Hindi matatapos ang lungkut-lungkutan moments kung patuloy ako magsesenti sa bintana at mag-aantay ng ulan. I need to go back to my beautiful mood kaya pagkagising kahapon ay agad akong naghagilap ng mapagkukunan ng kasiyahan. Una ay tinapos ko muna ang librong halos isang linggo kong basahin. Hindi normal 'yan sa akin kasi ang 128 pages ay natatapos ko ng ilang oras lang. Tapos niyan ay nag-download ako ng isang klasikong obra ni
Ate Guy. Saka ko na isusulat ang review diyan. Unahin ko muna 'to dahil todong good vibes ang dala ng...
Viva Films
Directed by Andoy Ranay
Screenplay by Mel del Rosario
Starring Nadine Lustre, Andre Paras, Yassi Pressman and James Reid
Isang ulilang college student ng Willford Academy si Eya (Lustre). Scholar siya doon at nakikipisan sa tiyahin na may karinderya. Not-your-typical-GF-material ang lolah niyo. Bukod sa ang gross niya mangulangot at magtinga eh tadtad din siya ng tagyawat. Sa paghahanap ng mapapasukan ay napadpad siya sa Sandford residence at namasukang personal maid ni Cross (Reid) na coincidentally eh schoolmate niya. Bad boy, sakit ng ulo at magaspang ang pag-uugali. Binigyan pa siya ng nickname: Panget.
Crush ni Eya ang soccer player na si Chad (Paras) pero naging platonic ang pagtingin niya dito dahil hit ang pagiging instant BFF nila. Tsaka may iba 'tong mahal, si Lori (Pressman). Siya ang exact opposite ni Eya pagdating sa looks at personality. Kaya lang all eyes si babae kay Cross since childhood pa nila. OUCH!
Love ni Chad si Lori. Love ni Lori si Cross. Cross doesn't like Lori. Saan sisingit si Eya?
|
Cast of Diary ng Panget |
Hango ang pelikula mula sa best-selling book written by
HaveYouSeenThisGirL. May pa-mysterious effect ang writer huh! Naging mabenta sa kabataan kaya nagkaroon ng movie adaptation. Tila sugal kung tutuusin ang pagsasapelikula nito dahil ang apat na bida ay wala pang napatunayan sa pagdadala ng pelikula kaya laking surpresa na mag-hit ito sa box-office. Mahigit sampung milyon sa unang araw and as of the moment ay nakaka 60++ million na.
Nagkalat na rin ang reviews online, may positibo at negatibo. Kesyo ang babaw at madami daw butas ang istorya. Na-curious tuloy akong panoorin and to my surprise, nagustuhan ko nang bonggang bongga. Lakas maka-entertain lalo na ang mga ginamit na linyang in na in ngayon. Ang daming kilig moments! Well, hilig ko naman kasi ang mga pa-sweet at mala-Cinderella stories. Ewan ko ba sa mga movie critics kung bakit sila naghahanap ng depth at meaning. Sana gawa na lang nina Lino Brocka o Brillante Mendoza ang pinanood nila noh!
Basta sa akin ay PAK na PAK ang Diary ng Panget. Kilig na kilig akez kay Andre Paras. Mahal ko na yata siya. Ang gwapo-gwapo niya! Pati si James Reid nakakakilig. Swerte nitong si Nadine Lustre at ilang beses siyang niyakap nung dalawa.
Rating: 4/5 stars