Sunday, September 15, 2013

Kalsada

Long overdue na itong review ko sa pelikulang Ibilanggo Si Neneng Magtanggol ni Superstar Nora Aunor. Orig ang nabayla kong VCD sa Astroplus worth seventy payb peysos kaya I'm so proud of this. Wala din akong nakitang pirated nito. Malamang 'di pa nadidiskubre ng mga pirata.

Ibilanggo Si Neneng Magtanggol (1977)
Margarita Film Productions
Directed by Tito C. Sanchez
Screenplay by Mauro Gia Samonte
Starring Nora Aunor, Nick Romano, Brenda Del Rio and Charlie Davao

Kwentong mayaman laban sa purita. Lumuwas si Neneng (Aunor) sa Maynila para makipagsapalaran nang matulungan ang pamilya sa probinsya. Napunta siya sa ahensya ni Matchay kung saan madami silang waiting list sa mga among naghahanap ng kasambahay. Natagalan man eh nakakuha rin siya ng trabaho bilang bonggang yaya ng anak ni Mr. Palanca (Davao).

La Aunor as Neneng Magtanggol
Lider ng unyon si Magtanggol (Romano) at siya'y walang havs na sinesante ni Mr. Palanca sa trabaho. Sa pagnanais na maresolba ang isyu, pinuntahan niya sa bahay ang amo at dito nakilala si Neneng. Love at first sight sa kalsada ang drama. Nadamay sila sa pangingidnap sa anak ng amo nila at sila ang itinurong kidnapers. Nakulong si Neneng at nakatakas si Magtanggol. Pero dahil sa nagmamahalan sila, ginawa ni lalake ang lahat para maitakas ang minamahal. Ayun, nabaril tuloy siya sa ending. 'Di naman masyadong tragic ang ending kasi napawalang sala si babae.

Unlike sa iba niyang pelikula, dalawa sila ni Nick Romano na bida dito. Parehas ang laban pagdating sa aktingan isama mo pa ang kontrabidang si Charlie Davao. Pinakamabigat na eksena dito eh nung narinig ni Neneng sa radyo na namatay ang kanyang ina. "INAAAYYY!!!" hiyaw ni Ate Guy. Ramdam mo agad ang todong hinagpis niya bilang si Neneng. PANALO!

Rating: 3/5 stars

3 comments:

  1. Ay, di ko bet yan, Teh. Pero wag ka ha, best actress ang lola diyan sa Davao City Film Festival. Oh, sey???

    Teka, Teh, watch naman tayo ng "Ang Kwento ni Mabuti" sa September 18-24. Part sya ng Cine Filipino Filmfest.

    o, eto ang sked.

    •September 18- 10:45PM @ Resorts World
    •September 18- 7PM @ Gateway Cineplex
    •September 19- 1:50PM @ Lucky Chinatown
    •September 20- 3PM @ Gateway Cineplex
    •September 20- 1:40PM @ Resorts World MLA
    •September 21- 1:40PM @ Resorts World MLA (GALA)
    •September 21- 7:30PM @ EDSA Shangri-La
    •September 22- 1:50PM @ Lucky Chinatown
    •September 22- 9:30PM @ Gateway Cineplex
    •September 23- 12:40PM @ Lucky Chinatown
    •September 24- 3:00PM @ Gateway Cineplex

    See you there! (o, di ba libreng promo lang ang peg? Hahahahaha)

    ReplyDelete
  2. Infairview talaga kay Ate Guy! One and only lang talaga siya!

    Sold out daw ang tickets ng international screening ng Thy Womb sa London. Bongga!

    ReplyDelete
  3. yan ba yung bagong movie ni ate guy? kalokah ang trailer sa youtube. ano ba yun? may napulot na pera?

    ReplyDelete