Saturday, September 28, 2013

Taktika

Bilang isa sa masang Pilipino, araw-araw na parte ng buhay ko ang sumakay sa mga pampublikong sasakyan partikular sa bus at jeepney. At kapag ganitong paparating na ang kapaskuhan, walang mintis na magsisilabasan ang iba't ibang taktika ng kung anu-anong samahan para manghingi ng donasyon sa mga pasahero.


Una diyan ang pamumudmod ng salita ng Diyos. Dalawang tao ang sasakay. Speaker ang una at may hawak na bibliya samantalang tagabigay ng envelope si pangalawa. Babasahan ka ng berso mula sa Bibliya na kadalasan ay John 3:16. Bago matapos ang panenermon eh babanat ng 'di sapilitang donasyon.

Pangalawa ay si kuya na may megaphone. Nag-aklas daw sila ng mga kasamahan niya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan. Kulang sa benepisyo at sweldo, sobra sa trabaho. Konting tulong lang daw ang kailangan nila.

Pangatlo at ang pinaka-bothering ay ang mga katutubo na ginagamit para makapanglimos. Hindi ko alam pero obserba ko, tuwing nalalapit ang Pasko eh kukunin sila sa probinsya nila at dadalhin sa Maynila para magamit ng mga sindikato. Bata, matanda o kahit sanggol pa, nasa lansangan at nag-aabang ng bus at jeep na maaakyatan.

Christmas is the season of giving. Eto rin ang panahon na paldo ang mga tao. Walang masama kung magbibigay lalo na kung may sobra at sa puso nanggaling pero kung parating awa ang gagamitin nila, paano na kapag natapos ang Kapaskuhan? Saan sila pupulutin? Anong bagong gimik ang gagawin nila?

3 comments:

  1. ..subukan mo rumampa sa.divisoria at lalo k tatambling sa mga pelikula ng mga sindikatong hingi limos sa loob ng jeep....nagmamasim, sinigang mix...

    ReplyDelete
  2. Teh sinigang mix, madami nga doon. Nakakatakot na sa dami. KALERQS!

    ReplyDelete
  3. tumpak ditse at ang mga children na nanghihingi sa pasahero sa bandang divi bongga ang the voice kasi may i sing pa sila habang nagbibigay ng sobre.. promise ang gaganda ng boses parang may voice lesson pa sila bago iasabak ng sindicate kung meron man..

    ReplyDelete