Viva Films
Directed by Andoy Ranay
Screenplay by Mel del Rosario
Starring Nadine Lustre, Andre Paras, Yassi Pressman and James Reid
Isang ulilang college student ng Willford Academy si Eya (Lustre). Scholar siya doon at nakikipisan sa tiyahin na may karinderya. Not-your-typical-GF-material ang lolah niyo. Bukod sa ang gross niya mangulangot at magtinga eh tadtad din siya ng tagyawat. Sa paghahanap ng mapapasukan ay napadpad siya sa Sandford residence at namasukang personal maid ni Cross (Reid) na coincidentally eh schoolmate niya. Bad boy, sakit ng ulo at magaspang ang pag-uugali. Binigyan pa siya ng nickname: Panget.
Crush ni Eya ang soccer player na si Chad (Paras) pero naging platonic ang pagtingin niya dito dahil hit ang pagiging instant BFF nila. Tsaka may iba 'tong mahal, si Lori (Pressman). Siya ang exact opposite ni Eya pagdating sa looks at personality. Kaya lang all eyes si babae kay Cross since childhood pa nila. OUCH!
Love ni Chad si Lori. Love ni Lori si Cross. Cross doesn't like Lori. Saan sisingit si Eya?
Cast of Diary ng Panget |
Nagkalat na rin ang reviews online, may positibo at negatibo. Kesyo ang babaw at madami daw butas ang istorya. Na-curious tuloy akong panoorin and to my surprise, nagustuhan ko nang bonggang bongga. Lakas maka-entertain lalo na ang mga ginamit na linyang in na in ngayon. Ang daming kilig moments! Well, hilig ko naman kasi ang mga pa-sweet at mala-Cinderella stories. Ewan ko ba sa mga movie critics kung bakit sila naghahanap ng depth at meaning. Sana gawa na lang nina Lino Brocka o Brillante Mendoza ang pinanood nila noh!
Basta sa akin ay PAK na PAK ang Diary ng Panget. Kilig na kilig akez kay Andre Paras. Mahal ko na yata siya. Ang gwapo-gwapo niya! Pati si James Reid nakakakilig. Swerte nitong si Nadine Lustre at ilang beses siyang niyakap nung dalawa.
Rating: 4/5 stars
Napanood ko na rin ang pelikula. Yes mababaw sya, typical pinoy rom-com. Yes, naentertain ako sa pelikula kahit mga bano umarte ang mga bida. A feel goid movie indeed. Ateng melanie, galing yan sa wattpad. Download mas marami pang ganyan na mababasa.
ReplyDeletekeribels lang yung pelikula. nothing special. for me, 3.5/5 ★★★☆
ReplyDeletenot my kind of movie. pinanood ko and i was extremely disappointed. sobrang babaw nga ng pelikula. sayang ang pera ko, geez!
ReplyDeleteOk naman ang movie na itech. Ika nga feel good. For teens ang market ng pelikula. Napanood ko rin ang Echuserang Frog and I say na mas natawa ako dun
ReplyDeleteteh pinagpapantasyahan ko si james...whoottt sobrang hwaffuuu and hawwwtttt...
ReplyDelete