Sa SM Megamall ang ganap. Ang first 500 album buyers ang makakakuha ng tsansang makalapit sa kanya at personal niyang pipirmahan ang kopya. Buti na lang at nakaabot pa si Chari sa last 2 copies. Destiny talaga na malapitan namin siya ng bongga! 14 years old pa lang yata ako nang unang tumibok ang bubot kong puso sa kanya. Kahit ilang beses na siyang nakapagconcert sa Pinas kasama ang Westlife eh nunca ko siyang nakita in flesh kaya naman naguumapaw ang kilig at saya ko.
Past 7PM nang dumating siya. Sa may kanan ng stage ang daan. Tamang tama at andun ako banda. Parang slowmo sa pelikula ng makita ko siyang lumabas at unti-unting dumaan sa tapat ko. JUICE KOH! Ang puso ko! Ang puso ko!
Strictly no selfie moment with him. Album signing lang at waley performance but I'm glad hindi siya nagdamot at kinanta ang chorus ng Swear It Again. EEEEHHHHH!!! Todong tilian ang mga fans. Pang 300+ pa 'yung number namin so picture picture muna sa audience. Matapos 'yan eh fall in line na kami. Habang papalapit ako sa kanya, para akong lumulutang sa ere. Grabe! Sa tinagal-tagal ko siyang pinantasya, eto na talaga ang moment. Nung pinipirmahan na niya ang CD inlay, 'di ko talaga napigilang sabihin "Shane, I LOVE YOU!" na parang maiiyak na matatae ang fes. Kinindatan niya ako sabay shake hands. NAKAKALOKA! Para akong dinuduyan sa sarap! Nagtatawanan na 'yung fans sa baba ng stage sa inarte ko. Kashi naman kilig na kilig me hihihihi!
Bago matapos ang event eh naghanda ng cake ang fans niya dahil birthday niya sa July 5. Sweet noh! Kinantahan namin siya ng happy birthday. He made a wish and blew the candle. He was very grateful for the warm support of his Filipino fans and he can't wait to return in October for his concert at the World Trade Center. EEEHHHH!!! Hopefully mapanood ko 'yan.
Ang swerte mo Ate M, Kungrachuleyshons! (clapping hands and cheering crowds)
ReplyDelete-AnonymousBeki