Tuesday, April 1, 2014

Hello April

Opisyal ang paghahari ng araw. Peak season ng mga bikini contest. Maraming kalalakihan na kapiraso lang ang suot. Walang kasing init ang tanghaling tapat. Parang libreng cremation sa tuwing lalabas. Dapat palaging may dalang payong. Dagdagan ang patong ng sunblock sa balat. Madaming susugod sa Boracay. Magtampisaw kasama ang pamilya at barkada. Kung ayaw mangitim, pwede sa Baguio o Tagaytay. Andiyan na rin ang Holy Week. Panahon para magnilay-nilay. Walang pasok ang mga estudyante. Less utaw. Less trapik. Uso ulit ang samalamig. Zagu. Serenitea. Chatime. Pero da best ang classic Halo-Halo sa kalsada, kinse pesos ang halaga.

Tara mga 'teh, UMPISAHAN NA NATIN ANG SAYA! 

4 comments:

  1. inaabangan ko ang mga bikini opens ng mga ohms! sana teh melanie pati sa mga gay bar mag feature ka dito HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! seryoso ateng. dinggin mo ang request ko ateng melanie.

    ReplyDelete
  2. todo nga ang init kahit dito samin sa 'Tipolo ,buti na lang may aircon na napagtyatyagaan , kaso todo upward naman ang sirit ng kuryente kaya di rin masyado ginagamit at baka walang maipambayad sa Meralco ha ha ha

    ReplyDelete
  3. Dami magawa sa Bohol, Cebu at Negros :) You should bless those places soon with your presence soon

    ReplyDelete
  4. -Teh Anonymous 1, nako nagsara na kasi ang paborito kong gay bar sa may Recto/Sta. Cruz. Panalo ang mga ganap dun teh!

    -Teh Edgar, more init means more profit sa Meralco. KALOKA!

    -Teh Simon, nakagora na akez diyan sa Cebu at Bohol. Speechless ako sa ganda ng mga 'yan. In the future ikakalat ko sa Negros ang naiiba kong sarap :)

    ReplyDelete