun sa kabila."
Nilagay na niya ang rubber sa braso ko. Binasa ng alkohol ang bulak saka binuksan ang sachet para ilabas ang injection. JUICE KOH! Napapikit na lang ako sa sobrang kaba. Halos mahimatay na ako sa takot... sa turok ng karayom. Ilang saglit ang lumipas at natapos din. Nakita ko pang puno ang lalagyan. Sana hindi na muna ako dumilat. May dugo pa ba ako? Hindi ko na matandaan kung binigyan niya ako ng kapirasong papel basta pinabalik niya ako sa taas. At saka kami nag-usap ulit ni Alvin.
Eto ang ilan sa mahahalagang impormasyon na natutunan ko: Hindi positive o negative ang mababasa mo sa resulta kundi Reactive which means carrier ka o Non-reactive na kabaligtaran noong nauna. Naliwanagan din akez na wit malalaman sa CBC kung carrier ka. Hindi ka pwedeng i-undergo ng HIV test kung wala kang consent form na pipirmahan. No discrimination allowed lalo na sa paghahanap ng trabaho.
"Anong gagawin mo kung reactive ang mababasa mo?"
Napa-OMG na lang akez dahil wit ko knows kung anong gagawin ko. Magwawala ba ako? Magagalit? o Mako-conjuring? Ang alam ko lang eh hindi ko nanaising manghawa ng kapwa ko. 'Yun ang una kong nasabi. Then I have to strictly watch my diet, take care of myself and avoid being sick. I still want to live my life and to be with my family because my family... my... femily...OMG! I'm only tweyni eyt and I said that I am confident. Well, my femily is the most important persons in my life. Thank you.
"Eh paano naman kung non-reactive?"
Hindi na siguro ako makikipag-churvahan. ECHOS! Umabot hanggang LRT ang ilong ng baklang sinungaling. Safe sex. 'Wag papatukso sa tawag ng laman kahit mahirap labanan. I mean ayaw kong magpaka-ipokrita kasi I don't know what will happen in the future but I'll be careful. Very careful.
At bumaba na siya para kunin ang resulta.
Itutuloy...
heto na ateng , kakaloka, kakauhaw at kakaexcite.GOD bless sa resulta.
ReplyDeleteBITIN ulit! Excited na akong malaman kung ano ang result! Lakas talagang mam-bitin ni Bb. Melanie! :)
ReplyDelete-KP